BOC, agad na tumugon sa kautusan ng Pangulo na habulin ang mga hoarder ng bigas

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Bureau of Customs sa pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpatuloy ang ginagawa nitong raid sa mga warehouse ng bigas sa bansa. Muli na naman kasing nagsagawa ng raid ang customs ngayong umaga sa Bocaue at Balagtas, Bulacan kung saan sinamahan ang mga ito nina House… Continue reading BOC, agad na tumugon sa kautusan ng Pangulo na habulin ang mga hoarder ng bigas

Speaker Romualdez, nakikiisa sa pagluluksa ng media industry sa pagpanaw ng mamamahayag na si Mike Enriquez

Ilang mambabatas ang nagpaabot ng pakikidalamhati sa pagpnaw ng batikang broadcaster na si Mike Enriquez. Sa pahayag ni House Speaker Martin Romualdez, ipinaabot nito ang pakikiramay sa naiwang pamilya, kaibigan at katrabaho ng namayapang mamamahayag. Aniya, malaking kawalan ang pagkawala ni Enriquez hindi lamang sa kaniyang media network na GMA 7 ngunit sa buong industriya.… Continue reading Speaker Romualdez, nakikiisa sa pagluluksa ng media industry sa pagpanaw ng mamamahayag na si Mike Enriquez

MMDA at La Salle Green Hills, nagpulong para mas maging maayos ang trapiko sa paligid ng paaralan

Nagpulong ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at La Salle Green Hills. Ito ay upang talakayin kung paano mas magiging maayos ang daloy ng mga sasakyan sa paligid ng paaralan ngayong balik-eskwela na ang mga mag-aaral. Matatandaang isang SUV driver ang nag-iwan at nagparada ng kaniyang sasakyan sa gitna ng kalsada sa harap… Continue reading MMDA at La Salle Green Hills, nagpulong para mas maging maayos ang trapiko sa paligid ng paaralan

Natagpuang bangkay sa Amulung, Cagayan, nakuha na ng kaniyang pamilya

Nakilala na ang lalaking natagpuang wala nang buhay sa Ilog-Cagayan sa bahagi ng steel bridge sa Amulung, Cagayan kaninang umaga. Ayon kay PCpl. Julieto Mora, imbestigador ng Amulung Police Station, kinumpirma mismo ng asawa ng biktima na ang narekober na bangkay ay si Leomar Fenix, 35 taong gulang, na taga-Sta. Isabel Sur, sa siyudad ng… Continue reading Natagpuang bangkay sa Amulung, Cagayan, nakuha na ng kaniyang pamilya

5-Minute Fire Response, target ng BFP-NCR sa pagresponde sa mga sunog sa Metro Manila

Ipinagdiwang sa Kampo Crame ngayong araw ng Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR) ang kanilang ika-32 anibersaryo. Dito, inihayag ni BFP-NCR Director, Fire Chief Superintendent Nahum Tarroza ang kanilang planong magpatupad ng 5-minute fire response sa tuwing makapagtatala sila ng insidente ng sunog sa Metro Manila. Gayunman, sinabi ni Tarroza, na makakamit… Continue reading 5-Minute Fire Response, target ng BFP-NCR sa pagresponde sa mga sunog sa Metro Manila

Amyenda sa panukalang “Philippine National Nuclear Energy Safety Act”, inaprubahan ng joint house panel

Inaprubahan ng Joint House Committee on Energy and Nuclear Energy ang panukalang amyenda sa panukalang “Philippine National Nuclear Energy Safety Act”. Sa isinagawang pagdinig ng joint panel, tinalakay ng mga mambabatas ang pinapanukalang amyenda sa section 8 ng House Bill 8218. Ito ay ang pansamantalang koleksyon ng “universal charge”, across the board. Ibig sabihin, madadagdagan… Continue reading Amyenda sa panukalang “Philippine National Nuclear Energy Safety Act”, inaprubahan ng joint house panel

First Lady Liza Araneta-Marcos, dumalo sa ika-127 anibersaryo ng Araw ng Pinaglabanan sa San Juan City

Dumalo si First Lady Louise o “Liza” Araneta – Marcos para pangunahan ang pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Pinaglabanan sa Lungsod ng San Juan ngayong araw. Bahagi ng pagdiriwang ang flag raising ceremony at pag-aalay ng bulaklak sa dambana ng Pinaglabanan bilang pag-alala naman sa kabayanihan ng mga Pilipinong lumahok sa Labanan sa San Juan… Continue reading First Lady Liza Araneta-Marcos, dumalo sa ika-127 anibersaryo ng Araw ng Pinaglabanan sa San Juan City

MPD, patuloy ang pag-aresto sa mga lumalabag sa ‘gun ban’

Umabot na sa lima ang naaresto ng MPD sa mga lumalabag sa COMELEC Gun Ban. Ayon kay MPD Director BGen. Andre Dizon, dalawa sa mga nahuli ay may dalang baril habang tatlo naman ang nakuhanan ng mga patalim. Sinabi ni Dizon na magpapatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng checkpoint hanggang sa matapos ang election period.… Continue reading MPD, patuloy ang pag-aresto sa mga lumalabag sa ‘gun ban’

Courtesy resignation ni QCPD Director Nicolas Torre III, pag-aaralan pa — PNP chief

Nilinaw ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na pag-uusapan muna nila ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr at QC Mayor Joy Belmonte ang courtesy resignation ni Quezon City Police District (QCPD) Director Nicolas Torre III bago tanggapin. Ang paglilinaw ay ginawa ni Gen. Acorda matapos sabihin ni BGen. Torre na nagkausap na sila… Continue reading Courtesy resignation ni QCPD Director Nicolas Torre III, pag-aaralan pa — PNP chief

Speaker Romualdez, may panibagong babala sa mga mapagsamantalang importer at trader ng bigas

Panibagong paalala ang iniwan ni House Speaker Martin Romualdez sa mga importer at trader ng bigas matapos muling magsagawa ng inspeksyon sa warehouse ng bigas sa Bulacan kasama ang Bureau of Customs. Para sa mga importer, gawing tama ang proseso ng importasyon ng bigas at para sa mga trader—huwag nang ipitin sa kanilang mga warehouse… Continue reading Speaker Romualdez, may panibagong babala sa mga mapagsamantalang importer at trader ng bigas