Waste-free election, panawagan ng Ban Toxics sa mga kakandidato sa BSKE

Umaapela ngayon ang Toxics watchdog BAN Toxics sa lahat ng mga kandidato sa Barangay at SK Elections na maging responsable at iwasan ang pagkakalat ng plastic waste ngayong halalan. Ayon kay Rey San Juan, executive director ng BAN Toxics, umaasa itong magiging ehemplo ang mga aspiring na Barangay at SK officials sa pagtutulak ng isang… Continue reading Waste-free election, panawagan ng Ban Toxics sa mga kakandidato sa BSKE

Trabaho Para sa Bayan Act, maiaakyat na sa tanggapan ng Pangulo

Maaari nang maiakyat sa Tanggapan ng Pangulo para malagdaan ang panukalang Trabaho Para sa Bayan (TPB) Plan. Ito’y matapos i-adopt ng Kamara ang bersyon ng Senado para sa panukala na isang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) Priority Measure. Ang TPB ang magiging employment generation and recovery master plan ng gobyerno sa susunod na 10 taon.… Continue reading Trabaho Para sa Bayan Act, maiaakyat na sa tanggapan ng Pangulo

DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱1.9-M ayuda sa mga apektado ng bagyong Goring

Tuloy-tuloy na ang relief efforts ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng habagat na pinaigting ng bagyong Goring. Ayon sa DSWD, aabot na sa ₱1.9-milyong halaga ng humanitarian assistance ang nailaan ng ahensya sa mga lalawigang naapektuhan ng mga pag-ulan at pagbaha. Kabilang rito ang mga apektado sa Calabarzon,… Continue reading DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱1.9-M ayuda sa mga apektado ng bagyong Goring

QCPD director, nagbitiw sa pwesto

Nagbitiw na sa pwesto si Quezon City Police District (QCPD) Director Police Brig. General Nicolas Torre III. Ayon kay Torre, nakausap na niya si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. at tinanggap naman nito ang kanyang pagbibitiw. Ito’y kaugnay ng nangyaring mistulang pagbibigay ng QCPD ng “special treatment” sa dating pulis na si Wilfredo… Continue reading QCPD director, nagbitiw sa pwesto

OVP budget, mabilis na lumusot sa House Appropriations Committee

Tumagal lang ng 13 minuto at 40 segundo ang budget briefing ng Office of the Vice President na pinangunahan mismo ni Vice President Sara Duterte. Kabuuang P2.37 bilyon ang pondong ipinapanukala para sa OVP sa susunod na taon. Ito ay para maipagpatuloy ang kanilang programa at proyekto. Kabilang dito ang pagbubukas ng karagdagang OVP satellite… Continue reading OVP budget, mabilis na lumusot sa House Appropriations Committee

2022 Census of Agriculture and Fisheries, lalarga na sa Setyembre — PSA

Nanawagan ngayon ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa mamamayan na makiisa at makilahok sa pagsisimula ng 2022 Census of Agriculture and Fisheries. Ayon kay PSA Undersecretary at National Statistician Dennis S. Mapa, pormal nang lalarga sa September 4 ang enumeration period o ang pagkalap ng mga datos na patungkol sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.… Continue reading 2022 Census of Agriculture and Fisheries, lalarga na sa Setyembre — PSA

Pres. Marcos Jr, nagpaabot ng pakikiramay at pagdadalamhati sa pagkawala ng beteranong broadcaster na si Mike Enriquez

Nagpahayag ng pagdadalamhati ang Malacañang sa pagkawala ng beteranong mamamahayag na si Mike Enriquez. Ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng kaniyang official X (Twitter) account ay nagpaabot ng kalungkutan sa balita hinggil sa pagpanaw ng beteranong brodkaster. Ayon sa Pangulo, nagbuhos ng dedikasyon si Enriquez at buhay para makapaghatid ng ng patas… Continue reading Pres. Marcos Jr, nagpaabot ng pakikiramay at pagdadalamhati sa pagkawala ng beteranong broadcaster na si Mike Enriquez

Caloocan Mayor Malapitan, nagpasalamat sa hatid na tulong ng “Lab for All” program sa higit 5,000 residente sa lungsod

Lubos ang pasasalamat ni Caloocan Mayor Along Malapitan kay First Lady Liza Araneta-Marcos sa inisyatibo nitong Lab For All Program na naghatid ng libreng serbisyong medikal sa libu libong residente sa lungsod. Nitong Martes, magkasamang pinangunahan nina First Lady Liza Araneta-Marcos at Mayor Malapitan ang rollout ng programa sa Caloocan City Sports Complex kung saan… Continue reading Caloocan Mayor Malapitan, nagpasalamat sa hatid na tulong ng “Lab for All” program sa higit 5,000 residente sa lungsod

Mas marami pang ehersisyo militar sa pagitan ng Pilipinas at Australia, inaasahan ng mga hepe ng militar ng dalawang bansa

Kapwa umaasa si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. at Chief of the Australian Defense Force (ADF), General Angus Campbell na magkakaroon ng mas marami pang ehersisyo militar sa pagitan ng Pilipinas at Australia. Ang pahayag ay ginawa ng dalawang opisyal sa kanilang pagpupulong kahapon sa pagbisita ni… Continue reading Mas marami pang ehersisyo militar sa pagitan ng Pilipinas at Australia, inaasahan ng mga hepe ng militar ng dalawang bansa

10 domestic flight sa NAIA, kanselado ngayong araw dahil sa masamang panahon

Nagpaabiso ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga pasahero dahil sa mga kanseladong biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Batay sa abiso ng MIAA, 10 domestic flights ang kinansela ang biyahe ngayong araw bunsod ng masamang panahon sa destinasyon. Kabilang sa mga nakansela ang biyahe ng Cebu Pacific Flight 5J 404/405 na biyaheng… Continue reading 10 domestic flight sa NAIA, kanselado ngayong araw dahil sa masamang panahon