Kamara, tinututukan kahandaan ng mga ahensya sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente

Photo courtesy of House of Representatives

Siniguro ni House Committee on Legislative Franchises Chairperson Gus Tambunting na committed ang Kamara sa pagtiyak na may sapat na suplay na kuryente sa bansa. Ito ang iginiit ng mambabatas, matapos ipatawag ang energy stakeholders upang alamin ang paghahanda sa posibleng epekto ng severe weather conditions gaya ng La NiƱa sa suplay ng kuryente. Batay… Continue reading Kamara, tinututukan kahandaan ng mga ahensya sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente

Grand Lotto 6/55 jackpot prize, umabot na sa mahigit P200-M ngayong Christmas Day draw — PCSO

Umabot na sa P202.5 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 matapos walang nanalo noong Lunes. Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles, ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng PCSO na magkakaroon ng lotto draw sa mismong araw ng Pasko at Bagong Taon. Isinasagawa ang Grand Lotto 6/55 draw… Continue reading Grand Lotto 6/55 jackpot prize, umabot na sa mahigit P200-M ngayong Christmas Day draw — PCSO

Emergency response para sa mga alagang hayop sa panahon ng kalamidad, ipinapanukala sa Kamara

Photo courtesy of Rep. Alfred Delos Santos FB page

Itinutulak ngayon ni Ang Probinsyano Party-list Representative Alfred Delos Santos, ang pagkakaroon ng Emergency Response Program para sa mga hayop tuwing panahon ng kalamidad. Sa kaniyang House Bill 11087, ipinunto ni Delos Santos na tuwing may tumatamang kalamidad, ang mga alagang hayop ay madalas naiiwan. Bagamat may ilan aniyang mga lokal na pamahalaan na may… Continue reading Emergency response para sa mga alagang hayop sa panahon ng kalamidad, ipinapanukala sa Kamara

Senior Citizen Party-list, umapela na rin kay PBBM na magawaran ng clemency si Mary Jane Veloso

Nanawagan na rin si Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes kay Pangulong Ferinand R. Marcos Jr. na magawaran ng executive clemency si Mary Jane Veloso. Aniya tradisyon na, na sa pagtatapos ng taon ay nagpalalaya ang presidente ng mga person deprived of liberty kabilang ang mga matatanda. Umaasa si Ordanes, na maikonsidera ng Pangulo ang… Continue reading Senior Citizen Party-list, umapela na rin kay PBBM na magawaran ng clemency si Mary Jane Veloso

Ilang tauhan ng DSWD 7, nag-Pasko sa evacuation centers sa Canlaon City Negros Oriental

Hindi lamang mga evacuee na apektado ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon ang nagdiwang ng Pasko sa mga evacuation center sa Canlaon City, kung hindi pati na rin ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region-7. Mula nang naitala ang muling pagsabog ng Bulkang Kanlaon noong December 9 hanggang sa ipinatupad ang… Continue reading Ilang tauhan ng DSWD 7, nag-Pasko sa evacuation centers sa Canlaon City Negros Oriental

34 brgy binaha at 2 insidente ng landslide, naiulat sa CamSur

Naitala ang pagbabaha sa 34 na mga barangay habang dalawang insidente ng pagguho naman ang naiulat sa Camarines Sur, kaugnay ng nararanasang pag-ulan sa lalawigan. Sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Camarines Sur, kabuuang 34 na mga barangay mula sa 13 ang naiulat na nagkaroon ng pagbaha dahil sa naranasang… Continue reading 34 brgy binaha at 2 insidente ng landslide, naiulat sa CamSur

Panukala para sa pagtatatag ng isang komisyon na mamamahala sa lahat ng kulungan sa bansa, itinutulak ng isang mambabatas

Nanawagan si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa mga kasamahang mambabatas na sana’y aksyunan ang inihaing House Bill 8101 o Unified Corrections and Jail Management System Act. Layon nito na itatag ang National Commission on Corrections and Jail Management (NCCJM) na siyang mangangasiwa sa lahat ng kulungan sa bansa. Papalitan nito ang Bureau of Corrections… Continue reading Panukala para sa pagtatatag ng isang komisyon na mamamahala sa lahat ng kulungan sa bansa, itinutulak ng isang mambabatas

Pagtatapos ng Simbang Gabi 2024, naging mapayapa – QCPD

Naging matiwasay ang pagtatapos ng tradisyunal na Simbang Gabi sa Quezon City, ayon yan sa Quezon City Police District. Ayon kay QCPD Chief PCol Melecio Buslig Jr., walang anumang naitalang untoward incident sa siyam na novena masses na idinaos mula December 16 hanggang December 24. Kasunod nito, pinuri ng QCPD Chief ang mga pulis sa… Continue reading Pagtatapos ng Simbang Gabi 2024, naging mapayapa – QCPD

PAGASA, naglabas ng heavy rainfall warning kaugnay ng shear line

Bunsod ng epekto ng shear line ay nagpalabas ng Heavy Rainfall Warning ang PAGASA sa ilang lugar sa Luzon. As of 8am, nasa ilalim ng Yellow Warning ang mga lalawigan ng Quezon, Laguna, at Batangas kung saan pinag-iingat ang mga residente sa banta ng pagbaha. Mahina hanggang katamtamang ulan naman ang inaasahan sa Nueva Ecija,… Continue reading PAGASA, naglabas ng heavy rainfall warning kaugnay ng shear line

Sen. Bong Go, nagpaalala sa lahat na alagaan ang kalusugan ngayong Kapaskuhan

Nagpaalala si Senate Committee on Health Chairperson Senador Christopher ‘Bong’ sa bawat Pamilyang Pilipino na dapat ay alagaan ang kalusugan sa panahon ng Pasko. Aminado si Go na ang Pasko ay panahon ng pagtitipon-tipon, pagbibigayan at kabi-kabilang handaan pero hindi aniya dapat maisantabi ang kalusugan. Naniniwala ang senador na mainam na paraan para ipagdiwang ang… Continue reading Sen. Bong Go, nagpaalala sa lahat na alagaan ang kalusugan ngayong Kapaskuhan