Pamamahagi ng fuel subsidy, sisikaping masimulan ng LTFRB ngayong buwan

Sisikapin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na masimulan na ang distribusyon fuel subsidy sa mga driver at operator ng mga pampasaherong sasakyan bago matapos ang buwan ng Agosto. Ayon kay LTFRB Chair Atty. Teofilo Guadiz, hinihintay pa rin nilang mai-download ng Department of Budget and Management (DBM) ang halos ₱3-bilyong pondo para… Continue reading Pamamahagi ng fuel subsidy, sisikaping masimulan ng LTFRB ngayong buwan

Online training para sa BSKE security, inilunsad ng PNP

Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang online training portal para sa mga miyembro ng PNP na may election duty sa darating na synchronized Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE). Ang Police Open Academy (POA) Portal ay maaring i-access sa https://www.policeopenacademy.pnp.gov.ph. simula sa August 29. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier… Continue reading Online training para sa BSKE security, inilunsad ng PNP

Chief PNP Cup Shooting Competition, magbubukas ngayong araw

Magbubukas ngayong alas-8 ng umaga ang Chief PNP Cup Shooting Competition sa Armscor Shooting Range sa Marikina City. Ang apat na araw na kompetisyon na magtatapos sa August 20 ay inaasahang lalahukan ng 490 gun enthusiasts mula sa 55 unit at tanggapan ng Philippine National Police (PNP). Sa pangunguna ni PNP Chief Police General Benjamin… Continue reading Chief PNP Cup Shooting Competition, magbubukas ngayong araw

Paggamit ng water cannons at panunutok ng laser, isinusulong na maisama sa grounds para mapagana ang MDT

Isinusulong ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maisama sa grounds para mapagana ang mutual defense treaty (MDT) ng Pilipinas sa Estados Unidos ang panunutok ng laser at paggamit ng water cannon laban sa ating tropa. Ginawa ni Dela Rosa ang naturang suhestiyon sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations tungkol sa panukalang amyendahan… Continue reading Paggamit ng water cannons at panunutok ng laser, isinusulong na maisama sa grounds para mapagana ang MDT

Pinatalsik na si Rep. Teves, wala pang desisyon kung aalisin din sa partido NPC

Kailangan pa ring pag-usapan ng Nationalist People’s Coalition (NPC) kung aalisin din nila sa partido si expelled Congressman Arnolfo Teves Jr. Sa isang press conference, sinabi ni NPC secretary-general at Rizal Rep. Michael John ‘Jack’ Duavit na pagpupulungan pa ng partido kung ilalaglag si Teves matapos tuluyang alisin ng Kamara bilang miyembro nito dahil sa… Continue reading Pinatalsik na si Rep. Teves, wala pang desisyon kung aalisin din sa partido NPC

Publiko, pinayuhan ng DTI na maging responsable sa pagkonsumo ng bigas

Paga-adjust ng diet ang nakikitang solusyon ng Department of Trade and Industry (DTI) sa harap na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas na ngayo’y nasa P50 na kada kilo. Ayon kay Trade Sec. Alfredo Pascual, marami namang puwedeng gamiting alternatibo sa bigas tulad ng kamote at puting mais. Maaari rin aniyang paghaluin… Continue reading Publiko, pinayuhan ng DTI na maging responsable sa pagkonsumo ng bigas

Senador Alan Peter Cayetano, hiniling sa DBM na maglabas ng kautusan para maliwanagan ang alokasyong pondo para sa 10 EMBO barangay

Umapela si Senador Alan Peter Cayetano sa Department of Budget and Management (DBM) na maglabas ng kautusan para sa magiging pondo sa susunod na taon ng sampung EMBO barangays. Ang EMBO barangays ay tumutukoy sa sampung barangay na dating sakop ng Makati City pero batay sa ruling ng Korte Suprema ay bahagi na ngayon ng… Continue reading Senador Alan Peter Cayetano, hiniling sa DBM na maglabas ng kautusan para maliwanagan ang alokasyong pondo para sa 10 EMBO barangay

Senate President Zubiri, hinarap ang economic managers tungkol sa panukalang P150 legislated wage hike

Tinanong ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang economic managers ng administrasyon tungkol sa pinapanukala niyang P150 legislated wage hike para sa pribadong sektor. Sa 2024 budget briefing sa senado, pinaabot ni Zubiri sa economic team ang pangangailangan na aprubahan na ang dagdag na sweldo para hindi na mangibang-bansa ang mga manggagawang pinoy. Sinabi naman… Continue reading Senate President Zubiri, hinarap ang economic managers tungkol sa panukalang P150 legislated wage hike

Sen. Pia Cayetano, pinatutugunan sa NEDA ang kakulangan ng healthcare professionals sa Pilipinas

Nanawagan si Senadora Pia Cayetano sa National Economic Development Authority (NEDA) na tugunan ang problema sa kakulangan ng mga healthcare professionals sa Pilipinas. Ginawa ng mambabatas ang pahayag sa briefing sa Senado ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa panukalang 2024 national budget. Ayon sa senadora, ang isyung ito ay mayroong seryosong implikasyon sa… Continue reading Sen. Pia Cayetano, pinatutugunan sa NEDA ang kakulangan ng healthcare professionals sa Pilipinas

500 puno, naitanim sa ilalim ng Green Canopy project; 1-M puno, target na itanim ngayong taon

Tuloy-tuloy ang programang Green Canopy Project ng Pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan kung saan bayan ng Agno ang naging destinasyon ngayong araw, ika-16 Agosto 2023. Umakyat sa bilang na 250 puno ng Narra at 250 puno ng Kasoy ang naitanim sa nasabing bayan. Pinangunahan ng Provincial Population Cooperation and Livelihood Development Office (PPCLDO) at Provincial Disaster… Continue reading 500 puno, naitanim sa ilalim ng Green Canopy project; 1-M puno, target na itanim ngayong taon