Nasa P0.70 na rollback sa gasolina at diesel, ipatutupad bukas

Magpapatupad ng kanilang bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, Hulyo 4. Nasa P0.70 ang ipatutupad na bawas presyo sa kada litro ng gasolina at diesel habang nasa P0.85 naman ang bawas presyo sa kada litro ng kerosene. Unang magpapatupad ng kanilang bawas presyo sa gasolina at diesel ang mga… Continue reading Nasa P0.70 na rollback sa gasolina at diesel, ipatutupad bukas

Planong patawan ng tax ang junk foods at iba pang pagkain, pinalagan ni Sen. Raffy Tulfo

Hindi sinang-ayunan ni Senador Raffy Tulfo ang plano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na patawan na ng buwis ang mga chi-chirya sa susunod na taon. Para kay Tulfo, anti-poor ang nasabing plano dahil ang mga chi-chirya ay ang abot-kayang merienda ng mga mahihirap, at minsan pa aniya ay ginagawang ulam ng mga kababayan nating… Continue reading Planong patawan ng tax ang junk foods at iba pang pagkain, pinalagan ni Sen. Raffy Tulfo

Mahigit P131-M halaga ng tulong, naipamahagi na sa Albay – OCD Bicol

Base sa Office of Civil Defense 5 (OCD 5), umabot na sa P131,263,299.97 halaga ng iba’t ibang tulong na naibigay sa Albay mula nang mag-allburoto ang Bulkang Mayon. Iniakyat sa Alert Level 3 ang alarma nito, noong Hunyo 8 at umabot na sa 26 na araw ang Mayon Response Operation. Base sa datos ng Department… Continue reading Mahigit P131-M halaga ng tulong, naipamahagi na sa Albay – OCD Bicol

₱53-B tuition subsidy, inilaan ngayong taon para tulungan ang mahihirap na mag-aaral

Kabuuang ₱53 bilyon ang inilaang pondo ng pamahalaaan para sagutin ang matrikula ng mga underprivileged students na lilipat sa mga pribadong paaralan dahil sa kawalan ng public schools sa komunidad o kaya’y dahil sa puno na ang pampublikong paaralan. Ayon kay Quezon City Rep. Marvin Rillo, miyembro ng House Committee on Appropriations, ang naturang subsidiya… Continue reading ₱53-B tuition subsidy, inilaan ngayong taon para tulungan ang mahihirap na mag-aaral

MSSD, nagsagawa ng house to house distribution ng Hadiya Care Package sa Sibutu, Tawi-Tawi

Nasa 17 indigent senior citizen ang target na benepisyaryo ng Hadiya Care Package mula sa tanggapan ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa bayan ng Sibutu, Tawi-Tawi. Ang Hadiya Care Packages para sa matatandang Bangsamoro ay isa sa mga programa mula sa Older Persons and Person’s with Disability Welfare Program (OPPWDWP). Layunin ng… Continue reading MSSD, nagsagawa ng house to house distribution ng Hadiya Care Package sa Sibutu, Tawi-Tawi

Publiko, kailangan nang magtulungan sa pagtitipid ng tubig — Maynilad

Hiniling na ng Maynilad Water Services ang pagtutulungan ng publiko sa paggamit ng tubig. Ngayong may banta ng El Niño, inaasahan pa na mababawasan ang mga pag-ulan na makakadagdag sana sa suplay ng tubig sa mga dam. Ayon sa Maynilad, higit na kailangan ang kooperasyon ng publiko upang mapalawig pa ang suplay ng tubig. Kahit… Continue reading Publiko, kailangan nang magtulungan sa pagtitipid ng tubig — Maynilad

Parañaque LGU, nakatakda muling ilunsad ang SPES program

Nakatakdang muling ilunsad ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang Special Program for Employment of Students o SPES para sa taong 2023 sa darating na Miyerkules, Hulyo 5. Gagawin ang nasabing launch sa ganap na ika-8:00 ng umaga sa Old San Dionisio Gym sa Barangay San Dionisio sa pamamagitan ng inisyatibo ng Department of Labor… Continue reading Parañaque LGU, nakatakda muling ilunsad ang SPES program

Marikina LGU, puspusan ang paghahanda para sa Palarong Pambansa 2023

Photo courtesy of Marikina PIO

Nagsagawa na ng simulation exercise ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina para sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2023. Ang lokal na pamahalaan ang nakatakdang mag-host sa naturang scholastic multi-sport competition ngayon taon. Ayon sa Marikina LGU, nasa 1,500 na mga mag-aaral, technical officials, punong-guro, guro, mga opisyal, at mga kawani ng pamahalaang lungsod ang lumahok… Continue reading Marikina LGU, puspusan ang paghahanda para sa Palarong Pambansa 2023

Ilang gamot sa karamdaman, exempted na sa VAT — BIR

May 59 na klase ng medisina o gamot ang ginawang exempted sa Value Added Tax(TAX) ng Bureau of Internal Revenue. Sa inilabas na Revenue Memorandum Circular 72-2023, kabilang na sa exempted sa VAT ay ang gamot para sa Cancer, Hypertension, High Cholesterol, Diabetes, Mental Illness, Tuberculosis, at Kidney Disease . Sinabi ni BIR Commissioner Romeo… Continue reading Ilang gamot sa karamdaman, exempted na sa VAT — BIR

Konstruksyon ng Southern segment ng North-South Commuter Railway, nagsimula na

Opisyal nang sinimulan ang konstruksyon para sa North-South Commuter Railway Project ng Philippine National Railways sa Sta. Rosa, Laguna kung saan sinimulan na ang pagbaklas sa mga riles ng tren. Sa Groundbreaking Ceremony kaninang umaga, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang mga trainsets na hindi magagamit dahil sa pagsasara ng mga istasyon mula… Continue reading Konstruksyon ng Southern segment ng North-South Commuter Railway, nagsimula na