Marikina LGU, puspusan ang paghahanda para sa Palarong Pambansa 2023

Photo courtesy of Marikina PIO

Nagsagawa na ng simulation exercise ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina para sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2023. Ang lokal na pamahalaan ang nakatakdang mag-host sa naturang scholastic multi-sport competition ngayon taon. Ayon sa Marikina LGU, nasa 1,500 na mga mag-aaral, technical officials, punong-guro, guro, mga opisyal, at mga kawani ng pamahalaang lungsod ang lumahok… Continue reading Marikina LGU, puspusan ang paghahanda para sa Palarong Pambansa 2023

Ilang gamot sa karamdaman, exempted na sa VAT — BIR

May 59 na klase ng medisina o gamot ang ginawang exempted sa Value Added Tax(TAX) ng Bureau of Internal Revenue. Sa inilabas na Revenue Memorandum Circular 72-2023, kabilang na sa exempted sa VAT ay ang gamot para sa Cancer, Hypertension, High Cholesterol, Diabetes, Mental Illness, Tuberculosis, at Kidney Disease . Sinabi ni BIR Commissioner Romeo… Continue reading Ilang gamot sa karamdaman, exempted na sa VAT — BIR

Konstruksyon ng Southern segment ng North-South Commuter Railway, nagsimula na

Opisyal nang sinimulan ang konstruksyon para sa North-South Commuter Railway Project ng Philippine National Railways sa Sta. Rosa, Laguna kung saan sinimulan na ang pagbaklas sa mga riles ng tren. Sa Groundbreaking Ceremony kaninang umaga, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang mga trainsets na hindi magagamit dahil sa pagsasara ng mga istasyon mula… Continue reading Konstruksyon ng Southern segment ng North-South Commuter Railway, nagsimula na

Person of interest sa pagpatay sa architectural student na si Eden Joyce Villacete, hinahanap na ng PNP

Hinahanap na ng PNP ang isang person of interest sa kaso ng pagpatay sa architecture student na si Eden Joy Villacete. Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, isang lalaki ang nakita sa CCTV na naglalakad noong madaling araw ng Miyerkules malapit sa apartment ng biktima. Hindi muna pinangalanan ni Fajardo ang person of… Continue reading Person of interest sa pagpatay sa architectural student na si Eden Joyce Villacete, hinahanap na ng PNP

Ilang pagbabago sa K-10 curriculum, target na ipatupad sa 2025 ayon sa DepEd

Ilang mahahalagang pagbabago sa basic education curriculum ang inaasahang ipatutupad sa 2025. Ito ang pahayag ni Education Assistant Secretary for Operations Francis Cesar Bringas. Ayon kay Bringas, tinatapos na nila ang revised Kindergarten hanggang Grade 10 curriculum. Aniya, sinama rin ng ahensya ang mga komento ng publiko sa bagong curriculum at inaasahang mailulunsad ito sa… Continue reading Ilang pagbabago sa K-10 curriculum, target na ipatupad sa 2025 ayon sa DepEd

Suporta ni PBBM sa idinaos na LGBT Pride Reception, pinapurihan

Pinapurihan ni 4Ps Party-list Representative JC Abalos ang idinaos na LGBT Pride Reception sa Malacañang kamakailan. Aniya maituturing na isang makasaysayang pagtitipon ang naturang event. Malaki rin ang pasasalamat ng kongresista sa pagsuporta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ikinasang inisyatiba ng LGBT Pilipinas bilang pakikiisa sa Pride Month. Aniya, malaking bagay ang pagbibigay… Continue reading Suporta ni PBBM sa idinaos na LGBT Pride Reception, pinapurihan

Dating COVID-19 programs, maaaring buhayin para tulungan ang mga maliliit na negosyong tumalima sa taas-sahod

Iminungkahi ni Bagong Henerasyon partylist Rep. Bernadette Herrera na ituloy ng pamahalaan ang ilan sa inilunsad na programa noong kasagsagan ng COVID-19 upang matulungan ang mga negosyo na maipatupad ang dagdag sahod sa mga manggagawa. Kasabay ito ng pagpapasalamat sa NCR wage board sa pag-apruba ng dagdag na ₱40 sa daily minimum wage ng mga… Continue reading Dating COVID-19 programs, maaaring buhayin para tulungan ang mga maliliit na negosyong tumalima sa taas-sahod

Pagiging disente ng gobyerno at respeto ng int’l community, naibalik ni PBBM sa unang taon ayon sa Cavite solon

Pinuri ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang ‘impressive’ na unang taon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa puwesto. Ayon sa National Unity Party stalwart, naibalik ni PBBM ang pagiging disente ng public office. Hindi rin aniya hinayaan ng presidente na magpadala sa emosyon at sa halip ay pinairal ang propesyonalismo. “I like how the… Continue reading Pagiging disente ng gobyerno at respeto ng int’l community, naibalik ni PBBM sa unang taon ayon sa Cavite solon

VP Sara, binigyang diin ang kahalagahan ng monitoring at evaluation sa DepEd para sa pagsasagawa ng reporma sa edukasyon

Binigyang diin ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kahalagahan ng ‘monitoring’ at ‘evaluation’ sa Department of Education para sa pagsasagawa ng reporma ng education system sa bansa. Aniya, isa sa dapat pagtuunan ng pansin ang pagsagawa ng monitoring at evaluation upang maging isa ito sa ‘parameters’ sa pagsusulong ng mga makabagong programa… Continue reading VP Sara, binigyang diin ang kahalagahan ng monitoring at evaluation sa DepEd para sa pagsasagawa ng reporma sa edukasyon

Mga apektado ng Bulkang Mayon, lagpas na sa 42,000

Umabot na sa 11,045 pamilya o 42,815 indibidwal ang naaapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa Albay. Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Lunes, Hulyo 3. Nagmula ang mga apektadong residente sa 26 barangay sa lalawigan, kung saan 5,775 pamilya o 20,314 indibidwal ang sumisilong sa 28… Continue reading Mga apektado ng Bulkang Mayon, lagpas na sa 42,000