Extension ng SIM registration, pinapurihan ng CamSur solon

Pinapurihan ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte ang desisyon ng pamahalaan na palawigin ng tatlong buwan ang SIM Registration, mula sa orihinal na deadline na April 26. Aniya, dahil sa hakbang na ito ay maiiwasan ang ‘digital disenfranchisement’ ng nasa halos 100 million pang SIM owners na hindi nakakapagparehistro. Kung hindi kasi aniya napalawig ang… Continue reading Extension ng SIM registration, pinapurihan ng CamSur solon

Work break para sa outdoor workers, iminumungkahi ni Sen. Koko Pimentel

Hinihikayat ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang pamahalaan at ang pribadong sektor na magpatupad ng pansamantalang work break mula 11 AM hanggang 2 PM para sa mga empleyado na nakababad sa init ng araw. Ito ay sa gitna na rin ng patuloy na tumataas na temperatura ngayong summer. Kabilang sa mga tinukoy ni Pimentel… Continue reading Work break para sa outdoor workers, iminumungkahi ni Sen. Koko Pimentel

Vice President Sara Duterte, namahagi ng laptops sa 2 paaralan sa Negros Occidental

Bumisita si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa dalawang eskwelahan sa Negros Occidental, upang mamahagi ng laptop sa mga guro at bola para sa mga mag-aaral. Unang nagtungo si VP Sara sa Dominador Jison Memorial Elementary School sa Silay City, kung saan nakisalamuha siya sa mga estudyante upang ipabatid ang kahalagahan ng edukasyon… Continue reading Vice President Sara Duterte, namahagi ng laptops sa 2 paaralan sa Negros Occidental

90-day extension ng SIM card registration, inaprubahan ni Pangulong Marcos Jr.

Mismong si Pangulong Ferdinand R Marcos Jr ang nagbigay ng ‘go signal’ na palawigin ang SIM card registration. Ang extension ay tatagal ng 90 araw na magsisimula sa Abril 27. Ang approval ng pangulo ay ginawa kasunod ng isinagawang sectoral meeting sa Malacañang na kung saan ay kasama sa pulong sina DICT Secretary John Ivan… Continue reading 90-day extension ng SIM card registration, inaprubahan ni Pangulong Marcos Jr.

Higit ₱2-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Lungsod ng Valenzuela

Aabot sa kabuuang ₱2,040,000 halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Valenzuela City Police Station sa isinagawang buy-bust operation sa General T. De Leon Valenzuela City kaninang umaga. Kasabay nito ang pagkaaresto sa isang high-value target na si Erold Templado, residente ng Agapito Compound, Barangay 171, Caloocan City. Ayon sa ulat ng Northern… Continue reading Higit ₱2-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Lungsod ng Valenzuela

Mga school principal, may otoridad na kanselahin ang klase kung tataas ng husto ang temperatura sa kanilang lugar — Sen. Gatchalian

Pinaalalahanan ni Senate Basic Education Committee Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang mga school principal, na mayroon silang otoridad na suspendihin ang klase sa kanilang paaralan kung tataas ng husto ang temperatura sa kanilang lugar. Ito ay kasunod na rin ng pahayag ng PAGASA, na maaaring pumalo pa ng 50 degrees celsius ang temperatura sa ilang… Continue reading Mga school principal, may otoridad na kanselahin ang klase kung tataas ng husto ang temperatura sa kanilang lugar — Sen. Gatchalian

Navotas LGU, nagpaabot ng tulong pinansyal sa mga solo parent

May 230 solo parents sa lungsod ng Navotas ang pinagkalooban ng tulong pinansyal ng Navotas City Government. Ipinagkaloob ito ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng programang “Saya All, Angat All Tulong sa lahat ng Rehistradong Solo Parents”. Ang kaloob na tulong pinansyal ay pangalawang batch na ng solo parents. Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng… Continue reading Navotas LGU, nagpaabot ng tulong pinansyal sa mga solo parent

Upgrade sa airport security facility, pinasasama sa 2024 budget

Pinatitiyak nina Davao City Representative Paolo Duterte at Benguet Representative Eric Yap sa Department of Transportation (DOTr) na maisasama sa kanilang proposed 2024 budget ang kakailanganing pondo, para sa pag-upgrade ng airport security facility at equipment. Sa inihaing House Resolution 921, hiniling din ng mga mambabatas sa DOTr na alamin ang kasalukuyang estado ng mga… Continue reading Upgrade sa airport security facility, pinasasama sa 2024 budget

Delegasyon ng US Army War College, bumisita sa Philippine Navy

Malugod na tinanggap ni Philippine Navy Vice Commander Rear Admiral Caesar Bernard Valencia ang pagbisita ng delegasyon ng US Army War College sa Philippine Navy Headquarters kahapon, April 24. Ang delegasyon ay pinangunahan ni US Army Col. James Frick, Director at Assistant Professor of Second Year Studies ng US Army War College. Tinalakay sa pagpupulong… Continue reading Delegasyon ng US Army War College, bumisita sa Philippine Navy

MMDA, namahagi ng 100 body cameras sa kanilang mga tauhan

Nagsagawa ng orientation ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Discipline Office (TDO) sa ilang MMDA traffic enforcers ukol sa paggamit ng body cameras. Bahagi ito ng familiarization sa technical specifications, features, at parts ng gadget na gagamitin ng ilang mga traffic enforcer sa kanilang traffic management operations. Ang bawat camera ay tatagal hanggang walong… Continue reading MMDA, namahagi ng 100 body cameras sa kanilang mga tauhan