NFA Central Luzon, iniimbestigahan na ang napaulat na umano’y bulok na bigas na natanggap ng ilang guro

Sinimulan nang magsiyasat ng National Food Authority (NFA) sa inireklamong bulok at hindi na makain na NFA rice na natanggap ng ilang pampublikong guro. Matatandaang nag-ugat ito sa pahayag ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Representative France Castro na nakatanggap umano ng reklamo mula sa ilang mga guro sa Nueva Ecija, Mindoro,… Continue reading NFA Central Luzon, iniimbestigahan na ang napaulat na umano’y bulok na bigas na natanggap ng ilang guro

Priority investments at kabuuang direksyon ng Maharlika Investment Fund, mahalagang mailatag sa SONA

Tumugon si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa ilang tanong na nakapaloob sa discussion paper ng UP School of Economics (UPSE) tungkol sa Maharlika Investment Fund. Isa rito ay ang umano’y ‘confused goals’ para sa MIF. Hindi anila kasi malinaw kung ito ba ay isang development o sovereign wealth fund. Ayon sa… Continue reading Priority investments at kabuuang direksyon ng Maharlika Investment Fund, mahalagang mailatag sa SONA

Pagtutok sa Agenda for Prosperity ng Marcos Jr. administration, prayoridad ng liderato ng Kamara

Nagpaalala si National Unity President at Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na makakaapekto sa pagkamit ng Agenda for Prosperity ng Marcos Jr. administration kung uunahin ang usaping politika. Ayon sa mambabatas, masisira lamang ang magandang nasimulan ng supermajority alliance sa Kongreso sa pagkamit ng mithiin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung iiral ang political… Continue reading Pagtutok sa Agenda for Prosperity ng Marcos Jr. administration, prayoridad ng liderato ng Kamara

Franchise community, hinikayat ni Finance Sec. Diokno na mamuhunan sa Filipino workforce

Hinikayat ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang franchise community na mag-invest sa Filipino workforce. Ito ang kanyang mensahe sa isinagawang Franchise Asia Philippines (FAPHL) 2023. Ayon kay Diokno, mahalaga na maging ka-partner ng franchising industry ang  gobyerno upang maingatan ang natamong tagumpay ng industriya at mapangalagaan ang Filipino workforce. Sa ngayon kasi nasa franchise ang… Continue reading Franchise community, hinikayat ni Finance Sec. Diokno na mamuhunan sa Filipino workforce

Pagpapaunlad sa punong tanggapan ng DND, prayoridad ni Sec. Gibo Teodoro

Tututukan ng bagong-upong Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro ang pagpapaunlad ng punong tanggapan ng kagawaran. Sa kanyang unang press conference sa Camp Aguinaldo kahapon, sinabi ng kalihim na hindi maaring umasenso ang DND kung wala silang sariling capital outlay sa pambansang budget. Paliwanag ng kalihim, ang DND proper, ang nangangasiwa sa apat… Continue reading Pagpapaunlad sa punong tanggapan ng DND, prayoridad ni Sec. Gibo Teodoro

Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, magsisimula ngayong alas-8 ng umaga

Muling inaanyayahan ng National Disaster Risk Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pamamagitan ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na makilahok sa Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na isasagawa ngayong umaga. Magsisimula ang programa ng alas-8 ngayong umaga sa Greenfield District, Mandaluyong City. Ang aktibidad ay dadaluhan ng mga opisyal… Continue reading Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, magsisimula ngayong alas-8 ng umaga

Adoption Omnibus Guidelines, inilunsad ng NACC

Gamit ang Omnibus Guidelines, pagsisikapan ng NACC na maging wasto, malinaw at napapanahon ang pagpapatupad ng mandato nito sa paghahatid ng mga programa at serbisyo ng pamahalaan.

Drug den sa Bansalan,Davao del Sur,binuwag ng PDEA at PNP, 5 arestado

Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang isang drug den sa Barangay Poblacion Uno, Bansalan, Davao del Sur. Lima katao kabilang ang maintainer ng dug den ang naaresto sa ginawang pagsalakay. Kinilala ang drug den maintainer na si Rixon Rey Balbutin alyas Boss, at apat pang… Continue reading Drug den sa Bansalan,Davao del Sur,binuwag ng PDEA at PNP, 5 arestado

Pagkakaroon ng Pilipinas ng non-traditional partners sa linya ng trade and security, pinatututukan ni Pangulong Marcos sa Filipino envoys

“We do not subscribe to any notion of a bipolar world. We only side, of course, to the Philippines, not to the US, not to Beijing, not to Moscow. That’s very much being independent in what we do,” —Pangulong Marcos

Pangulong Marcos Jr., hinimok na magtalaga na ng permanenteng secretary ng DA

Kasunod ng pagkakatalaga kina Defense Secretary Gilbert Teodoro at Health secretary Teodoro Herbosa, nanawagan si Senate Minority Leader Koko Pimentel kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.na magtalaga na rin ng permanenteng secretary ng Department of Agriculture (DA). Ayon kay Pimentel, panahon na para magkaroon ng pinuno ang DA para matutukan ang mga isyu sa sektor… Continue reading Pangulong Marcos Jr., hinimok na magtalaga na ng permanenteng secretary ng DA