Israel, handang magbahagi ng kanilang expertise sa larangan ng water reusing sa Pilipinas

Nag-alok ang Israel sa Pilipinas ng kanilang kasanayan pagdating sa water reuse. Ang alok ay ginawa ni Israeli Foreign Minister Eli Cohen sa kanilang naging pagpupulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay Cohen, malawak ang kanilang karanasan kung pag-uusapan ay water management na maaari nilang maibahagi sa bansa. Sinabi ng Israeli Foreign minister… Continue reading Israel, handang magbahagi ng kanilang expertise sa larangan ng water reusing sa Pilipinas

BIR, binalaan ang mga bagong CPA na iwasang masangkot sa fake at ghost receipts

Pinaalalahanan ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ang mga bagong Certified Public Accountant na iwasang masangkot sa paggamit ng Fake/Ghost Receipts sa pagganap ng kanilang propesyon. Ang apela ay ginawa ni Lumagui sa kanyang pagharap sa mga pumasa sa May 2023 Licensure examination. Matatandaang nagsampa ng tax evasion case ang komisyuner sa… Continue reading BIR, binalaan ang mga bagong CPA na iwasang masangkot sa fake at ghost receipts

PCSO, muling ipinangako sa publiko na palaging bukas ang kanilang tanggapan para sa mga nangangailangan

Muling ipinangako ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa publiko na palagiang bukas ang kanilang tanggapan para tumulong sa ating mga kababayan na nangangailangan. Ayon kay PCSO Chairperson Junie Cua, bukas ang kanilang tanggapan at ang kanilang komunikasyon upang tumugon sa pangangailangan, partikular sa atensyong medikal at financial assistance. Dagdag pa ni Cua na kabilang… Continue reading PCSO, muling ipinangako sa publiko na palaging bukas ang kanilang tanggapan para sa mga nangangailangan

US, nagbigay ng ₱20-M para sa mataas na edukasyon ng Out of School Youth

Nagkaloob ng 20 milyong pisong grant ang United States Agency for International Development (USAID) sa Philippine Higher Educational Institutions (HEI) para sa mga programa na pakikinabangan ng Out of school youth (OSY). Ang pondo na ipinagkaloob sa ilalim ng USAID Opportunity 2.0 program, ay binubuo ng “O2 GAIN Grants,” para sa lokal na “development priorities”… Continue reading US, nagbigay ng ₱20-M para sa mataas na edukasyon ng Out of School Youth

VP Sara Duterte, siniguro ang maayos na paggasta sa pondo ng OVP para sa social services

Tiniyak ni Vice President Sara Duterte na hindi nasasayang ang pondong ipinagkakaloob ng Kongreso sa kanyang tanggapan na inilalaan para sa social services. Ayon kay VP Sara, araw-araw dinadagsa ang satellite offices at extension offices ng mga humihingi ng tulong para sa pagpapagamot sa ospital. Sa katunayan, mula Hunyo noong nakaraang taon hanggang Abril ngayong… Continue reading VP Sara Duterte, siniguro ang maayos na paggasta sa pondo ng OVP para sa social services

DND, malugod na tinanggap ang pagkakatalaga kay Gibo Teodoro bilang bagong kalihim

Malugod na tinanggap ng Department of National Defense (DND) ang pagkakatalaga ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Atty. Gilberto Teodoro Jr. bilang kanilang bagong kalihim. Sa isang statement, nagpasalamat si DND Officer-in-Charge Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. sa pagtitiwala sa kanya ng Pangulo sa ilang buwan niyang pamumuno sa kagawaran. Nagpasalamat din si Galvez sa… Continue reading DND, malugod na tinanggap ang pagkakatalaga kay Gibo Teodoro bilang bagong kalihim

Abogado ng DPWH-NCR at driver nito, pinagbabaril sa Pasay City

Nasa kritikal na kondisyon ang abogado ng Department of Public Works and Highways – National Capital Region (DPWH-NCR) matapos pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na mga salarin sa Pasay City. Kinilala ang mga biktima na sina Maria Rochelle Melendes, 53 taong gulang, at ang driver nito na si Deo Decenia, 42 taong gulang. Tinamaan ng… Continue reading Abogado ng DPWH-NCR at driver nito, pinagbabaril sa Pasay City

PBBM, nais maalala ng taongbayan na tumulong sa mga pangkaraniwang mamamayan

Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siya’y maalala ng mga Pilipino bilang isang lider na nakatulong sa mga pangkaraniwang mamamayan. Ayon sa Pangulo, kung ano ang makatutulong at makabubuti sa tao ay iyon naman talaga ang dapat gawin. Ipinunto ng Punong Ehekutibo na mula sa magagandang nagagawa para sa mga Pilipino ay ito… Continue reading PBBM, nais maalala ng taongbayan na tumulong sa mga pangkaraniwang mamamayan

Sobra-sobrang suplay ng kalabasa sa Region 3, tinutugunan na ng DA

Gumagawa na ng paraan ang Department of Agriculture para matugunan ang sobra-sobrang suplay ng kalabasa partikular na sa Region 3. Ito kasunod ng napaulat na bumabahang suplay ng kalabasa gaya nalang sa bayan ng Zaragoza at Talavera, Nueva Ecija Ayon kay DA Spokesperson Asec. Kristine Evangelista, sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal… Continue reading Sobra-sobrang suplay ng kalabasa sa Region 3, tinutugunan na ng DA

Talakayan hinggil sa paglalagay ng embahada ng Bahrain sa Pilipinas, gumulong na

Umusad na ang talakayan sa pagitan ng Pilipinas at Bahrain para paigtingin pa ang bilateral relations ng dalawang bansa. Ito’y sa pamamagitan ng planong paglalagay ng Embahada ng Bahrain sa Pilipinas. Kamakailan lang, bumisita sa Pilipinas ang delegasyon ng Foreign Ministry ng Bahrain sa pangunguna ng Undersecretary for Consular and Administrative Affairs nitong si Mohamed… Continue reading Talakayan hinggil sa paglalagay ng embahada ng Bahrain sa Pilipinas, gumulong na