House Committee on Ethics, walang pinipili o pinapaborang mambabatas na iimbestigahan

Nanindigan si House Committee on Ethics Chair Felimon Espares na walang isi-single out na mambabatas ang kanilang komite. Ito ang tugon ni Espares sa hamon ni Negros Oriental Representative Arnulfo Teves Jr., na imbestigahan din ang kaugnayan ni House Speaker Martin Romualdez sa joint venture ng Prime Media Holdings at ABS-CBN. Sa isang virtual presser,… Continue reading House Committee on Ethics, walang pinipili o pinapaborang mambabatas na iimbestigahan

DOT, naglunsad ng Hop-On Hop-Off tourist transport system para sa mga local at foreign tourist na nais mag-ikot sa Metro Manila

Upang magkaroon ng mas maayos at modernong tourist transport ang ating mga local at foreign tourist na nais mag-ikot sa kalakhang Maynila naglunsad ang Department of Tourism (DOT) ng Hop-On Hop-Off tourist transport. Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, layon ng naturang programa na magkaroon ng contactless payment at booking ang mga turista na nais… Continue reading DOT, naglunsad ng Hop-On Hop-Off tourist transport system para sa mga local at foreign tourist na nais mag-ikot sa Metro Manila

Ilang senador, nagbabala sa pagmamadaling ipasa ang Maharlika Investment Fund Bill

Nagbabala sina Senadora Imee Marcos at Senador Chiz Escudero laban sa pagmamadaling maipasa ang Maharlika Investment Fund (MIF) bill. Ayon kay Marcos, bagama’t ideal na maipasa ang MIF bago ang adjournment sa June 2, ang problema ay hanggang ngayon ay wala pang pinal na porma ang naturang panukala. Ipinunto ng senadora na may mga pinapasa… Continue reading Ilang senador, nagbabala sa pagmamadaling ipasa ang Maharlika Investment Fund Bill

Distribusyon ng social pension sa senior citizens, umarangkada na sa San Juan City

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng San Juan ang pamamahagi ng social pension para sa senior citizens ngayong araw. Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, tig-P3,000 ang tatanggapin ng bawat senior citizen para sa anim na buwan o mula Enero hanggang Hunyo. Sa ilalim ng social pension program ng city government, P500… Continue reading Distribusyon ng social pension sa senior citizens, umarangkada na sa San Juan City

Pagtatatag ng Level 3 OFW Hospital, ipinasa ng Kamara

Tuluyan nang nakalusot sa Kamara ang panukalang batas na magtatatag ng isang Level 3 overseas Filipino workers (OFW) Hospital. Ito ay matapos bumoto ang 255 na mambabatas pabor sa House Bill 8325, na bubuo sa ospital na mayroong medical at diagnostic center, at pangangasiwaan ng Department of Migrant Workers (DMW). Ang naturang ospital ang magsisilbing… Continue reading Pagtatatag ng Level 3 OFW Hospital, ipinasa ng Kamara

Mid-year jobs para sa mga mag-aaral, inilunsad ng DOLE sa Rizal

Sinimulan na ng ilang munisipalidad sa Lalawigan ng Rizal ang implementasyon ng Special Program for Employment of Students (SPES). Ikinasa ng mga lokal na pamahalaan ng San Mateo at Tanay ang orientation para sa mga benepisiyaryo ng SPES, upang ipaliwanag ang mga dapat asahan sa programa at ang matatanggap na kompensasyon. Limampung kabataan ang dumalo… Continue reading Mid-year jobs para sa mga mag-aaral, inilunsad ng DOLE sa Rizal

Urgent certification sa Maharlika Investment Fund bill, naaayon sa konstitusyon — Sen. Villanueva

Sang-ayon si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa urgent bill certification na ibinigay ng Malacañang sa Maharlika Investment Fund (MIF) bill. Sinabi ito ni Villanueva, kasunod ng naging pahayag ni Minority Leader Koko Pimentel na unconstitutional ang urgent bill certification sa naturang panukala. Paliwanag ngayon ng majority leader, ang urgent bill certification ay ginagawa ng… Continue reading Urgent certification sa Maharlika Investment Fund bill, naaayon sa konstitusyon — Sen. Villanueva

Agricultural lands na posibleng nasalanta ng bagyong Betty, higit na sa 309,000 ektarya — DA

Lumobo na sa 309,364 ektarya ng standing crops ang nanganganib na maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Betty sa Northern Luzon. Ito ay batay sa pinagsama-samang datos ng mga rehiyon na madadaanan ng bagyo. Sa kabuuang bilang, 232,833 ektarya dito ay mga palayan at 76,531 ektarya naman ay taniman ng mais. Pero, ayon sa Department of… Continue reading Agricultural lands na posibleng nasalanta ng bagyong Betty, higit na sa 309,000 ektarya — DA

Pagbuo ng isang Agriculture Information System, pasado na sa Kamara

Aprubado na sa Mababang Kapulungan ang panukalang batas na layong magtatag ng isang agriculture information system. Sa ilalim ng HB 7942 o Agriculture Information System (AIS) Bill, ang lahat ng lungsod at bayan sa buong bansa ay aatasan na magkaroon ng agriculture database kung saan nakasaad ang lahat ng impormasyon na may kaugnayan sa agricultural… Continue reading Pagbuo ng isang Agriculture Information System, pasado na sa Kamara

Paggamit ng “pekeng accomplishment” ng mga Pulis para ma-promote sa pwesto, iniimbestigahan ng PNP

Nakikipag-ugnayan na ang liderato ng Philippine National Police (PNP) sa National Police Commission (NAPOLCOM). Ito ay para alamin kung may katotohanan na pinepeke umano ng ilang pulis ang kanilang accomplishment para ma-promote sa pwesto. Ginawa ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. ang pahayag, kasunod ng nabunyag sa pagdinig ng Kamara kamakailan. Doon, inihayag… Continue reading Paggamit ng “pekeng accomplishment” ng mga Pulis para ma-promote sa pwesto, iniimbestigahan ng PNP