Pre-empted evacuation, pinasimulan na sa ilang lugar sa Northern Luzon -DILG

Pinasimulan na ang pre-empted evacuation sa ilang munisipalidad at probinsya sa Northern Luzon na posibleng maapektuhan ng pananalasa ng super typhoon #BettyPH. Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Director Allan Tabell, ngayong araw ipapatupad din ang paglilikas sa Cagayan at Isabela. Batay sa forecast ng PAGASA, inaasahang makararanas ng malakas na pag-ulan… Continue reading Pre-empted evacuation, pinasimulan na sa ilang lugar sa Northern Luzon -DILG

Mga kakailanganin sa pananalasa ng bagyo, nakahanda na sa Quezon City

Tiniyak na ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon ang kahandaan nito sa posibleng epekto ng bagyong Betty sa lungsod. Sa harap ng posibleng panganib na dala ng Super Typhoon, agad na inihanda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ang supply ng first aid kits, evacuation tents, hygiene kits, personal protective equipment at mga… Continue reading Mga kakailanganin sa pananalasa ng bagyo, nakahanda na sa Quezon City

Paghahanda ng Philippine Red Cross sa paparating na bagyo, nakalatag na

Nakaalerto na ang Philippine Red Cross habang papalapit na ang Super Typhoon Mawar sa bansa na tinawag nang bagyong Betty. Pinulong ni PRC Chairman Dick Gordon ang mga chapter administrator upang tiyakin ang kanilang kahandaan sa logistics at manpower. Pagtitiyak pa ni Gordon na aktibo na ang PRC sa paghahanda at monitoring sa rehiyon sa… Continue reading Paghahanda ng Philippine Red Cross sa paparating na bagyo, nakalatag na

NHA, magbibigay ng tulong sa mga maaapektuhan ng bagyong Betty

Handa ang National Housing Authority (NHA) na asistehan ang mga pamilyang maaapektuhan ng bagyong Betty. Sinabi ni NHA General Manager Joeben Tai na kanya nang inatasan ang regional at district managers na maging handa sa pananalasa ng super typhoon. Nagbigay din siya ng direktiba na i-monitor ang lahat ng housing project sites at tiyaking alam… Continue reading NHA, magbibigay ng tulong sa mga maaapektuhan ng bagyong Betty

DILG, nagpaalala sa mga LGU na ipatupad ang OPLAN LISTO Protocols sa paparating na bagyo

Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government unit na maghanda sa inaasahang paglakas ng southwest monsoon o habagat na siyang magdadala ng pag-ulan dahil sa patuloy na paglapit ng bagyong Betty sa bansa. Sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na hindi lang si Betty ang dapat paghandaan… Continue reading DILG, nagpaalala sa mga LGU na ipatupad ang OPLAN LISTO Protocols sa paparating na bagyo

Sen. Escudero, pinatitiyak na mas kikita ang Landbank at Development Bank of the Philippines sa paglalagay ng pera sa Maharlika Investment fund bill

Nais ni Senador Chiz Escudero na magkaroon ng mas maraming ‘earning guarantees’ sa ilalim ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill. Ito ay para masiguro na kikita ang Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP) sa kanilang paglalagay ng pera sa MIF. Ipinunto kasi ng senador na sa ilalim ng panukala, maglalagay… Continue reading Sen. Escudero, pinatitiyak na mas kikita ang Landbank at Development Bank of the Philippines sa paglalagay ng pera sa Maharlika Investment fund bill

MDRRMO sa Bayan ng Bongao, pinaghahandaan ang pagpasok ng bagyong Mawar sa PAR; Storm surge plan, ikinakasa na

Pinaghahandaan ng Lokal na Pamahalaan ng Bongao Tawi-Tawi ang pagpasok ng super typhoon Mawar sa Philippine area of responsibility (PAR). Ayon sa panayam kay Algibran I. Amilasan, MDRRMO ng Bongao Tawi-Tawi, ang 35 Barangay DRRM council sa bayan ng Bongao ay gumagalaw na upang maipabatid sa kani-kanilang ka-barangay ang posibleng epekto ng naturang bagyo. Samantala,… Continue reading MDRRMO sa Bayan ng Bongao, pinaghahandaan ang pagpasok ng bagyong Mawar sa PAR; Storm surge plan, ikinakasa na

Malawakang paggamit ng home solar panel system, isinusulong ni Sen. Lito Lapid

Hinihikayat ni Senador Lito Lapid ang mga sambahayan na may kakayahan na magkabit ng solar panels sa gitna ng nararanasang krisis sa kuryente sa bansa. Sa pamamagitan ng inihaing Senate Bill 2138, sinabi ni Lapid na mapapadali ang pagkakabit ng solar panel system sa mga bahay papunta sa national grid. Layunin ng panukala na maipatupad… Continue reading Malawakang paggamit ng home solar panel system, isinusulong ni Sen. Lito Lapid

100 NCRPO Reactionary Standby Support Force, nakaantabay na sa posibleng epekto ng bagyong Betty sa Metro Manila

Handa na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pinangangambahang pananalasa ng super bagyo, na mayroong international name na “Mawar” o Betty pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility (PAR). Kasunod nito, ipinag-utos ni NCRPO Director, Police Major General Edgar Alan Okubo, ang pagsasagawa ng inspeksyon at imbentaryo sa mga rescue vehicle at life-saving… Continue reading 100 NCRPO Reactionary Standby Support Force, nakaantabay na sa posibleng epekto ng bagyong Betty sa Metro Manila

PRC, handa na sa pagtulong sa disaster efforts ng pamahalaan sa inaasahang pagpasok ng bagyong Mawar

Nakahanda na ang disaster response units ng Philippine Red Cross sa ibat ibang bahagi ng bansa upang tumulong sa government response ng pamahalaan sa pagpasok ng bagyong Mawar sa bansa. Ayon kay Philippine Red Cross Chairperson Richard Gordon na lahat ng Red Cross chapter sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay nakahanda at at naka-pre-position… Continue reading PRC, handa na sa pagtulong sa disaster efforts ng pamahalaan sa inaasahang pagpasok ng bagyong Mawar