P35M halaga ng marijuana, nakuha sa 1.6 hectares na lupain sa Tinglayan, Kalinga

Umabot sa P35,180,000 ang suggested drug price ng 186,100 fully-grown marijuana na nakuha sa 1.6 hectares sa tatlong barangay ng Tinglayan, Kalinga ang sinira ng mga otoridad sa patuloy na marijuana eradication sa nasabing lugar. Ayon kay PNP information officer P/Capt. Ruff Manganip ng Kalinga, ang operasyon ng joint operatives ng PNP, at PDEA ay… Continue reading P35M halaga ng marijuana, nakuha sa 1.6 hectares na lupain sa Tinglayan, Kalinga

Sunog sa Post Office building sa Maynila, umabot na sa general alarm

Umabot na sa general alarm ang sunog sa Post Office building, na isa sa mga makasaysayang gusali sa Lungsod ng Maynila, kung saan patuloy pa rin itong inaapula. Iba’t ibang firetrucks mula sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila ang rumesponde sa naturang sunog kung saan nababalot pa rin ng maitim na usok. Sa ngayon… Continue reading Sunog sa Post Office building sa Maynila, umabot na sa general alarm

Post Office building, nasusunog ngayong umaga

Kasalukuyang nasusunog ang isa sa mga iconic building, ang Post Office building sa Lungsod ng Maynila. Batay sa inisyal na pahayag ng Bureau of Fire protection bandang alas-dose ng hating-gabi nag-umpisa ang naturang sunog at magpahanggang ngayon ay patuloy na inaapula ng Bureau of Fire Protection ang naturang sunog. Umabot na sa Task Force Charlie… Continue reading Post Office building, nasusunog ngayong umaga

Accomplishment rate ng Zamboanga LGU sa unang 15-days ng chikiting Ligtas Campaign, 65% na

Naitala ng City Health Office ang 65.46% na accomplishment rate sa unang labinlimang araw ng pagpapatupad ng Measles Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) sa lungsod ng Zamboanga. Ayon kay City Health Officer Dr. Dulce Miravite, inaasahan nito na matutupad ng CHO ang 100% accomplishment rate mula sa target nito sa Chikiting… Continue reading Accomplishment rate ng Zamboanga LGU sa unang 15-days ng chikiting Ligtas Campaign, 65% na

DMW, nakatakdang mamahagi ng tulong pinansyal sa mga OFW na naapektuhan ng entry ban sa Kuwait

Nakatakdang mamahagi ng tulong pinansyal ang Department of Migrant Workers sa mga kababayan nating naapektuhan ng entry ban sa bansang Kuwait. Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople, aabot sa 815 na Overseas Filipino Workers na hindi natuloy ang kanilang work deployment sa Kuwait ang nakatakdang mabigyan ng financial assistance ng DMW ng aabot sa… Continue reading DMW, nakatakdang mamahagi ng tulong pinansyal sa mga OFW na naapektuhan ng entry ban sa Kuwait

DSWD, Parañaque City LGU, nagpaabot ng tulong sa mga nasunugan sa Brgy. San Antonio

Nagbigay ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at lokal na pamahalaan ng Parañaque sa mga nasunugan sa Brgy. San Antonio. Aabot sa 600 pamilya ang napagkalooban ng tulong. Kabilang sa naipamahaging tulong ang bigas, groceries, cash assistance, family kit, hygien kit, sleeping kit, at relief supply. Nitong Huwebes naganap ang sunog… Continue reading DSWD, Parañaque City LGU, nagpaabot ng tulong sa mga nasunugan sa Brgy. San Antonio

Makati LGU, nagsasagawa ng Anti-Dengue Cleanup Drive

Nagsasagawa ng Anti- Dengue Cleanup Drive ang lokal na pamahalaan ng Makati. Kabilang sa inikutan ang buong barangay ng Tejeros. Sinuyod ang mga kanal, bubong, iskinita, at mga lugar na posibleng pinamumugaran ng lamok. Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, layon ng cleanup drive na mapigilan ang pagdami ng lamok. Sinabi naman ni Olan,… Continue reading Makati LGU, nagsasagawa ng Anti-Dengue Cleanup Drive

NIA, target patubigan ang higit 146,000 ektarya ng sakahan sa Nueva Ecija sa papalapit na wet cropping season

Kumpiyansa ang National Irrigation Administration (NIA) na mabibigyan nito ng sapat na irigasyon ang mga sakahan sa Nueva Ecija ngayong paparating na wet cropping season. Partikular na nakatutok na rito ang NIA-Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems (NIA-UPRIIS) na siyang nagbabantay sa Pantabangan Dam Reservoir. Ayon sa NIA, walang dapat na ipag-alala ang mga magsasaka… Continue reading NIA, target patubigan ang higit 146,000 ektarya ng sakahan sa Nueva Ecija sa papalapit na wet cropping season

ilang vendor sa Mega Q-Mart, handang sumunod sa inirekomendang SRP sa sibuyas kung bababa ang puhunan nito

Bukas ang ilang nagtitinda ng gulay sa Mega Q-Mart na sumunod sa inirekomendang suggested retail price sa sibuyas kung bababa ang puhunan nito. Ngayong linggo, target ng Department of Agriculture (DA) na maipatupad ang ₱140/kg na SRP sa puting sibuyas at P₱150/kg sa pulang sibuyas. Ito ay kasunod ng commitment na ibababa na rin ang… Continue reading ilang vendor sa Mega Q-Mart, handang sumunod sa inirekomendang SRP sa sibuyas kung bababa ang puhunan nito

Sen. Joel Villanueva, nagpositibo muli sa COVID-19

Sa ikatlong pagkakataon, muling nagpositibo sa COVID-19 si Senate Majority Leader Joel Villanueva. Sa isang pahayag, sinabi ni Villanueva na nagsimulang sumama ang pakiramdam niya noong Huwebes pero inakala niyang epekto lang ito ng kanyang knee injury. Nang makaramdam aniya siya ng fever-like symptom ay nag-antigen test na siya at lumabas na positibo siya sa… Continue reading Sen. Joel Villanueva, nagpositibo muli sa COVID-19