Pagsabog, naganap sa Korean Restaurant sa Xentro Mall sa Calapan, Oriental Mindoro

Isang malakas na pagsabog ang naganap sa Mr. Won’s Samgyeopsal Korean restaurant sa Xentro Mall Brgy. Lumangbayan, Calapan City, Oriental Mindoro ngayong 10:20 ng umaga. Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) MiIMAROPA na nakarating sa Camp Crame, nagresulta ang pagsabog sa hindi pa madeterminang bilang ng mga nasaktan, at pagkapinsala ng ari-arian. Nasa lugar… Continue reading Pagsabog, naganap sa Korean Restaurant sa Xentro Mall sa Calapan, Oriental Mindoro

Cavite Police Provincial Office, nakapagtala ng pagbaba sa 8 Focus Crimes

Patuloy na bumababa ang mga insidente ng krimen sa probinsya ng Cavite.Base sa tala ng Cavite Police Provincial Office, nasa 12.14% ang ibinaba ng Eight Focus Crimes mula April 23 hanggang June 20. Kabilang na rito ang murder, homicide, robbery, theft, rape, physical injury, at carnapping. Tumaas naman ang bilang ng mga nareresolba na kaso… Continue reading Cavite Police Provincial Office, nakapagtala ng pagbaba sa 8 Focus Crimes

Foul play sa pulis na natagpuang patay sa Lanao del Sur, tinitingnan ng PNP

Hindi isinasantabi ng Philippine National Police (PNP) ang anggulong “foul play” sa kaso ng pulis na natagpuang patay sa Wao River sa Lanao Del Sur. Ayon kay Police Major Joan Navarro, tagapagsalita ng Police Regional Office 10, lumalabas sa autopsiya na “asphyxia” o kawalan ng oxygen ang dahilan ng pagkasawi ni Patrolman Jeffrey Dabuco na… Continue reading Foul play sa pulis na natagpuang patay sa Lanao del Sur, tinitingnan ng PNP

Highly skilled professionals, isinusulong na makapasok rin sa PNP

Ilang mambabatas sa Kamara ang nagtutulak na makapasok ang mas maraming highly skilled professional sa Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng lateral entry program. Sa ilalim ng House Bill 7686 na inihain nina Davao City Representative Paolo Duterte, Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Party-list Rep. Edvic Yap ay ipinapanukalang amyendahan ang Department of… Continue reading Highly skilled professionals, isinusulong na makapasok rin sa PNP

Turn-over ceremony sa 8 matataas na opisyal ng PNP, pansamantalang ipinagpaliban

Ipinagpaliban ang dapat sana ay turn-over ceremony sa may walong Heneral ng Philippine National Police (PNP), na kasama sa pinakabagong balasahan na ipinatupad ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. Ito ay matapos maglabas ng pahayag si National Police Commission (NAPOLCOM) Chairperson at Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ng kaniyang pagkuwestiyon sa… Continue reading Turn-over ceremony sa 8 matataas na opisyal ng PNP, pansamantalang ipinagpaliban

P1.73-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Bacolod City

Isang 19 anyos na binatiloy ang arestado ng kapulisan sa ikinasang buy-bust operation sa Purok Tahong, Barangay 2, Bacolod City. Arestado ng pinagsani na pwersa ng Special Operations Unit 6- PNP Drug Enforcement Group at Bacolod City Police Station 2 si Arnold Caso, residente ng nasabing lugar. Nakumpiska sa suspek ang 255 gramo ng shabu… Continue reading P1.73-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Bacolod City

Mga senador, umapelang huwag nang pansinin ang pang-iintriga sa liderato ni Senate President Zubiri

Nakiusap ang ilang mga senador na tigilan na ang pang-iintriga tungkol sa pagpapalit ng senate leadership. Ayon kay Senadora Imee Marcos, wala namang nakarating sa kanya na ganitong impormasyon. Sinabi ni Marcos na dapat nang tigilan ang intriga at maraming trabahong dapat mas pagtuunan ng pansin. Umapela rin si Senadora Nancy Binay na huwag nang… Continue reading Mga senador, umapelang huwag nang pansinin ang pang-iintriga sa liderato ni Senate President Zubiri

PNP, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng nasawing SAF trooper sa nangyaring bakbakan sa Sulu nitong weekend

Ipinagluluksa ng Philippine National Police (PNP) ang pagkasawi ng isang miyembro ng kanilang Special Action Force (SAF), na nasawi habang ginagampanan ang kaniyang tungkulin para sa bayan. Ito ay matapos sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga puwersa ng pamahalaan at ng kampo ni dating Maimbung Vice Mayor Pando Mudjasan. Ayon kay PNP Public Information… Continue reading PNP, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng nasawing SAF trooper sa nangyaring bakbakan sa Sulu nitong weekend

PNP, nagpatupad ng balasahan sa kanilang hanay; bagong NCRPO Chief, pinangalanan

Nagpatupad ng rigudon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa 8 nilang opisyal epektibo ngayong araw, Hunyo 26. Kabilang sa mga napabilang sa balasahan sina National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, P/MGen. Edgar Alan Okubo na ililipat sa Directorate for Police Community Relations (DPCR). Papalitan si Okubo ni P/BGen. Jose Melencio Nartatez na… Continue reading PNP, nagpatupad ng balasahan sa kanilang hanay; bagong NCRPO Chief, pinangalanan

PNP, pinuri ni DILG Sec. Abalos dahil sa conviction ng tatlong middlemen sa Percy Lapid case

Pinuri ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang Philippine National Police dahil sa ginawang pagsisikap nito para mahatulan ang tatlong middlemen sa Percy Lapid murder case. Sinabi ni Abalos, sa simula pa lang, sinikap na ng pulisya na malutas ang kaso sa pakikipagtulungan sa National Bureau of Investigation at Department of Justice. Pinasalamatan din ng… Continue reading PNP, pinuri ni DILG Sec. Abalos dahil sa conviction ng tatlong middlemen sa Percy Lapid case