Police Regional Office 5, naka-heightened alert na hingil sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon

Naka heightened alert na ang Police Regional Office 5 hinggil sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon Ayon kay PRO 5 Regional Director Patrick Obinque, nakahanda na ang nasa mahigit 600 police personnel ang ikakaklat sa buong probinsya patikular sa areas of concerns, na malapit sa bulkang Mayon at round the clock na magbabantay sa naturang mga… Continue reading Police Regional Office 5, naka-heightened alert na hingil sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon

Mga pagdiriwang kasabay ng Araw ng Kalayaan, mapayapa — NCRPO

Batay sa monitoring ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nanatiling mapayapa sa pangkalahatan ang mga ikinasang aktibidad kasabay ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw, sa kabila ng manaka-nakang pagbuhos ng ulan. Ayon kay NCRPO Spokesperson, Police Lieutenant Colonel Luisito Andaya, wala naman silang naitalang untoward incident sa kasagsagan ng okasyon bagaman… Continue reading Mga pagdiriwang kasabay ng Araw ng Kalayaan, mapayapa — NCRPO

Pagkakaisa, panawagan ng PNP ngayong Independence Day

Nakikiisa ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) sa pagdiriwang ng sambayanang Pilipino ng ika-125 anibersaryo ng Kalayaan ng bansa mula sa pananakop ng mga dayuhan. Kasunod nito, ipinanawagan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa lahat ng mga Pulis at sa publiko, na itaguyod ang diwa ng pagkakaisa bilang parangal at… Continue reading Pagkakaisa, panawagan ng PNP ngayong Independence Day

‘Record breaking’ na bilang ng aplikante sa Cadet Admission Test, iniulat ng PNPA

Iniulat ng Philippine National Police Academy (PNPA) na nakatanggap sila ng 77,410 aplikasyon para sa PNPA Cadet Admission Test (PNPACAT) ngayong taon. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Louie Gonzaga, tagapagsalita ng PNPA, ito ang pinakamalaking bilang ng mga aplikante sa kasaysayan ng PNPACAT. Mahigit doble ito sa dating record na 33,085 aplikante noong 2021. Ang… Continue reading ‘Record breaking’ na bilang ng aplikante sa Cadet Admission Test, iniulat ng PNPA

12.9 milyong pisong tanim na marijuana, winasak ng PNP, AFP at PDEA sa Sulu

Winasak sa pinagsanib na operasyon ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 12.9 na milyong pisong halaga ng tanim na marijuana sa Sulu. Ang mga tanim na marijuana ay natuklasan sa isang 15,000 metro kwadradong plantasyon sa Sitio Tubig Baba, Brgy. Pitogo, Kalingalan Caluang,… Continue reading 12.9 milyong pisong tanim na marijuana, winasak ng PNP, AFP at PDEA sa Sulu

Kumakalat na memo para sa mobilisasyon ng Pulisya hinggil sa napipintong World War 3, “fake news” — PNP

Mariin ngang itinanggi ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang kumakalat na isang memorandum ng Pulisya sa social media. Laman ng nasabing memoranda ang kautusan umano mula sa The Chief of Directorial Staff (TCDS) na nagmomobilisa sa mga tauhan nito bilang paghahanda sa internal at external defense. Nakasaad din dito ang pag-enlist sa mga… Continue reading Kumakalat na memo para sa mobilisasyon ng Pulisya hinggil sa napipintong World War 3, “fake news” — PNP

P13-M marijuana, timbog sa sanib-pwersa ng mga awtoridad sa Sulu

15,000 sq m marijuana plantation in Sulu.

Abogado ng DPWH-NCR at driver nito, pinagbabaril sa Pasay City

Nasa kritikal na kondisyon ang abogado ng Department of Public Works and Highways – National Capital Region (DPWH-NCR) matapos pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na mga salarin sa Pasay City. Kinilala ang mga biktima na sina Maria Rochelle Melendes, 53 taong gulang, at ang driver nito na si Deo Decenia, 42 taong gulang. Tinamaan ng… Continue reading Abogado ng DPWH-NCR at driver nito, pinagbabaril sa Pasay City

48 Private Armed Groups na posibleng magamit sa BSKE, binabantayan ng PNP

Mino-monitor ngayon ng PNP ang aktibidad ng 48 Private Armed Group (PAG) na maaaring magamit sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., bahagi ito ng paghahanda ng PNP para sa pagpapatupad ng seguridad sa halalan sa Oktubre 30. Batay sa datos ng PNP, may… Continue reading 48 Private Armed Groups na posibleng magamit sa BSKE, binabantayan ng PNP

PNP, tiniyak na ‘di magiging overkill ang security preparations sa SONA

Magpapatupad ng malaking pagbabago ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa magiging latag ng seguridad sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo 24. Ito ang tiniyak ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr., taliwas sa mga naging template ng kanilang security preparations sa mga nakalipas… Continue reading PNP, tiniyak na ‘di magiging overkill ang security preparations sa SONA