SAF, palalakasin ni PNP Chief Acorda

Palalakasin ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang PNP Special Action Force (SAF). Ito ang inihayag ni Gen. Acorda sa mga mamamahayag matapos pangunahan ang pagdiriwang ng aniberasyo ng SAF kahapon sa Camp Bagong Diwa. Tiniyak ng PNP chief na ibibigay niya ang buong suporta sa SAF sa kanilang mga… Continue reading SAF, palalakasin ni PNP Chief Acorda

Ilang tauhan ng PNP Special Action Force, balak nang ipasok sa PNP Drug Enforcement Group

Pinag-aaralan na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na i-deploy ang mga tauhan ng kanilang Special Action Force (SAF) sa PNP Drug Enforcement Group (PDEG). Ito ayon kay PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. ay bilang bahagi ng paglilinis sa naturang yunit ng Pulisya, matapos ang sunod-sunod na kontrobersiyang kinaharap nito. Sa panayam… Continue reading Ilang tauhan ng PNP Special Action Force, balak nang ipasok sa PNP Drug Enforcement Group

Dating chief of police ng San Pedro, Laguna, natagpuang patay sa loob ng condo

Natagpuang patay ang dating Chief of Police ng San Pedro, Laguna sa loob ng kanyang tinutuluyang condo sa Biñan, Laguna ngayong umaga. Kinilala ng Biñan City Police Station ang biktima na si Police Lt. Col. Ben Isidore Aclan. Base sa inisyal na imbestigasyon, narinig umano ng personal security ng opisyal na si Police Cpl. Japer… Continue reading Dating chief of police ng San Pedro, Laguna, natagpuang patay sa loob ng condo

PNP, nakikipag-ugnayan sa CAAP sa posibleng pag-uwi ni Cong. Teves sa Pilipinas

Nakahanda ang Philippine National Police sakaling bumalik sa bansa si Congressman Arnie Teves. Ayon kay PNP SpokespersonGeneral Red Maranan, kabilang sa ginawang paghahanda ang pakikipag-ugnayan nila sa Civil Aviation Authority of the Philippines at inalerto ang mga Aviation Security Unit Chief sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Ito ay para malaman kung sakaling dumating si… Continue reading PNP, nakikipag-ugnayan sa CAAP sa posibleng pag-uwi ni Cong. Teves sa Pilipinas

Findings ng advisory group sa kaso ng 2 General at 2 Colonel, inanunsiyo ng DILG

Iprinisinta na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ang findings ng 5-man advisory group na nagrerekomenda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na tanggapin ang resignation ng dalawang heneral at dalawang colonel na umano ay sangkot sa illegal drug activities. Bagamat hindi pinangalanan ni Abalos ang apat, kinumpirma… Continue reading Findings ng advisory group sa kaso ng 2 General at 2 Colonel, inanunsiyo ng DILG

PNP, handa na sa panahon ng mga fiesta ngayong Mayo

Nag-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng 6,000 Tourist Police sa iba’t ibang pangunahing tourist destinations sa buong bansa bilang bahagi ng Oplan Ligtas Sumvac 2023. Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, kabilang dito ang Boracay, Palawan, at Siargao na dinadayo ng mga lokal at dayuhang turista. Kasama din aniya sa deployment ang… Continue reading PNP, handa na sa panahon ng mga fiesta ngayong Mayo

Miyembro ng Salisi gang, arestado matapos mambiktima ng OFW sa NAIA

Nasa kustodiya na ng Manila International Airport Authority (MIAA) Police Department ang isang miyembro ng Salisi Gang matapos na mambiktima ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Kinilala ni NAIA Police Intelligence and Investigation Division Chief, Colonel Levy Jose ang suspek na si Juvy Banaag, 49 anyos na… Continue reading Miyembro ng Salisi gang, arestado matapos mambiktima ng OFW sa NAIA

3-minute response time sa krimen ng QCPD, gustong gawing nationwide ng PNP Chief

Hinimok ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang ibang Regional Commanders na gayahin ang Integrated Command Control Center (ICCC) ng Quezon City Police District (QCPD) para mabilis makaresponde sa krimen. Sa kanyang pagbisita sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) Headquarters, sinabi ng PNP Chief na sisiguruhin niyang magagawa sa… Continue reading 3-minute response time sa krimen ng QCPD, gustong gawing nationwide ng PNP Chief

BuCor, magpapatupad ng mas mahigpit na health protocols sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa New Bilibid Prisons

Magpapatupad ng mas mahigpit na health protocols ang pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa New Bilibid Prisons. Ito’y matapos na umabot sa 57 COVID-19 cases ang naitala sa loob ng NBP. Ayon kay BuCor Chief Gregorio Catapang Jr., kinakailangan na nakasuot ng face mask ang bawat kawani… Continue reading BuCor, magpapatupad ng mas mahigpit na health protocols sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa New Bilibid Prisons

PNP, pinag-iingat ang publiko sa bagong modus ng mga mandurukot sa pampublikong sasakyan

Binalaan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na mag-ingat sa bagong modus ng mga mandurukot sa pampublikong sasakyan. Ito’y matapos na kumalat sa social media ang post ng isang muntik mabiktima ng grupo ng limang magkakasabwat sa loob ng isang jeep. Modus ng grupo ang buhusan ng palihim ng toyo o oyster sauce ang… Continue reading PNP, pinag-iingat ang publiko sa bagong modus ng mga mandurukot sa pampublikong sasakyan