Maharlika Investment Fund, ‘very big milestone’ para sa ekonomiya ng Pilipinas ꟷPampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo

Inilarawan ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo ang kalalagda lamang na Republic Act 11954 o Maharlika Investment Fund (MIF) Law bilang ‘very big milestone’ para sa ekonomiya ng Pilipinas. Aniya, tiwala siya sa pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kanilang inaral mabuti ang iba’t ibang sovereign fund sa… Continue reading Maharlika Investment Fund, ‘very big milestone’ para sa ekonomiya ng Pilipinas ꟷPampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo

COMELEC, maghahain ng mosyon sa Korte Suprema para hilingin na ilipat ang pagdaraos ng Brgy at SK Elections

Nakatakdang maghain motion for reconsideration ang Commission on Elections (COMELEC) sa Korte Suprema. Ito ay para hilingin na ilipat ang petsa ng pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa Oktubre ng taong 2026, sa halip na sa Disyembre ng taong 2025. Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, nagpasya ang en banc na… Continue reading COMELEC, maghahain ng mosyon sa Korte Suprema para hilingin na ilipat ang pagdaraos ng Brgy at SK Elections

Legality ng planong paglilipat ng PhilHealth sa Office of the President ng ‘di dumadaan sa Kongreso, pinag-aaralan ni Sen. Hontiveros

Pinag-aaralan pa ni Senador Risa Hontiveros kung kakailanganin pa ng isang batas para mailipat sa Office of the President (OP) ang pangangasiwa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Sa kasalukuyan kasi, nasa Department of Health (DOH) ang mandato ng pamamahala sa PhilHealth. Ipinaliwanag ni Hontiveros na sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) law, may… Continue reading Legality ng planong paglilipat ng PhilHealth sa Office of the President ng ‘di dumadaan sa Kongreso, pinag-aaralan ni Sen. Hontiveros

Panukalang P150 legislated wage hike, patuloy na isusulong ni Senate President Migz Zubiri

Naninindigan si Senate President Juan Miguel Zubiri na dapat taasan ang sweldo ng lahat ng mga manggagawa sa buong bansa sa pamamagitan ng pagpapasa ng isang legislated wage hike. Ito ay matapos lumabas ang resulta ng survey na isinagawa ng Pulse Asia nitong June 19 to 23, na nagpapakitang 44 percent ng mga Pilipino ang… Continue reading Panukalang P150 legislated wage hike, patuloy na isusulong ni Senate President Migz Zubiri

Dagdag na specialty centers sa buong bansa, napapanahon

Binigyang diin ni Anakalusugan Party-list Representative Ray Florence Reyes ang kahalagahan na magkaroon ng dagdag pang specialized centers sa mga probinsya. Ito ay bunsod na rin ng isang pag-aaral kung saan lumalabas na ang Pilipinas ang may pinakamababang screening rate para sa breast at cervical cancer. Aniya, malaking tulong na mailapit ang specialty health facilities… Continue reading Dagdag na specialty centers sa buong bansa, napapanahon

Direksyon sa pamamahala ng Marcos Administration, sinasalamin ng “Bagong Pilipinas” slogan ayon sa mga senador

Para kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, malinaw na ipinapakita ng bagong slogan ng administrasyon na “Bagong Pilipinas” ang direksyon at layuning nais makamit sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay Villanueva, nakikiisa siya kay Pangulong Marcos Jr. sa hangaring tiyakin na uunahin ng pamahalaan ang kapakanan at interes ng mga Pilipino… Continue reading Direksyon sa pamamahala ng Marcos Administration, sinasalamin ng “Bagong Pilipinas” slogan ayon sa mga senador

NGCP shareholder agreement, posibleng labag sa Konstitusyon—Sen. Sherwin Gatchalian

Pinunto ni Senador Sherwin Gatchalian na posibleng paglabag sa Konstitusyon ang kasunduan ng mga shareholder ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na pumipigil sa majority shareholders na magtipon, magpulong, at gumawa ng mga emergency decision kapag hindi present ang minority shareholders. Giit ni Gatchalian, maliwanag ang batas na naglilimita sa mga dayuhan ng… Continue reading NGCP shareholder agreement, posibleng labag sa Konstitusyon—Sen. Sherwin Gatchalian

Wage hike, kailangang sabayan ng pagpapababa sa presyo ng bilihin at pasahe ayon sa isang mambabatas

Hindi sapat na magpatupad lang ng wage hike para mapabuti pa ang kalagayan ng mga manggagawa. Ito ang tinuran ni House Committee on Labor and Employment Chair at Rizal Representative Fidel Nograles, kasabay ng apela na kailangang mapababa rin ang presyo ng bilihin at palakasin ang purchasing power ng mga manggagawa. Bagamat ikinalugod ng mambabatas… Continue reading Wage hike, kailangang sabayan ng pagpapababa sa presyo ng bilihin at pasahe ayon sa isang mambabatas

VP Sara, dumalo sa graduation rites ng Allen National High School sa Northern Samar

Dumalo sa isang graduation ceremony si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa Allen National High School, sa Lalawigan ng Northern Samar. Sa kanyang mensahe sa 591 estudyanteng nagsipagtapos, sinabi ng Ikalawang Pangulo, na ang pagkamit ng pangarap ay kailangan ng matinding pagsisikap upang makamit ang minimithing pangarap sa buhay. Dagdag pa ni VP… Continue reading VP Sara, dumalo sa graduation rites ng Allen National High School sa Northern Samar