Rice retailers sa Iloilo, sumusunod sa EO 39 ni PBBM – DA 6

Aminado si Regional Executive Director Dennis Arpia ng Department of Agriculture VI (DA-6)na sumusunod sa Executive Order 39, o ang pagpapatupad ng mandated price ceiling sa bigas ang rice retailers sa probinsya ng Iloilo. Ito ang pahayag ng opisyal matapos ang pulong ng Provincial Price Coordinating Council kasama ang mga lokal na mangangalakal at importer… Continue reading Rice retailers sa Iloilo, sumusunod sa EO 39 ni PBBM – DA 6

DSWD, bumili ng mga sasakyan para palakasin ang Oplan Pag-Abot program

Bumili ng bagong fleet ng mga sasakyan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para gamitin sa kanilang kampanya na Oplan Pag-Abot sa Metro Manila at iba pang national urban centers sa bansa. Sinabi ni Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez na ang pagkuha ng 12 brand-new vehicles ay para mapalakas at mapalawak… Continue reading DSWD, bumili ng mga sasakyan para palakasin ang Oplan Pag-Abot program

DOLE 10 at Lanao del Norte LGU, namahagi ng P800-K halaga sa TUPAD program beneficiaries

Nakatanggap ang dalawang daan at labing-limang (215) benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced workers (TUPAD) program sa Lanao del Norte ng mahigit Walongdaang Libong Pisong (PHp 800,000) halaga ng community-based assistance mula sa Department of Labor and Employment (DOLE)-Lanao Del Norte Field Office ng Region 10. Ito ay sa inisyatiba ni Lanao del Norte… Continue reading DOLE 10 at Lanao del Norte LGU, namahagi ng P800-K halaga sa TUPAD program beneficiaries

Pagtatayo ng mga Super Health Center sa bansa, suportado ng DOH

Ito ay bahagi ng adbokasiya ni Senate Committee on Health Chairman, Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na naglalayong mailapit ang serbisyo medikal para sa publiko. Suportado ng Department of Health (DOH) ang pagtatayo ng mga Super Health Center sa bansa gayundin ang pagsusulong ng accessible healthcare para sa mga Pilipino. Ito ang inihayag ni Health… Continue reading Pagtatayo ng mga Super Health Center sa bansa, suportado ng DOH

NCCA, handang umalalay sa mga organisasyong nais magpasa ng proposal project para sa 2024 Competitive Grants

“Huwag masindak sa mga requirements,” iyan ang binigyang-diin ni Patri Migel Santos, Project Officer ng Cultural Dissemination Section Mula sa National Commission on Culture and the Arts (NCCA). Sa isinagawang Press Conference ng NCCA Competitive Grants ay nabatid na kaunti ang mga project proposals na nanggagaling mula sa Pangasinan para sa kanilang Competitive Grants. Naganap… Continue reading NCCA, handang umalalay sa mga organisasyong nais magpasa ng proposal project para sa 2024 Competitive Grants

120 benepisyaryo sa Pangasinan, nakatanggap ng sahod mula sa TUPAD

Umabot sa isang daan at dalawampung benepisyaryo mula sa iba’t-ibang bayan ng Pangasinan ang nakatanggap ng Tulong Panghanapbuhay Para Sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) pay-out ngayong araw, Hulyo 31, sa Pangasinan PESO sa Capitol Complex. Ang TUPAD Program ay isa sa mga pangunahing programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) alinsunod sa layunin ng… Continue reading 120 benepisyaryo sa Pangasinan, nakatanggap ng sahod mula sa TUPAD

Mga Yakan Weaver mula sa Basilan, mabibigyan ng emergency employment sa ilalim ng TUPAD program ng DOLE

Mabibigyan ng pansamantalang pagkakakitaan ang ilang Yakan Weavers sa barangay Buahan, Lamitan City, Basilan. Ito ay matapos i-turnover ng Department of Labor and Employment (DOLE) 9 kasama ang DOLE Isabela City Field Office kamakailan sa mga opisyales ng Buahan ang tseke na nagkakahalaga ng P277,290 para sa emergency employment ng nasa 79 Yakan Weavers sa… Continue reading Mga Yakan Weaver mula sa Basilan, mabibigyan ng emergency employment sa ilalim ng TUPAD program ng DOLE

Pagpapalawig sa NHA Charter, hiniling sa kongreso na gawing prayoridad

Hiniling ng mga kawani ng National Housing Authority (NHA) na isama sa prayoridad ang panukalang batas na magpapalawig sa NHA Charter sa nalalapit na pagbubukas ng ikalawang regular session ng ika-19 na Kongreso. Ito ay matapos na magsagawa ng mobilization activity ang Consolidated Union of Employees (CUE) ng NHA, upang hilingin ang pagsasabatas ng NHA… Continue reading Pagpapalawig sa NHA Charter, hiniling sa kongreso na gawing prayoridad

4Ps program, ititigil lamang kung umangat na ang buhay ng mga mahihirap na pamilya ayon kay Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.

Umaasa ang Pangulo na maaabot ng bansa ang panahon na hindi na kakailanganin ang tulong ng gobyerno para sa mahihirap dahil ibig sabihin umangat ang buhay ng mga Pilipino. Sa media interview sa pangulo, sinabi nito maganda na dumating ang panahon na hindi na kailangan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil indikasyon ito ng kaya na… Continue reading 4Ps program, ititigil lamang kung umangat na ang buhay ng mga mahihirap na pamilya ayon kay Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.

Mahigit P800K na kita, naitala sa binuksang Kadiwa ng Pangulo sa Western Visayas, July 17

Nakapagtala ng mahigit P806,000 na kita ang Department of Agriculture Western Visayas sa binuksan na Kadiwa ng Pangulo sa rehiyon kahapon, July 17. Sa datos ng DA Western Visayas, higit P160,000 ang naitalang kita sa Aklan, halos P225,000 sa Antique, halos P174,000 sa Capiz, halos P30,000 sa Guimaras, halos P90,000 sa Iloilo at higit P128,000… Continue reading Mahigit P800K na kita, naitala sa binuksang Kadiwa ng Pangulo sa Western Visayas, July 17