Bubong na trapal ng isang paaralan sa Indanan, pinalitan ng yero ng PNP Sulu

Maginhawa at maayos na ngayon ang pag-aaral ng mga bata sa Daycare Center sa Bud Tumantangis sa bayan ng Indanan, Sulu. Hindi na mauulanan at maiinitan ang mga batang mag-aaral sa naturang mababang pampublikong paaralan matapos itong pagtulungan at kumpunihin ng mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) at barangay LGU. Ayon kay… Continue reading Bubong na trapal ng isang paaralan sa Indanan, pinalitan ng yero ng PNP Sulu

Mahigit 1k benipisyaryo ng TUPAD, tatanggap ng sahod ngayong araw

Nasa kabuuang 1,263 katao mula sa Cabadbaran City, bayan ng RTR, at Nasipit sa probinsiya ng Agusan del Norte ang tatanggap ngayong araw ng kanilang sahod para sa 15 araw na pagtatrabaho bilang benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay Para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE). Sa nasabing bilang, 398 rito… Continue reading Mahigit 1k benipisyaryo ng TUPAD, tatanggap ng sahod ngayong araw

DICT Bicol, kaagad na tumugon sa pagbabalik ng Telecommunication lines sa Catanduanes

Bilang tugon sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maibalik ang telecommunication lines sa probinsya ng Catanduanes, tinututukan na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Bicol ang sampung bayan sa Catanduanes na hanggang ngayon ay mahina pa rin ang linya ng komunikasyon matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Pepito. Sa tala… Continue reading DICT Bicol, kaagad na tumugon sa pagbabalik ng Telecommunication lines sa Catanduanes

Pag-iwas sa pagkain ng mga karne ng mga hayop na biglang namatay, muling ipinaalala ng DA-RFO1

Muling nagpaalala ang Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RADDL) ng Department of Agriculture – Regional Field Office 1 (DA-RFO1) sa publiko na iwasang kumain ng karne ng mga hayop na biglaan ang pagkamatay o sakit ang dahilan ng pagkamatay. Ayon kay Dr. Michael S. Usana, ang Chief ng RADDL ng DA-RFO1, ang mga alagang hayop… Continue reading Pag-iwas sa pagkain ng mga karne ng mga hayop na biglang namatay, muling ipinaalala ng DA-RFO1

Karagdagan Family Food Packs, ibinababa na sa Regional Warehouse ng DSWD sa Legazpi City

LEGAZPI CITY, ALBAY — Mabilis na kumikilos ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region, katuwang ang mga boluntaryo mula sa Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP), upang ibaba ang karagdagang family food packs (FFPs) mula sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC)… Continue reading Karagdagan Family Food Packs, ibinababa na sa Regional Warehouse ng DSWD sa Legazpi City

Pagpatay sa kandidatong vice mayor sa South Cotabato, kinondena ng Comelec 

Nagpahayag ng mariing pagkondena ang Commission on Elections (Comelec) matapos  pagbabarilin ang kandidato sa pagka-bise alkalde sa South Cotabato.  Ayon kay Comelec Chair George Erwin Garcia, walang puwang sa demokrasya ang ganitong uri ng mga pagpatay kung kayat dapat lamang na kinokondena.  Aminado siya na hindi pa sakop ng Comelec ang ganitong panahon dahil hindi… Continue reading Pagpatay sa kandidatong vice mayor sa South Cotabato, kinondena ng Comelec 

Tabang Bicol, Tindog Oragon relief caravan ng Kamara, nakarating na sa Bicol Region

Nakarating na sa Bicol Region ang mga truck na bahagi ng Tabang Bicol, Tindog Oragon relief caravan ng Kamara ayon kay Deputy Secretary General Sofonias Gabonada. Sakay ng 24 na truck na ito ang relief goods at rehabilitation items para sa mga pamilyang naapektuhan ng magkakasunod na bagyong tumama sa Pilipinas, pinakahuli ang bagyong Pepito.… Continue reading Tabang Bicol, Tindog Oragon relief caravan ng Kamara, nakarating na sa Bicol Region

Ilang malalayong barangay sa CAR, nahatiran na ng tulong ng DSWD

Apat na barangay sa Bauko Mountain Province ang napasok na ng mga personnel ng Deparment of Social Welfare and Development (DSWD) sa Cordillera Administrative Region (CAR). Sa ulat ng DSWD Field Office CAR, kabilang ang lugar na ito sa mga napinsala ng grabe ng bagyong Pepito. Mga family food pack at non food items ang… Continue reading Ilang malalayong barangay sa CAR, nahatiran na ng tulong ng DSWD

Mobile Command Center ng DSWD, nakarating na sa Nueva Vizcaya

Nakadeploy na ang Mobile Command Center (MCC) ng DSWD Field Office 2 – Cagayan Valley sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya na isa sa mga labis na napinsala ng Bagyong Pepito. Partikular na nakapwesto ito sa mismong munisipyo ng bayan sa barangay Don Mariano Marcos (Centro) harap ng Saint Dominic Cathedral. Ayon sa DSWD, layon… Continue reading Mobile Command Center ng DSWD, nakarating na sa Nueva Vizcaya

Paunang tulong sa mga sinalanta ng kalamidad sa Catanduanes, inihatid na ng Philippine Air Force

Agad nang tumulak ang Philippine Air Force (PAF) patungong Catanduanes para ihatid ang tulong matapos ang paghagupit ng Super Bagyong Pepito. Sa pahayag, sinabi ni Air Force Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo na ikinarga ang nasa 1,300 family food packs mula Mactan City sa Cebu patungong Virac lulan ng C-130 aircraft nito. Nagmula ang nasabing… Continue reading Paunang tulong sa mga sinalanta ng kalamidad sa Catanduanes, inihatid na ng Philippine Air Force