Mga mangingisda sa Palawan, pinapayagan pa ring pumalaot sa kabila ng paglakas ng habagat bunsod ng bagyong Chedeng

Maaari pa ring makapaglayag maging ang maliliit na sasakyang pandagat o mga bangkang pangisda sa anumang bahagi ng lalawigan ng Palawan sa kabila ng lumalakas na habagat na dulot ng bagyong Chedeng. Ayon kay DOST PAGASA Palawan Chief Sonny Pajarilla, bagama’t hindi inaasahan ang pagtama ng bagyo sa anumang bahagi ng kalupaan ng bansa ay… Continue reading Mga mangingisda sa Palawan, pinapayagan pa ring pumalaot sa kabila ng paglakas ng habagat bunsod ng bagyong Chedeng

Mayon Volcano, nakapagtala ng 59 rockfall events sa loob ng 24 oras -PHIVOLCS

Nakapagtala ng 59 na rockfall events at isang volcanic earthquake ang bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras. Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang rockfall events ay napadpad sa Southern portion at Southeastern gullies sa loob ng 1,500 metro mula sa bunganga nito. Nakitaan pa rin ito ng katamtaman… Continue reading Mayon Volcano, nakapagtala ng 59 rockfall events sa loob ng 24 oras -PHIVOLCS

Halos P1M na halaga ng iligal na droga nasabat sa magkahiwalay na operasyon ng PDEA; 8 katao nahuli

Umabot sa halos P1-M na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency VII sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation sa lungsod ng Cebu na isinagawa kahapon, Hunyo 9. Unang isinagawa ang buy-bust operation sa Brgy. Taptap, isang bukiring barangay sa lungsod ng Cebu kung saan nahuli ang mga subject na sina… Continue reading Halos P1M na halaga ng iligal na droga nasabat sa magkahiwalay na operasyon ng PDEA; 8 katao nahuli

Loose firearms isinuko sa awtoridad mula sa bayan ng Sibutu, at Bongao, Tawi-Tawi

Nasa 5 loose firearms ang isinuko mula sa bayan ng Sibutu at Bongao, Tawi-Tawi sa commanding officer ng Marine Batallion Landing Team 12 na si Lt. Col Junnibert Tubo. Ang mga nasabing loose firearms ay iprenesinta sa Joint Task Force Tawi-Tawi Commander Brig. Gen. Romeo Racadio, Provincial Administrator Mr. Mobin Gampal, opisyales ng lokal na… Continue reading Loose firearms isinuko sa awtoridad mula sa bayan ng Sibutu, at Bongao, Tawi-Tawi

Naitalang pagyanig sa bulkang Taal, nabawasan; Alert Level 1, nakataas pa rin

Nananatili sa Alert Level 1 ang bulkang Taal na nakapagtala na lamang ng pitong volcanic tremor sa nakalipas na 24 na oras, kumpara sa sunod-sunod na volcanic tremors noong nakaraang linggo. Ayon kay Science Research Specialist Eric Arconado ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Taal Volcano Observatory, bagama’t nakitaan pa rin ng steaming… Continue reading Naitalang pagyanig sa bulkang Taal, nabawasan; Alert Level 1, nakataas pa rin

Mga organikong produktong gawa ng mga kababaihan sa Iligan City, tampok sa Organic Asia Conference sa Kauswagan, Lanao Del Norte

Ipinakita ng tanggapan ng City Mayor’s Office-Gender and Development (CMO-GAD) ang mga organikong produkto ng lungsod ng Iligan sa Organic Asia Conference sa Kauswagan, Lanao del Norte. Ayon kay GAD Chairperson Renefe Padilla, pagkakataon ito para makilala ng ibang lungsod at bansa ang produkto, gayundin ang posibilidad na makahanap ng mga interesadong mamimili. Ipinakita nila… Continue reading Mga organikong produktong gawa ng mga kababaihan sa Iligan City, tampok sa Organic Asia Conference sa Kauswagan, Lanao Del Norte

Bulkang Mayon, nagtala ng 1 volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras

Nagtala ang bulkang Mayon ng 1 volcanic earthquake nitong nakalipas na 24 oras. Ang pagyanig ay naganap sa pagitan ng alas-5:00 ng umaga ng June 9 hanggang alas-5:00 ng umaga nitong araw June 10. Kasabay nito, nagkaroon din ng 59 rockfall events at naobserbahan ang fair crater glow na ibig sabihin ay nakikita na ang… Continue reading Bulkang Mayon, nagtala ng 1 volcanic earthquake sa nakalipas na 24 oras

30 ektaryang lupa sa tinaguriang Coffee Belt Road sa Quezon, tataniman ng aabot sa 20,000 punlang kape

Tataniman ng aabot sa 20,000 punlang kape ang 30 ektaryang lupa sa tinaguriang Coffee Belt Road na matatagpuan sa daan ng Dolores, Candelaria at nagtatapos ng Sariaya, Quezon. Ayon sa pabatid ng Department of Agriculture (DA) CALABARZON, ito ay sa ilalim ng kanilang Coffee Belt Road Project sa pakikipagtulungan ng tanggapan ng Kinatawan ng Ikalawang… Continue reading 30 ektaryang lupa sa tinaguriang Coffee Belt Road sa Quezon, tataniman ng aabot sa 20,000 punlang kape

DOH-CALABARZON, nagsagawa ng field assessment sa ilang bayan sa Batangas para alamin ang epekto ng volcanic smog

Nag-ikot ang mga kawani ng Department of Health CALABARZON sa Agoncillo at Laurel Batangas para magsagawa ng field assessment sa epekto ng volcanic smog mula sa bulkang Taal. Ayon kay Maria Theresa Escolano, Development Management Officer ng DOH-CALABARZON, noon pang May 24 ay naiulat ang pagtaas ng sulfur dioxide mula sa bulkan. Aniya, may ilang… Continue reading DOH-CALABARZON, nagsagawa ng field assessment sa ilang bayan sa Batangas para alamin ang epekto ng volcanic smog

Pagdating ni DSWD Sec. Gatchalian sa albay ngayong umaga, inaabangan na

Inaabangan na ang pagdating ni Department of Social Welfare Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa Albay ngayong umaga. Katunayan, ang receiving team sa kalihim ay nasa Bicol International Airport na sa ngayon. Makakasama ng kalihim sa pagdating si AKO Bicol Representative Elizaldy Co, Chairman Appropriations Committee.  Mula sa paliparan dadalawin ng kalihim ang mga evacuees… Continue reading Pagdating ni DSWD Sec. Gatchalian sa albay ngayong umaga, inaabangan na