Pagpapasabog ng NPA ng Anti-Personnel Mine sa Samar, kinondena ng AFP

Mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines ang pagpapasabog ng New People’s Army (NPA) ng Anti-Personnel Mine (APM) sa Barangay Magsaysay, Las Navas, Northern Samar na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang indibidwal noong Hunyo 3. Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, isa nanamang paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) ang ginawa ng NPA… Continue reading Pagpapasabog ng NPA ng Anti-Personnel Mine sa Samar, kinondena ng AFP

Higit 70 rockfall events, naitala sa Mayon Volcano

Nananatiling mataas ang bilang ng rockfall events na naitatala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Mayon. Batay sa 24hr monitoring ng PHIVOLCS, aabot sa 74 na rockfall events ang naitala sa bulkan. Wala namang naitalang volcanic earthquake habang nananatiling mababa ang gas output o ang ibinubugang asupre (sulfur dioxide) na nasa… Continue reading Higit 70 rockfall events, naitala sa Mayon Volcano

Health caravan at distribusyon ng ayuda, inilunsad ng Philippine Red Cross sa Negros at Maguindanao

Dinala ng Philippine Red Cross ang Health Caravan nito sa dalawang lungsod sa Negros Occidental upang maghatid ng serbisyong medikal sa mga residente. Umabot sa 675 individuals ang nakinabang sa libreng medical services mula sa Talisay City at Bacolod City. Kasama sa serbisyo ang medical consultation, dental at optometry care, vital signs check-up, blood typing,… Continue reading Health caravan at distribusyon ng ayuda, inilunsad ng Philippine Red Cross sa Negros at Maguindanao

CAAP, muling nagpalabas ng Notice to Airmen kasunod ng panibagong aktibidad ng Bulkang Mayon sa Albay

Pinaiiwas ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga piloto na magpalipad ng eroplano sa paligid ng mga Bulkang Mayon sa Albay gayundin sa Bulkang Taal sa bahagi ng Cavite at Batangas. Ito ayon sa CAAP ay kasunod ng inilabas nilang Notice to Airmen (NOTAM) dahil sa naitalang panibagong aktibidad ng mga nasabing… Continue reading CAAP, muling nagpalabas ng Notice to Airmen kasunod ng panibagong aktibidad ng Bulkang Mayon sa Albay

Limang drug suspect, nalambat nang nilansag ng mga awtoridada ang isang drug den sa Lanao del Sur

Kinilala ng Area Police Command-Western Mindanao (APC-WM) ang mga nahuling suspek na sina Sadat Pangcoga, Abolkair Pangcoga, Michael Rambangon, Khalil Bangkero, at Saif Pangcoga.

Pinakaunang Super Health Center sa Davao del Sur, itatayo sa Digos City

Aasahan na sisimulan ang operasyon ng Super Health Center sa Setyembre taong 2023.

DSWD, nakaalerto na sa pag-aalburoto ng Taal at Mayon Volcano

Pinaghahandaan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-aalburoto ng Bulkang Taal sa Batangas at Bulkang Mayon sa Albay. Inatasan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang mga Field Office nito sa Southern Tagalog at Bicol region, na maging alerto sa gitna ng pag-aalburoto ng dalawang bulkan. Pinasisiguro ng kalihim na may sapat… Continue reading DSWD, nakaalerto na sa pag-aalburoto ng Taal at Mayon Volcano

Cebu at Batangas, dapat bantayan mula sa posibleng pagpasok at outbreak ng Avian Flu — mambabatas

Pinaghahanda na ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang pamahalaan mula sa posibleng outbreak ng avian influenza virus sa bansa. Ayon kay Salceda, pinaka dapat bantayan ng gobyerno ay ang lalawigan ng Batangas at Cebu. Maliban kasi sa pagiging top 1 at 3 sa poultry production ay puntahan din aniya ito ng… Continue reading Cebu at Batangas, dapat bantayan mula sa posibleng pagpasok at outbreak ng Avian Flu — mambabatas

VP Sara, namahagi ng food packs sa mga teaching at non-teaching personnel sa BARMM

Namahagi ng food packs sa mga guro at non-teaching personnel si Vice President at Education Secretary Sara Duterte Carpio sa BARMM. Umabot sa 37, 369 food packs ang ating naipamahagi sa mga teaching, non-teaching, para-teachers, at Islamic Studies and Arabic Language (ISAL) teachers mula sa 11 schools divisions ng anim na mga probinsya ng BARMM… Continue reading VP Sara, namahagi ng food packs sa mga teaching at non-teaching personnel sa BARMM

PHIVOLCS, nagtala ng malakas na pagsingaw sa Taal Volcano

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng malakas na pagsi­ngaw o steaming activity sa Bulkang Taal. Sa monitoring nito, umabot sa 3,000 metro ang taas ng plumes na napadpad sa direksyon ng hilaga hilagang-kanluran. Bukod dito, may naitala ring isang volcanic tremor sa Taal Volcano. Habang nagluwa rin ng 5,831 tonelada ng… Continue reading PHIVOLCS, nagtala ng malakas na pagsingaw sa Taal Volcano