73 dating rebelde sa Antique, nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan

📸 Spearhead Troopers

Mga nasirang bahay sa Region 2 dahil sa bagyong Egay, umabot sa mahigit 22,000 -DSWD

Umakyat pa sa 22,273 na pamilya ang nasiraan ng bahay sa pananalasa ng Super Typhoon Egay sa Rehiyon 2. Base sa pinakahuling datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2, umabot na sa 21,131 ang partially damaged habang 1,142 naman ang totally damaged na kabahayan. Pinakamarami sa nasiraan ay naitala sa Cagayan… Continue reading Mga nasirang bahay sa Region 2 dahil sa bagyong Egay, umabot sa mahigit 22,000 -DSWD

DSWD, umaasang maaprubahan ang karagdagang pondo ng social pension sa 2024 budget

Umaasa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maaprubahan ang karagdagang pondo para sa social pension for indigent senior citizens program na inilaan ng Department of Budget and Management (DBM) sa panukalang 2024 national budget. Batay sa pahayag ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, aabot sa P49.81 bilyon ang inilaan para sa social services… Continue reading DSWD, umaasang maaprubahan ang karagdagang pondo ng social pension sa 2024 budget

Bansang Japan, nagkaloob ng higit 4k sako ng bigas para sa Mayon evacuees

Mahigit 4,000 sako ng bigas ang ipinagkaloob ng bansang Japan sa Pilipinas para sa mga bakwit ng Mayon Volcano sa Albay. Ipinagkaloob ito ng Ministry of Agriculture-Forestry and Fisheries ng nasabing bansa sa Department of Social Welfare and Development Bicol Regional Office ngayong araw. Ayon sa DSWD, ang donasyong bigas ay pauna pa lamang para… Continue reading Bansang Japan, nagkaloob ng higit 4k sako ng bigas para sa Mayon evacuees

500 dating violent extremists sa Sulu, pinagkalooban ng socio-economic aid ng DSWD

May 500 dating violent extremists o combatants sa Sulo ang binigyan ng socio-economic aid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Mismong si DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan Tanjusay, ang nanguna sa pamamahagi ng cash assistance at welfare goods sa  isinagawang Peace Caravan sa Maimbung, Jolo. Sila ang mga dating… Continue reading 500 dating violent extremists sa Sulu, pinagkalooban ng socio-economic aid ng DSWD

Ikaapat na bugso ng relief assistance sa Mayon evacuees, ipinamahagi ng DSWD

Naglabas na ng ikaapat na bugso ng relief assistance ang Department of Social Welfare and Development para sa Mayon evacuees sa Albay. Ayon sa DSWD Field Office Bicol Region, kabuuang 27,050 family food packs ang ipinamahagi sa 5,410 families sa loob ng evacuation centers, habang 2,085 FFPs naman ang ipinamahagi sa 417 families na nasa… Continue reading Ikaapat na bugso ng relief assistance sa Mayon evacuees, ipinamahagi ng DSWD

DSWD, nagpadala pa ng karagdagang resource augmentation assistance sa LGUs na sinalanta ng Egay at Habagat

Nagpaabot pa ng mahigit Php112 milyon na resource augmentation assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa local government units (LGUs) na apektado ng Super Typhoon #EgayPH at Habagat. Ang tulong ng DSWD ay nasa anyo ng family food packs (FFP) at non-food items, gayundin ang tulong pinansyal sa pamamagitan ng Assistance to… Continue reading DSWD, nagpadala pa ng karagdagang resource augmentation assistance sa LGUs na sinalanta ng Egay at Habagat

DSWD Chief, inatasan ang mga field office na paigtingin ang koordinasyon sa mga LGU para sa disaster operation

Ipinag-utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga Regional Directors nito na paigtingin ang koordinasyon sa local government units na lubhang naapektuhan ng Super Typhoon Egay. Partikular na tinukoy ng kalihim ang mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, MIMAROPA, at Cordillera Administrative Region (CAR). Sa ginanap na emergency meeting, binigyang-diin ni Secretary Gatchalian ang kahalagahan… Continue reading DSWD Chief, inatasan ang mga field office na paigtingin ang koordinasyon sa mga LGU para sa disaster operation

Mga pamilyang nasawi sa pagtaob ng motorbanca sa Rizal, tinulungan ng DSWD 

Nagpaabot na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naulilang pamilya ng mga pasaherong nasawi sa paglubog ng motorbanca sa Binangonan, Rizal. Sa ulat ng DSWD Field Office CALABARZON, may 18 pamilya mula sa Talim Island ang pinagkalooban na ng P10,000 bawat isa. Sumailalim na rin sa simultaneous psychological first… Continue reading Mga pamilyang nasawi sa pagtaob ng motorbanca sa Rizal, tinulungan ng DSWD 

DSWD, naghatid ng relief supplies sa Calayan Island ngayong araw

May dalawang libong family food packs ang hinatid ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2 sa Calayan Island. Ang food packs ay isinakay sa sasakyang pandagat para ipamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Egay at habagat. Ang hakbang ng DSWD ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdimand R.… Continue reading DSWD, naghatid ng relief supplies sa Calayan Island ngayong araw