Desisyon ni Pang. Marcos na itigil na ang pakikipag-ugnayan sa ICC, suportado ni Sen. Bong Go

Suportado ni Senador Bong Go ang naging pahayag ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na ititigil na ng pamahalaan ang anumang uri ng komunikasyon sa International Criminal Court (ICC). Ito matapos na ibasura ng ICC ang apela ng pamahalaan na suspendihin ang imbestigasyon nito sa anti-drug war ni dating Pang. Rodrigo Duterte. Ayon sa senador,… Continue reading Desisyon ni Pang. Marcos na itigil na ang pakikipag-ugnayan sa ICC, suportado ni Sen. Bong Go

Sweldo ng mga nurse, dapat taasan para manatili sila sa Pilipinas—SP Zubiri

Muling iginiit ni Senate President Juan Miguel Zubiri na panahon nang taasan ang sweldo ng mga nurse sa Pilipinas. Ang pahayag na ito ng Senate President ay matapos ang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Commission on Higher Education (CHED) na tugunan ang mass exodus ng mga Pinoy nurse palabas ng ating bansa.… Continue reading Sweldo ng mga nurse, dapat taasan para manatili sila sa Pilipinas—SP Zubiri

Search team sa nasunog na MV Lady Mary Joy 3, nasa 40% na ang nagagalugad

Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na nasa 40 porsiyento na ang nagalugad ng search team mula sa MV Lady Mary Joy 3, habang nakasadsad ang barko sa pampang ng Baluk Baluk Island sa Basilan. Ayon kay Commodore Rejard Marfe, Commander ng PCG district BARMM, masinsin at maingat ang grupo base na rin sa kalagayan… Continue reading Search team sa nasunog na MV Lady Mary Joy 3, nasa 40% na ang nagagalugad

Mambabatas, pinatitiyak na may mapanagot sa trahedyang sinapit ng MV Lady Mary Joy 3

Kinalampag ni House Committee on Natural Resources Chair Elpidio Barzaga ang Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine Coast Guard (PCG) na alamin ang puno’t dulo ng pagkasunog ng MV Lady Mary Joy 3. Aniya dapat ay natuto na ang MARINA at PCG mula sa mga nakaraang trahedya sa sasakyang pandagat, lalo na dahil sa overloading.… Continue reading Mambabatas, pinatitiyak na may mapanagot sa trahedyang sinapit ng MV Lady Mary Joy 3

Main player sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, naaresto ng NBI

Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, na naaresto na ang isa pa sa suspek o main player na nagtatago kaugnay sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo, at wala na sa loob ng Negros Oriental. Maliban sa pagkumpirma ni Remulla sa karagdagang suspek na naaresto, wala ng iba pang detalyeng nasabi patungkol… Continue reading Main player sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, naaresto ng NBI

Pagtataas ng climate change budget proposal ng SUCs para sa 2024, ipinanawagan ng pamahalaan

Umaapela ang Climate Change Commission (CCC) sa State Universities and Colleges (SUCs) na dagdagan at i-prioritize ang pagpopondo sa climate research and development projects ng kanilang mga paaralan. Ayon kay CCC Commissioner Albert Dela Cruz Sr., ang SUCs ay kabilang sa mga kabalikat ng kanilang tanggapan sa pagtugon sa climate change. Nagmumula kasi sa mga… Continue reading Pagtataas ng climate change budget proposal ng SUCs para sa 2024, ipinanawagan ng pamahalaan

Pagtatayo ng iba pang energy facility, welcome sa Pilipinas — Pangulong Marcos Jr.

Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang iba pang mamumuhunan sa sektor ng enerhiya na magtayo pa ng ibang energy facility sa bansa. Sa inauguration ng Battery Energy Storage Systemsa Limay, Bataan, sinabi ng pangulo na ang mga ganitong proyekto, welcome sa bansa at inaaprubahan ng pamahalaan. Paliwanag ng pangulo, batid naman ng lahat… Continue reading Pagtatayo ng iba pang energy facility, welcome sa Pilipinas — Pangulong Marcos Jr.

Sen. Bong Go, nakiramay sa pamilya ng mga nasawi sa nasunog na barko sa Basilan

Nagpaabot ng pakikidalamhati si Sen. Bong Go sa pamilya ng mga nasawi sa passenger vessel sa Basilan nitong Miyerkules ng gabi. Ayon sa senador, nakakalungkot na matapos ang oil spill incident sa Oriental Mindoro ay isa na namang trahedya ang nangyari sa karagatan. Umaasa itong agad na maihahatid ang tulong sa mga biktima ng trahedya.… Continue reading Sen. Bong Go, nakiramay sa pamilya ng mga nasawi sa nasunog na barko sa Basilan

Iba’t ibang tollway sa bansa, handa na sa dagsa ng mga motorista ngayong Holy Week Exodus

Libo-libong mga motorista ang inaasahang daraan sa iba’t ibang tollway sa bansa para sa Holy Week Exodus o ang pagbiyahe ng mga magbabakasyon gayundin ng mga magsisipag-uwian sa mga lalawigan para sa Semana Santa 2023. Dahil dito, tinatayang nasa 1,500 traffic at toll lane management personnel ang ipakakalat ng Metro Pacific Tollways road network sa… Continue reading Iba’t ibang tollway sa bansa, handa na sa dagsa ng mga motorista ngayong Holy Week Exodus

Ilang reporma sa Military pension, tinutulan ni Sen. Bong Go

Hindi pabor sa Sen. Bong Go sa ilang repormang itinutulak sa pension system sa hanay ng mga militar at iba pang uniformed personnel sa bansa. Komento ito ng senador sa pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ireporma ang pension system para sa military and uniformed personnel (MUP) sa ilalim ng administrasyong Marcos. Sa panayam… Continue reading Ilang reporma sa Military pension, tinutulan ni Sen. Bong Go