TUCP, hiniling na maisabatas na ang across the board Php150 wage increase

Nanawagan sa Kongreso ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na suportahan ang Wage Recovery Act of 2023. Layon nito, na isabatas ang hirit na across-the-board wage recovery increase na Php150 kada araw sa buong bansa. Naniniwala ang TUCP, na lubha nang kinakailangang magkaroon ng ganitong batas sa harap ng matinding kagutuman na nararanasan… Continue reading TUCP, hiniling na maisabatas na ang across the board Php150 wage increase

Office of the Vice President, nagkasa ng relief operations sa mga naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro

Naghatid ng tulong ang Office of the Vice President sa apat na bayan sa Oriental Mindoro na naapektuhan ng malawakang oil spill. Naipaabot ng OVP-Disaster Operations Center ang 1,616 sacks ng bigas na katumbas ng 80,000 kilo sa mahigit 8,000 mangingisda. Sa loob ng limang araw ay ikinasa ang relief operations sa 22 barangay sa… Continue reading Office of the Vice President, nagkasa ng relief operations sa mga naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro

LRT1, nagpatupad ng provisional operation matapos magkaaberya ang isang tren nito

Pansamantalang nilimitahan ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1. Ito ayon sa LRMC ay dahil sa nagkaroon ng aberya sa isa sa kanilang mga train unit na nasa bahagi ng Roosevelt Station sa Quezon City. Dahil dito, nagpatupad ng provisional operations ang LRT 1 mula… Continue reading LRT1, nagpatupad ng provisional operation matapos magkaaberya ang isang tren nito

DICT, nanindigang hindi palalawigin ang deadlin ng SIM registration

Nananatili ang posisyon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na walang extension sa April 26 na deadline ng SIM registration. Ito ay sa kabila pa ng apela ng Public Telecommunication Entities (PTEs) na palawigin ang SIM registration period dahil marami pa ang hindi nagpaparehistro. Ayon sa DICT, ngayong isang linggo na lang bago… Continue reading DICT, nanindigang hindi palalawigin ang deadlin ng SIM registration

LTFRB, handang makipagdayalogo sa transport group hinggil sa pagbubukas ng TNVS slots

Inimbitahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa isang dayalogo ang transport group na Laban TNVS upang maihain ang kanilang mga hinaing hinggil sa pagbubukas ng karagdagang TNVS slots. Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, bukas ang tanggapan nito na pakinggan at mapag-usapan ang concern ng Laban TNVS at iba pang transport… Continue reading LTFRB, handang makipagdayalogo sa transport group hinggil sa pagbubukas ng TNVS slots

Army Chief, nagpasalamat sa suporta ni Sen. Jinggoy Estrada sa mga tropa

Nagpasalamat si Phil. Army Chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. kay Sen. Jinggoy Estrada sa kanyang lubusang pagsuporta sa pangangailangan ng mga tropa. Ito’y matapos na ilahad ng senador, na Chairperson ng Senate Committee on National Defense & Security, Peace, Unification & Reconciliation, ang kanyang mga plano sa pag-standardize at pag-upgrade ng mga benepisyo ng… Continue reading Army Chief, nagpasalamat sa suporta ni Sen. Jinggoy Estrada sa mga tropa

Bagong dormitoryo para sa Police Commissioned Officers, pinasinayaan ng PNP

Pinangunahan ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., kasama si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan ang pagpapasinaya sa bagong Police Commissioned Officers Dormitory sa Camp Crame. Ang gusali na tinaguriang Condominium Building No. 16, ay itinayo sa ilalim ng DPWH Convergence Program o PNP-DPWH T.I.K.A.S. Program. Ang proyekto na… Continue reading Bagong dormitoryo para sa Police Commissioned Officers, pinasinayaan ng PNP

In-depth assessment sa kalagayan ng mental health ng mga mag-aaral, itinutulak ng Las Piñas solon

Pinagkakasa ni Deputy Speaker Camille Villar ng isang malalimang assessment at pag-aaral ang kasalukuyang estado ng mental health ng mga mag-aaral. Sa kaniyang House Resolution 900, tinukoy ng mambabatas na mahalagang matukoy ang estado ng mental health ng mga estudyante at maging ng kabuuan ng populasyon upang makapaglatag ng angkop na tugon. Malaki kasi aniya… Continue reading In-depth assessment sa kalagayan ng mental health ng mga mag-aaral, itinutulak ng Las Piñas solon

Deadline sa SIM registration, pinauurong sa Agosto ng mambabatas

Pinakokonsidera ni Davao Oriental Rep. Cheeno Miguel Almario sa DICT na i-urong sa Agosto ang deadline ng SIM Registration. Ayon sa co-author ng SIM Registration law, sinadya nilang ilagay sa probisyon ng batas ang dagdag na 120 days para makapagparehistro dahil nakita nilang posibleng magkaroon ng mababang turnout ng registrants lalo na para sa mga… Continue reading Deadline sa SIM registration, pinauurong sa Agosto ng mambabatas

OPAPRU, humingi ng tulong sa PNP at AFP para mapigilan ang pag-escalate ng tensyon sa Kalinga at Mt. Province

Humingi na ng tulong sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Office of The Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) para mapigilan ang escalation ng tensyon sa pagitan ng mga tribo sa Sadanga, Mountain Province at Tinglayan, Kalinga. Ito’y sa gitna ng pag-aaway ng mga tribo dahil… Continue reading OPAPRU, humingi ng tulong sa PNP at AFP para mapigilan ang pag-escalate ng tensyon sa Kalinga at Mt. Province