51 Pinoy na tumawid sa border ng Egypt at Sudan, nakarating na sa Cairo

Kasalukuyan nang nasa Cairo ang may 51 Pilipinong nasagip ng pamahalaan matapos maipit sa gulo sa bansang Sudan Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos matagumpay na makatawid sa border mula Khartoum ang mga nasabing Pinoy sa pakikipagtulungan ng Embahada at Konsulada ng Pilipinas. Personal na sinalubong ni Philippine Ambassador to Egypt… Continue reading 51 Pinoy na tumawid sa border ng Egypt at Sudan, nakarating na sa Cairo

VP Sara, pinaalalahanan ang mga mag-aaral na pasalamatan ang mga taong nasa likod ng kanilang tagumpay

Dumalo si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa graduation rites ng Montessori de San Juan sa San Juan City, ngayong araw. Dito, kaniyang ipinaalala sa mga nagsipagtapos na huwag kalimutang pasalamatan ang mga taong naging bahagi ng kanilang tagumpay. Kasunod nito, hinikayat din ng Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Edukasyon ang mga nagsipagtapos… Continue reading VP Sara, pinaalalahanan ang mga mag-aaral na pasalamatan ang mga taong nasa likod ng kanilang tagumpay

Desisyon ng Korte Suprema sa SIM Registration Law, malaking tulong sa paghihikayat na iparehistro ng publiko ang kanilang SIM

Naniniwala si Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe na ang desisyon ng Korte Suprema sa SIM Registration law ay malaking tulong sa pagpapatuloy ng pagpaparehistro. Ayon kay Poe, pinagtitibay lang ng naturang desisyon ang pangangailangan na magpa-register ang lahat ng mga subscriber para na rin sa ligtas na mobile use. Kasabay nito,… Continue reading Desisyon ng Korte Suprema sa SIM Registration Law, malaking tulong sa paghihikayat na iparehistro ng publiko ang kanilang SIM

4 na biktima ng human trafficking patungong Lebanon, naharang sa NAIA

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na babaeng biktima ng human trafficking na pinangakuang magtrabaho bilang household service worker sa Lebanon. Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, una nang na-clear ang tatlo sa mga biktima nang maharang ito habang papasakay sa isang Air Asia Flight… Continue reading 4 na biktima ng human trafficking patungong Lebanon, naharang sa NAIA

Mga data server ng PNP, nakitaan ng ilang problema ng mga IT expert

Inamin ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na nakitaan ng mga IT expert ng ilang problema ang mga data server ng PNP. Ito ay matapos na magsagawa ng inspeksyon ang mga eksperto ng National Privacy Commission at National Telecommunications Commission (NTC) sa mga PNP server, kaugnay ng napaulat na “data breach”… Continue reading Mga data server ng PNP, nakitaan ng ilang problema ng mga IT expert

Maraming sangay ng LTO, nauubusan na ng plastic cards para sa driver’s license

Iniurong ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsusumite ng bids para sa pagbili ng plastic cards ng driver’s license. Sa pulong balitaan, sinabi ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jay Art Tugade na iniurong ito ng DOTr sa May 24, 2023 . Bunga nito, marami nang mga tanggapan ng LTO ang tuluyan nang naubusan ng… Continue reading Maraming sangay ng LTO, nauubusan na ng plastic cards para sa driver’s license

MMDA, may abiso sa mga motorista kaugnay sa mga lansangang lalapatan ng aspalto simula mamayang gabi

Nagbigay abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa mga isasagawang roto milling at asphalt overlay ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) simula alas-10 mamayang gabi. Kabilang sa mga kukumpunihing lansangan ay ang Balete Drive mula Mabolo St. hanggang Bougainvilla St.; C-5 E. Rodriguez Jr. Avenue (southbound) mula sa… Continue reading MMDA, may abiso sa mga motorista kaugnay sa mga lansangang lalapatan ng aspalto simula mamayang gabi

PDEA, patuloy ang pag-monitor sa mga vape shop para sa posibleng pagbenta ng liquid marijuana sa merkado

Patuloy na minomonitor ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang mga vape shop na nagbebenta ng e-cigarettes dahil sa posibleng pagbebenta ng liquid marijuana sa merkado. Ayon kay PDEA Director General Virgillio Lazo, isa na sa kanilang minomonitor sa ngayon ang mga vape shop sa bansa dahil maaaring gamitin ito sa pagbebenta ng liquid… Continue reading PDEA, patuloy ang pag-monitor sa mga vape shop para sa posibleng pagbenta ng liquid marijuana sa merkado

Pangulong Marcos Jr., tiniyak na tatapusin ang lahat ng mga proyekto sa ilalim ng kaniyang pamamahala

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sa ilalim ng kanyang pamamahala sa bansa ay tatapusin ang lahat ng proyekto ng pamahalaan nang may buong kahusayan, katapatan, buong ingat at mabilis para sa mamamayan. Ang katiyakan ay ginawa ng Pangulo sa kanyang naging mensahe sa isinagawang ceremonial contract signing ng North- South Commuter… Continue reading Pangulong Marcos Jr., tiniyak na tatapusin ang lahat ng mga proyekto sa ilalim ng kaniyang pamamahala

Mambabatas, ipinagtataka ang pinagmulan ng 990-kilo ng shabu na nasabat sa Maynila

Malaking palaisipan para sa mga mambabatas kung saan nanggaling ang 990 kilo ng shabu na nasabat sa Maynila noong Oktubre ng nakaraang taon. Tanong ni House Committee on Dangerous Drugs Vice Chair at Antipolo City Rep. Romeo Acop, kung hindi ba nagtataka ang pambansang pulisya kung saan nakuha ni Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr.… Continue reading Mambabatas, ipinagtataka ang pinagmulan ng 990-kilo ng shabu na nasabat sa Maynila