Nasa 31.95 million National ID mula sa higit 79 million na nakarehistro na, nai-deliver na ng pamahalaan

Nasa 79.12 million na ang nakarehistro para sa National ID sa bansa. Mula sa bilang na ito, 37.73 million ang naimprenta na habang nasa 31.95 million na physical ID na ang naipamahagi ng gobyerno. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Philippine Statistics Authority (PSA) Deputy National Statistician Fred Solesta, nag-uusap na ang Bangko Sentral… Continue reading Nasa 31.95 million National ID mula sa higit 79 million na nakarehistro na, nai-deliver na ng pamahalaan

Iba’t ibang programa ng Marcos Administration, nakatanggap ng suporta mula sa isang Indonesian billionaire

Tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang one million Singaporean dollars o P41.6 million, mula sa Indonesian billionaire na si Dato’ Sri Tahir, para sa Pilipinas. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, sa naging courtesy call ni Dato’ Tahir, nagpahayag rin ito ng suporta sa social welfare, murang pabahay, at healthcare… Continue reading Iba’t ibang programa ng Marcos Administration, nakatanggap ng suporta mula sa isang Indonesian billionaire

MIAA, nag-abiso hinggil sa mga kanseladong biyahe sa NAIA ngayong araw

Kanselado ang nasa apat na biyahe ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw. Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division, bunsod ito ng nararanasang masamang panahon sa destinasyon. Kabilang sa mga nakansela ay ang biyahe ng Philippine Airlines (PAL) Express flight 2P 2932 at 2P 2933 na… Continue reading MIAA, nag-abiso hinggil sa mga kanseladong biyahe sa NAIA ngayong araw

Panukalang restructuring ng PNP, lusot na sa ikalawang pagbasa

Sa pamamagitan ng viva voce voting ay pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 8327 o restructuring sa hanay ng Philippine National Police (PNP). Sa ilalim nito ay bubuo ng bagong mga tanggapan sa pambansang pulisya. Aamyendahan nito ang Republic Act 6975 o DILG Act, upang mas matugunan ng PNP ang mandato… Continue reading Panukalang restructuring ng PNP, lusot na sa ikalawang pagbasa

Seguridad sa FIBA Basketball World Cup, tiniyak ng PNP

Tiniyak ng PNP ang kanilang kahandaan sa pagpapatupad ng seguridad sa idaraos na 19th International Basketball Federation (FIBA) Basketball World Cup 2023 sa bansa mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10 ng taong kasalukuyan. Ayon kay PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr., ipatutupad ng PNP ang subok nang “major events security framework” para sa naturang… Continue reading Seguridad sa FIBA Basketball World Cup, tiniyak ng PNP

BIR, nilinaw ang mga polisiya at guidelines sa TIN card at COR issuance, validity

Nilinaw ng Bureau of Internal Revenue na may bisa pa rin ang lumang kulay yellow-orange na TIN Card at hindi nag-e-expire kahit pinalitan ng bagong kulay green na TIN Card. Nagbigay ng kalinawan si BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. dahil sa maraming tanong ng mga taxpayer tungkol sa bisa ng Taxpayer Identification Number (TIN) at… Continue reading BIR, nilinaw ang mga polisiya at guidelines sa TIN card at COR issuance, validity

DSWD, magdaragdag ng satellite office sa Eastern Metro Manila

Plano ng Department of Social Welfare and Development na magdagdag pa ng mga satellite office para mas mailapit sa publiko ang serbisyo kabilang ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS). Ayon sa DSWD, kasama sa tinatarget nitong buksan ang satellite office sa Pasig at Rodriguez, Rizal para sa mga residente ng eastern part ng… Continue reading DSWD, magdaragdag ng satellite office sa Eastern Metro Manila

“Person of interest” sa pagpatay sa brodkaster mula Oriental Mindoro, natukoy na ng SITG

May tinitingnang “person of interest” ang PNP sa kaso ng pamamaril at pagpatay kay radio commentator Cresenciano Aldovino Bunduquin. Ito ang inanunsyo ni PNP Oriental Mindoro Provincial Director Police Col. Samuel Delorino, na siya ring namumuno sa Special Investigation Task Group (SITG) Bunduquin na nakatutok sa kaso. Ayon kay Delorino, ngayon araw ay kukunan ng… Continue reading “Person of interest” sa pagpatay sa brodkaster mula Oriental Mindoro, natukoy na ng SITG

Magkaibang prescriptive period sa pinal na bersyon ng Maharlika Investment Fund bill, pinuna ni Sen. Koko Pimentel

Pinuna ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang dalawang magkaibang probisyon sa inaprubahang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill, kaugnay sa prescription ng mga krimen na may kinalaman sa pagpapatakbo ng pondo. Sa kopya kasi ng inaprubahang panukala, makikita aniya sa Section 50 na ang prescription period ay 10 years habang sa Section 51… Continue reading Magkaibang prescriptive period sa pinal na bersyon ng Maharlika Investment Fund bill, pinuna ni Sen. Koko Pimentel

Mercury-free na pagmimina ng ginto, itinutulak sa small-scale miners

Isinusulong ng Planetgold Philippines ang mas ligtas na pagmimina ng ginto partikular sa small scale miners o maliliit na mga minero sa bansa. Sa isang kapihan forum, ipinunto ni Abigail Ocate, National Project Manager ng Planetgold Philippines, ang pangangailangan na mabawasan na ang paggamit ng mercury sa mga small-scale gold mining dahil lubha itong mapanganib,… Continue reading Mercury-free na pagmimina ng ginto, itinutulak sa small-scale miners