Nasa 850 residente ng QC, nakatanggpap ng cash assistance mula sa DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa DSWD ang 850 na mga residente ng 14 na mga barangay sa District 5 sa Quezon City.

Kabilang sa ipinamigay ay ang ₱2,000 financial assistance, ₱4,000 educational assistance, at ₱5,000 hanggang ₱10,000 medical assistance.

Ang mga benepisyasryo ay idinulog sa tanggapan ni Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael “PM” Vargas.

Isinagawa ang cash distribution sa Brgy. Sta. Monica na naglalayon na mabigyan ng tulong ang mga residente para sa gastusin sa edukasyon at serbisyong medikal. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.