COMELEC, nakatakdang simulan ang pilot testing para sa mas maagang oras ng pagboto ng mga senior citizen para sa BSKE

Nakatakdang simulan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pilot testing para sa mas maagang voting hours para sa mga Senior Citizens ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 30. Sa isinagawang press briefing kanina sa Bacoor, Cavite, sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na nakatakdang simulan ang nasabing pilot testing sa Muntinlupa City… Continue reading COMELEC, nakatakdang simulan ang pilot testing para sa mas maagang oras ng pagboto ng mga senior citizen para sa BSKE

Rescue team ng PCG, hindi pa aalisin sa pinaglubugan ng bangka sa Binangonan, Rizal -PCG Admiral Balilo

Hindi pa aalisin ng Philippime Coast Guard (PCG) ang kanilang rescue team sa lugar na pinagtaoban ng bangka sa Binangonan, Rizal nitong nakalipas na araw. Sinabi ni PCG Rear Admiral Armand Balilo na hindi nila isinasantabi ang posibilidad na may makita pa silang tao sa ilalim ng tubig. Bagama’t wala nang pamilya ang naghahanap pa… Continue reading Rescue team ng PCG, hindi pa aalisin sa pinaglubugan ng bangka sa Binangonan, Rizal -PCG Admiral Balilo

Tatlong dam sa Luzon, nagbabawas na ng tubig

Tatlong dam sa Luzon ang tuloy-tuloy pa ang pagbabawas ng imbak na tubig ngayong umaga. Sa ulat ng PAGASA-Hydrometeorology Division, hanggang alas-6:00 kaninang umaga, isang gate ang binuksan sa Ipo Dam at may gate opening na .30 cm Nasa 106 meters ang antas ng tubig nito na mas mataas bahagya sa 101 meters normal high-water… Continue reading Tatlong dam sa Luzon, nagbabawas na ng tubig

Bolinao Falls at Patar Public Beach sa Bolinao, Pangasinan, nananatiling sarado sa publiko dahil sa sama ng panahon

Pansamantalang sarado ang pamosong Bolinao Falls at Patar Public Beach sa Bolinao, Pangasinan sa lahat ng turista at bisita ngayong araw ika-29 Hulyo 2023. Ang advisory ay nilabas ng Bolinao Tourism Office dahil sa alalahanin sa kaligtasan na dulot ng above-normal water level, at malalakas na alon at agos sa Patar Beach bunsod ng sama… Continue reading Bolinao Falls at Patar Public Beach sa Bolinao, Pangasinan, nananatiling sarado sa publiko dahil sa sama ng panahon

Ibang lugar sa Valenzuela, lubog pa sa tubig baha

Ilang lugar sa lungsod ng Valenzuela ang hindi pa madadaanan ng mga light vehicles dahil lubog pa rin sa tubig baha. Bago mag alas-7:00 kanina, lubog pa hanggang 25 pulgada ang kanto ng Bypass Road. Sa barangay Veinte Reales at sa kanto ng G. Lazaro, Dalandanan na may taas na 35 pulgada ang tubig baha.… Continue reading Ibang lugar sa Valenzuela, lubog pa sa tubig baha

Plebisito para sa pagsasanib at pagpapalit ng pangalan ng ilang barangay sa Bacoor, Cavite, isasagawa ngayong araw

Isasagawa ngayong araw ang plebisito upang ratipikahan ang pag-merge at pagpapalit ng pangalan ng ilang barangay sa Bacoor, Cavite. Ang plebisito ay isasagawa sa 22 voting centers na may 223 clustered precincts mula ngayong alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon. Hinihikayat ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia ang mga rehistradong botante… Continue reading Plebisito para sa pagsasanib at pagpapalit ng pangalan ng ilang barangay sa Bacoor, Cavite, isasagawa ngayong araw

“KADIWA ng Pangulo”, planong idaos sa DILG Central Office kada buwan -Sec Abalos

Plano ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. na gawin nang buwanan ang pagdaos ng Kadiwa ng Pangulo sa DILG Central Office sa Quezon City. At habang papalapit ang panahon ng kapaskuhan ay maaaring gawin ito ng dalawang beses kada buwan. Ginawa ng kalihim ang pahayag pagkatapos dalhin ang… Continue reading “KADIWA ng Pangulo”, planong idaos sa DILG Central Office kada buwan -Sec Abalos

Higit 900 evacuees sa San Mateo, nananatili pa sa mga evacuation center

Hanggang kagabi, maraming pamilya pa rin na apektado ni bagyong Egay ang nanatili  sa mga evacuation center  sa  bayan ng San Mateo. Ayon sa San Mateo LGU, karamihan sa kanila ay naninirahan sa low-lying areas kaya’t hindi pa makabalik sa kanilang mga tahanan. Hanggang alas-8:00 kagabi, higit pa sa 900 evacuees ang nananatili sa Maly… Continue reading Higit 900 evacuees sa San Mateo, nananatili pa sa mga evacuation center