Health Workers na nagpamalas ng natatanging galing at serbisyo, binigyang pagkilala sa kauna-unahang Provincial Health Assembly sa Lanao del Sur

Naging highlight sa kauna-unahang Provincial Health Assembly sa Lalawigan ng Lanao del Sur ang pagbigay pagkilala sa mga health workers na may natatanging serbisyo at galing sa kani-kanilang trabaho bilang mga doktor at nurse nitong July 29, 2023 sa Provincial Capitol Complex bilang bahagi rin ng 64th Araw ng Lanao del Sur. Maliban rito ay… Continue reading Health Workers na nagpamalas ng natatanging galing at serbisyo, binigyang pagkilala sa kauna-unahang Provincial Health Assembly sa Lanao del Sur

Mga Yakan Weaver mula sa Basilan, mabibigyan ng emergency employment sa ilalim ng TUPAD program ng DOLE

Mabibigyan ng pansamantalang pagkakakitaan ang ilang Yakan Weavers sa barangay Buahan, Lamitan City, Basilan. Ito ay matapos i-turnover ng Department of Labor and Employment (DOLE) 9 kasama ang DOLE Isabela City Field Office kamakailan sa mga opisyales ng Buahan ang tseke na nagkakahalaga ng P277,290 para sa emergency employment ng nasa 79 Yakan Weavers sa… Continue reading Mga Yakan Weaver mula sa Basilan, mabibigyan ng emergency employment sa ilalim ng TUPAD program ng DOLE

Iginawad na 2016 Arbitral Tribunal Award sa Pilipinas vs. claim ng China sa WPS, ‘legally binding’ — European Commission

Suportado ng European Commission ang 2016 arbitral award na iginawad sa Pilipinas, laban sa claims ng China sa West Philippine Sea (WPS), kabilang na ang historic claims nito sa buong SCS. Sa naging pagbisita ni European Commission President Ursula von der Leyen, sinabi nito na na ang 2016 arbitral tribunal award ay legally binding, at… Continue reading Iginawad na 2016 Arbitral Tribunal Award sa Pilipinas vs. claim ng China sa WPS, ‘legally binding’ — European Commission

Panukala para palakasin pa ang pagtugon ng NDRRMC sa kalamidad, inihain

Itinutulak ngayon sa Kamara na lalo pang palakasin ang NDRRMC sa pamamagitan ng pagdaragdag ng vice-chair ng konseho. Sa ilalim ng House Bill 8350 na inihain nina House Speaker Martin Romualdez, Appropriations Chair Elizaldy Co at tatlong iba pa, pinasasama sa konseho bilang miyembro ang kalihim ng DPWH. Magsisilbi itong vice-chairperson for infrastructure rehabilitation and… Continue reading Panukala para palakasin pa ang pagtugon ng NDRRMC sa kalamidad, inihain

“It’s Showtime”, ipinatawag sa MTRCB

Ipinatawag ngayong araw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang producers ng noontime variety show na “It’s Showtime”. Ito ay para pagpaliwanagin sa ilang eksena sa “Isip Bata” segment ng show na ipinalabas sa channels GTV at A2Z DZOZ/DZOE 11 noong July 25 na nagpakita ng ‘di umano’y ‘indecent acts’ ng mga… Continue reading “It’s Showtime”, ipinatawag sa MTRCB

Courtesy resignation ng 18 opisyal ng PNP na sangkot umano sa iligal na droga, ipinatupad na

Tuluyan nang aalisin sa serbisyo ng PNP ang 18 opisyal na tinanggap ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang courtesy resignation. Ito ang inanunsyo ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda sa isang ambush interview sa Camp Crame. Ayon sa PNP Chief, personal silang nag-usap ng Pangulong Marcos Jr. tungkol sa naturang usapin. Matatandaang sinabi… Continue reading Courtesy resignation ng 18 opisyal ng PNP na sangkot umano sa iligal na droga, ipinatupad na

Septik tanks sa New Bilibid Prison, ipahuhukay upang tingnan kung may mga kabaon ding buto ng tao

Ipinag-utos ngayon ni Director General Gregorio Catapang ng New Bilibid Prison na ipahukay ang lahat ng septik tank upang malaman kung may mga nabaong mga buto ng tao. Sa kanyang pagharap sa media, sinabi ni Catapang, nais niyang alamin kung ginamit din bang tapunan ng bangkay ang mga septik tank sa loob ng Bilibid. Ang… Continue reading Septik tanks sa New Bilibid Prison, ipahuhukay upang tingnan kung may mga kabaon ding buto ng tao

Rescue boat na ginamit ng 4 na PCG personnel na nawawala sa Cagayan River, natagpuan na

Natagpuan na kahapon ang aluminum boat na ginamit ng apat na nawawalang Philippine Coast Guard (PCG) rescuers sa Barangay Fuga, Aparri, Cagayan. Ayon sa Coast Guard District North Eastern Luzon, namataan ito ng MV Eagle Ferry habang naglalagayag sa katubigang sakop ng Calayan Island. Kwento ng kapitan, nakita nila itong palutang-lutang pitong milya mula sa… Continue reading Rescue boat na ginamit ng 4 na PCG personnel na nawawala sa Cagayan River, natagpuan na

Ilang Pinoy entrepreneurs, nagtagumpay na sa larangan ng pagnenegosyo sa Thailand gamit ang produkto ng cannabis

Masayang ibinahagi ng ilang Filipino Enterprenuer na nakabase sa Thailand ang kanilang nakakamit na tagumpay sa pagnenegosyo gamit ang produkto ng cannabis. Sa isang Media Health Forum, sinabi ni Arthur Reyes ng Mabuhay Maharlika Medical Dispensary, ang kauna-unahang Filipino inspired cannabis dispenser sa mundo, ang pagsisikap nila ang puhunan para makamit ang tagumpay sa kanilang… Continue reading Ilang Pinoy entrepreneurs, nagtagumpay na sa larangan ng pagnenegosyo sa Thailand gamit ang produkto ng cannabis

Publiko, pinaalalahanan ng DOH na mag-ingat sa mga sakit na dumadapo tuwing tag-ulan

Muling pinaalalahanan ng Department of Health o DOH ang publiko na mag-ingat sa mga tinatawag na ‘WILD diseases’ o yung mga tinatawag na Waterborne disease, Influenza, Leptospirosis at Dengue na madalas tumataas ang kaso tuwing tag-ulan. Ayon sa DOH, dapat sundin ang ilang mga tagubulin upang maiwasan ang sakit tulad ng tamang pagtatapon ng basura,… Continue reading Publiko, pinaalalahanan ng DOH na mag-ingat sa mga sakit na dumadapo tuwing tag-ulan