500 pamilyang apektado ng bagyong Egay sa Laoag City, nabigyan ng tig-P2,000

Ang nasabing tulong ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. Ito ay binigyang daan ni Senador Loren Legarda. Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Mayor Michael Marcos Keon kay Legarda dahil napagbigyan ang kanyang hiling na mabigyan ng budget ang pagtulong sa… Continue reading 500 pamilyang apektado ng bagyong Egay sa Laoag City, nabigyan ng tig-P2,000

Isang US fugitive, naaresto ng BI sa Maynila

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American national na wanted sa kanyang sariling bansa dahil sa military desertion. Sa ulat ng BI, nahuli si Johnmark Katipunan Tandoc, 32 anyos sa kahabaan ng Roxas Boulevard nitong Agosto 7. Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, si Tandoc ay sasailalim sa summary deportation order matapos matukoy… Continue reading Isang US fugitive, naaresto ng BI sa Maynila

Japanese company, inilunsad ang isang AI-powered disaster management tool sa Pilipinas

Ipinakilala ng isang Japanese start-up company ang isang disaster management tool na makatutulong sa disaster management at mas mabilis na news gathering ng media organizations. Ang nasabing teknolohiya ay inilunsad sa ilalim ng Public-Private Partnership promotion program ng Japan International Cooperation Agency o JICA. Ayon kay JICA Chief Representative Takema Sakamoto, makikinabang ang mga Pilipino… Continue reading Japanese company, inilunsad ang isang AI-powered disaster management tool sa Pilipinas

Mga luma at maliliit na tubo sa Pasay City, papalitan na ng Maynilad

Mahigit 22 kilometrong luma at undersized pipes sa Pasay City ang papalitan na ng Maynilad Water Services Inc. Ito’y upang mas matugunan ang supply requirement ng populasyon sa lugar, na tumaas nang lampas sa kasalukuyang kapasidad ng distribution system. Sakop ng P362-million pipe replacement project ang 29 na barangay sa mga lugar ng Malibay, Maricaban,… Continue reading Mga luma at maliliit na tubo sa Pasay City, papalitan na ng Maynilad

Valenzuela LGU, magpapadala ng tulong sa mga sinalanta ni bagyong Egay sa Northern at Central Luzon

Magpapaabot na rin ng tulong ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa mga sinalanta ni bagyong Egay sa Northern at Central Luzon. Ayon sa LGU, magdo-donate ito ng P13,450,000 sa anyo ng cash at in-kind sa piling lalawigan, siyudad at munisipalidad. Kabilang sa mga lugar na mabibigyan ng tulong ang Abra, Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur,… Continue reading Valenzuela LGU, magpapadala ng tulong sa mga sinalanta ni bagyong Egay sa Northern at Central Luzon

500 dating violent extremists sa Sulu, pinagkalooban ng socio-economic aid ng DSWD

May 500 dating violent extremists o combatants sa Sulo ang binigyan ng socio-economic aid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Mismong si DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan Tanjusay, ang nanguna sa pamamahagi ng cash assistance at welfare goods sa  isinagawang Peace Caravan sa Maimbung, Jolo. Sila ang mga dating… Continue reading 500 dating violent extremists sa Sulu, pinagkalooban ng socio-economic aid ng DSWD

Bilang ng namatay sa leptospirosis sa Quezon City, nadagdagan pa

Nasa sampu (10) na ang namatay sa sakit na leptospirosis sa lungsod Quezon. Sa tala ng Quezon City Epidemiology Disease and Surviellance Unit, apat (4) sa mga namatay ay mula sa barangay Sauyo, Culiat, Pasong Tamo at Talipapa sa District 6. Tatlo (3) naman sa District 2, dalawa (2) sa barangay Batasan at isa (1)… Continue reading Bilang ng namatay sa leptospirosis sa Quezon City, nadagdagan pa