DSWD Sec. Gatchalian, iniutos ang pagpapadala ng 55,000 relief packs sa Western Visayas

Dahil sa malawakang pagbaha na nakakaapekto ngayon sa Western Visayas Region, iniutos na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian ang agarang pagpapadala ng 55,000 family food packs (FFPs) sa iba’t ibang warehouses sa Region 6. Partikular na inatasan ng kalihim ang Disaster Response and Management Group (DRMG) na agad tapusin ang… Continue reading DSWD Sec. Gatchalian, iniutos ang pagpapadala ng 55,000 relief packs sa Western Visayas

DepEd, pinanindigan ang pangangailangan sa confidential fund

Nanindigan si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na kailangan ng education department ang confidential fund. Sa pagsalang ng P756 billion budget ng DepEd, natanong ni Albay Representative Edcel Lagman kung bukas ba si Duterte na boluntaryong bawiin ang itinutulak na confidential funds. Sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP),… Continue reading DepEd, pinanindigan ang pangangailangan sa confidential fund

Special Election sa ikatlong distrito ng Negros Oriental, itinakda sa ika-9 ng Disyembre

Nagtakda na ang Commission on Election ng araw para sa Special Election sa 3rd District ng Negros Oriental. Ito’y matapos ideklara ng House of Representatives na bakante ang position ng Kinatawan sa naturang distrito matapos patalsikin bilang kongresista si Arnulfo Teves. Ayon kay Chairman George Erwin Garcia, sa December 9, 2023 ang itinakda nilang araw… Continue reading Special Election sa ikatlong distrito ng Negros Oriental, itinakda sa ika-9 ng Disyembre

DOTr, hinikayat ang mga kumpanya sa Japan na sumali sa bidding ng iba’t ibang PPPs sa railway at aviation sector ng bansa

Sa isinagawang Philippine Investment Opportunities forum sa Tokyo, hinikayat ng Department of Transportation (DOTr) ang mga kumpanya sa Japan na sumali sa bidding ng ahensya para sa iba’t ibang public-private partnership projects (PPPs) sa railway at aviation sector ng bansa. Sa naturang forum, ibinida ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang tatlong proyekto na bubuksan para… Continue reading DOTr, hinikayat ang mga kumpanya sa Japan na sumali sa bidding ng iba’t ibang PPPs sa railway at aviation sector ng bansa

Pagkakakumpiska ng P13-M halaga ng droga sa Surigao, pinuri ng PNP chief

Pinuri ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga operatiba na nagsagawa ng matagumpay na operation sa Surigao City kahapon kung saan nakuha mula sa tatlong arestadong suspek ang mahigit 13 milyong pisong halaga ng shabu. Ang buy-bust operation sa compound ng Philippine Ports Authority sa Brgy. Lipata ay isinagawa ng mga tauhan… Continue reading Pagkakakumpiska ng P13-M halaga ng droga sa Surigao, pinuri ng PNP chief

Mga naghahain ng kandidatura sa EMBO barangays, dumami

Tuloy-tuloy ang paghahain ng kandidatura ng mga nagnanais magsilbi sa mga bagong Barangay ng Taguig City ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ito ay matapos mapasakamay ng lungsod ang pangangasiwa sa 10 Enlisted Men’s Barrio (EMBO) Barangay mula sa Makati City, sa bisa ng naging desisyon ng Korte Suprema. Pero ayon kay Taguig City… Continue reading Mga naghahain ng kandidatura sa EMBO barangays, dumami

Davao City Police Office nagtala ng dalawang paglabag sa COMELEC gun ban sa ikalawang araw ng election period

Nagtala ng dalawang paglabag sa Commission on Elections (Comelec) Gun Ban ang Davao City Police Office (DCPO) sa ikalawang araw (Agosto 29, 2023) ng pagpapatupad nito sa Davao City. Sa report ng DCPO, unang naaresto si Christopher Hintonoro, 34 anyos na residente ng Barangay Talomo River, Calinan District. Base sa imbestigasyon, bandang alas-9:00 ng gabi… Continue reading Davao City Police Office nagtala ng dalawang paglabag sa COMELEC gun ban sa ikalawang araw ng election period

BOC, agad na tumugon sa kautusan ng Pangulo na habulin ang mga hoarder ng bigas

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Bureau of Customs sa pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpatuloy ang ginagawa nitong raid sa mga warehouse ng bigas sa bansa. Muli na naman kasing nagsagawa ng raid ang customs ngayong umaga sa Bocaue at Balagtas, Bulacan kung saan sinamahan ang mga ito nina House… Continue reading BOC, agad na tumugon sa kautusan ng Pangulo na habulin ang mga hoarder ng bigas

Speaker Romualdez, nakikiisa sa pagluluksa ng media industry sa pagpanaw ng mamamahayag na si Mike Enriquez

Ilang mambabatas ang nagpaabot ng pakikidalamhati sa pagpnaw ng batikang broadcaster na si Mike Enriquez. Sa pahayag ni House Speaker Martin Romualdez, ipinaabot nito ang pakikiramay sa naiwang pamilya, kaibigan at katrabaho ng namayapang mamamahayag. Aniya, malaking kawalan ang pagkawala ni Enriquez hindi lamang sa kaniyang media network na GMA 7 ngunit sa buong industriya.… Continue reading Speaker Romualdez, nakikiisa sa pagluluksa ng media industry sa pagpanaw ng mamamahayag na si Mike Enriquez

MMDA at La Salle Green Hills, nagpulong para mas maging maayos ang trapiko sa paligid ng paaralan

Nagpulong ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at La Salle Green Hills. Ito ay upang talakayin kung paano mas magiging maayos ang daloy ng mga sasakyan sa paligid ng paaralan ngayong balik-eskwela na ang mga mag-aaral. Matatandaang isang SUV driver ang nag-iwan at nagparada ng kaniyang sasakyan sa gitna ng kalsada sa harap… Continue reading MMDA at La Salle Green Hills, nagpulong para mas maging maayos ang trapiko sa paligid ng paaralan