Natagpuang bangkay sa Amulung, Cagayan, nakuha na ng kaniyang pamilya

Nakilala na ang lalaking natagpuang wala nang buhay sa Ilog-Cagayan sa bahagi ng steel bridge sa Amulung, Cagayan kaninang umaga. Ayon kay PCpl. Julieto Mora, imbestigador ng Amulung Police Station, kinumpirma mismo ng asawa ng biktima na ang narekober na bangkay ay si Leomar Fenix, 35 taong gulang, na taga-Sta. Isabel Sur, sa siyudad ng… Continue reading Natagpuang bangkay sa Amulung, Cagayan, nakuha na ng kaniyang pamilya

5-Minute Fire Response, target ng BFP-NCR sa pagresponde sa mga sunog sa Metro Manila

Ipinagdiwang sa Kampo Crame ngayong araw ng Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR) ang kanilang ika-32 anibersaryo. Dito, inihayag ni BFP-NCR Director, Fire Chief Superintendent Nahum Tarroza ang kanilang planong magpatupad ng 5-minute fire response sa tuwing makapagtatala sila ng insidente ng sunog sa Metro Manila. Gayunman, sinabi ni Tarroza, na makakamit… Continue reading 5-Minute Fire Response, target ng BFP-NCR sa pagresponde sa mga sunog sa Metro Manila

Amyenda sa panukalang “Philippine National Nuclear Energy Safety Act”, inaprubahan ng joint house panel

Inaprubahan ng Joint House Committee on Energy and Nuclear Energy ang panukalang amyenda sa panukalang “Philippine National Nuclear Energy Safety Act”. Sa isinagawang pagdinig ng joint panel, tinalakay ng mga mambabatas ang pinapanukalang amyenda sa section 8 ng House Bill 8218. Ito ay ang pansamantalang koleksyon ng “universal charge”, across the board. Ibig sabihin, madadagdagan… Continue reading Amyenda sa panukalang “Philippine National Nuclear Energy Safety Act”, inaprubahan ng joint house panel

First Lady Liza Araneta-Marcos, dumalo sa ika-127 anibersaryo ng Araw ng Pinaglabanan sa San Juan City

Dumalo si First Lady Louise o “Liza” Araneta – Marcos para pangunahan ang pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Pinaglabanan sa Lungsod ng San Juan ngayong araw. Bahagi ng pagdiriwang ang flag raising ceremony at pag-aalay ng bulaklak sa dambana ng Pinaglabanan bilang pag-alala naman sa kabayanihan ng mga Pilipinong lumahok sa Labanan sa San Juan… Continue reading First Lady Liza Araneta-Marcos, dumalo sa ika-127 anibersaryo ng Araw ng Pinaglabanan sa San Juan City

MPD, patuloy ang pag-aresto sa mga lumalabag sa ‘gun ban’

Umabot na sa lima ang naaresto ng MPD sa mga lumalabag sa COMELEC Gun Ban. Ayon kay MPD Director BGen. Andre Dizon, dalawa sa mga nahuli ay may dalang baril habang tatlo naman ang nakuhanan ng mga patalim. Sinabi ni Dizon na magpapatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng checkpoint hanggang sa matapos ang election period.… Continue reading MPD, patuloy ang pag-aresto sa mga lumalabag sa ‘gun ban’

Courtesy resignation ni QCPD Director Nicolas Torre III, pag-aaralan pa — PNP chief

Nilinaw ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na pag-uusapan muna nila ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr at QC Mayor Joy Belmonte ang courtesy resignation ni Quezon City Police District (QCPD) Director Nicolas Torre III bago tanggapin. Ang paglilinaw ay ginawa ni Gen. Acorda matapos sabihin ni BGen. Torre na nagkausap na sila… Continue reading Courtesy resignation ni QCPD Director Nicolas Torre III, pag-aaralan pa — PNP chief

Speaker Romualdez, may panibagong babala sa mga mapagsamantalang importer at trader ng bigas

Panibagong paalala ang iniwan ni House Speaker Martin Romualdez sa mga importer at trader ng bigas matapos muling magsagawa ng inspeksyon sa warehouse ng bigas sa Bulacan kasama ang Bureau of Customs. Para sa mga importer, gawing tama ang proseso ng importasyon ng bigas at para sa mga trader—huwag nang ipitin sa kanilang mga warehouse… Continue reading Speaker Romualdez, may panibagong babala sa mga mapagsamantalang importer at trader ng bigas

Oil slick sa karagatan ng Batangas, hindi kasing lala ng sa Oriental Mindoro — PCG

Nakitaan ng Philippine Coast Guard ng ‘oil slicks’ ang karagatan ng Calatagan, Batangas. Ito ay bunsod ng ng paglubog ng isang fishing vessel na may dalang 70,000 litro ng marine diesel oil. Ayon kay PCG District Southern Tagalog Commander Geronimo Tuvilla, ang tumagas na langis ay nakita lamang sa “offshore” o sa lugar ng insidente,… Continue reading Oil slick sa karagatan ng Batangas, hindi kasing lala ng sa Oriental Mindoro — PCG

Mga nakapagsumite ng COC para sa BSKE 2023, mahigit kalahating milyon na

Pumalo na sa mahigit kalahating milyon o 530,449 ang kabuuang bilang ng mga nagsumite ng kanilang mga Certificate of Candidacy para sa BSKE 2023. Base sa pinakahuling datos ng Commission on Elections o ang 2-day report nito, 331,181 ang nagsumite para sa Sangguniang Barangay kung saan 41,000 mahigit ang mga nagnanais maging punong barangay habang… Continue reading Mga nakapagsumite ng COC para sa BSKE 2023, mahigit kalahating milyon na

MMDA, muling hihingi ng tulong sa SolGen upang ma-justify sa korte ang pagpapatupad ng NCAP

Aminado ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na malaking bagay kung maipatutupad ang No Contact Apprehension Policy o NCAP. Ito’y ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes ay lalo pa’t mahigpit nilang binabantayan ang mga designated bicycle lane sa EDSA. Ayon kay Artes, kulang ang kanilang mga tauhan para bantayan ang lahat ng… Continue reading MMDA, muling hihingi ng tulong sa SolGen upang ma-justify sa korte ang pagpapatupad ng NCAP