PRC, tumulong na maisaayos ang mga paaralan na napinsala ng Bagyong Egay sa Cagayan

Kabilang sa mga matinding nakaranas ng epekto ng Bagyong Egay ang Calayan Island sa Cagayan kung saan ilang mga paaaralan ang napinsala. Kaugnay nito ay agad na nagpadala ang Philippine Red Cross o PRC ng mahigit 600 na piraso ng bubong para maisaayos ang mga nasirang paaralan. Kabilang sa mga nabigyan ng tulong ang Babuyan… Continue reading PRC, tumulong na maisaayos ang mga paaralan na napinsala ng Bagyong Egay sa Cagayan

₱1.7-B na pondo ng PCO sa susunod na taon tinalakay; IBC 13 humingi ng pondo pambayad sa retirement benefits ng mga empleyado

Kabuuang ₱1.79-billion ang panukalang pondo ng Presidential Communications Office (PCO) at attached agencies nito para sa susunod na taon. Mismong si Communications Secretary Cheloy Velicario-Garafil ang humarap sa House Committee on Appropriations para ilatag ang paggagamitan ng pondo ng ahensya. Ang mga government-owned and controlled corporation (GOCC) sa ilalim ng ahensya na People’s Television Network… Continue reading ₱1.7-B na pondo ng PCO sa susunod na taon tinalakay; IBC 13 humingi ng pondo pambayad sa retirement benefits ng mga empleyado

Higit 2 milyong ektarya ng lupang sakahan, posibleng tamaan ng bagyong Goring — DA

Pinangangambahan ng Department of Agriculture (DA) na umabot sa higit 2.1-milyong ektarya ng agricultural areas ang maapektuhan ng paghagupit ng bagyong Goring. Sa datos mula sa DA DRRM Operations Center, nasa 1.6 milyong ektarya ng palayan at 548,399 ektarya ng maisam ang posibleng maapektuhan ng kalamidad. Kabilang sa tinututukan ng DA ang mga lupang sakahan… Continue reading Higit 2 milyong ektarya ng lupang sakahan, posibleng tamaan ng bagyong Goring — DA

Ilang residente sa San Juan City, tiwalang mapapababa pa ang presyo ng bigas

Kumpiyansa ang ilang mga mamimili sa San Juan City na maaawat pa ng pamahalaan ang pagtaas ng presyo ng bigas sa mga pamilihan. Ito’y makaraang atasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang iba’t ibang kinauukulang ahensya ng pamahalaan na suportahan ang mga magsasaka at trader ng bigas. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipnas sa Agora… Continue reading Ilang residente sa San Juan City, tiwalang mapapababa pa ang presyo ng bigas

Ilang kalsada sa Luzon, lubhang nasira dahil sa hagupit ng bagyong Goring

Aabot sa siyam na kalsada sa Luzon ang hindi halos madaanan ng motorista dahil sa pananalasa ng bagyong Goring. Ayon sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), naitala ang mga nasirang kalsada sa Cordillera Administrative Region, Regions 1, 2, at 6. Sa huling tala ng DPWH, lubog pa rin sa baha ang… Continue reading Ilang kalsada sa Luzon, lubhang nasira dahil sa hagupit ng bagyong Goring

Isa, naiulat na nawawala sa bagyong Goring — NDRRMC

Isa ang naiulat na nawawala sa bagyong Goring, batay sa situation report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga. Nagmula sa Western Visayas ang nawawalang indibidwal. Wala pa namang naitatalang nasawi o nasaktan sa bagyo na huling iniulat na nasa karagatan ng Sabtang, Batanes. Habang umakyat na 56,410 pamilya o 196,926… Continue reading Isa, naiulat na nawawala sa bagyong Goring — NDRRMC

Waste-free election, panawagan ng Ban Toxics sa mga kakandidato sa BSKE

Umaapela ngayon ang Toxics watchdog BAN Toxics sa lahat ng mga kandidato sa Barangay at SK Elections na maging responsable at iwasan ang pagkakalat ng plastic waste ngayong halalan. Ayon kay Rey San Juan, executive director ng BAN Toxics, umaasa itong magiging ehemplo ang mga aspiring na Barangay at SK officials sa pagtutulak ng isang… Continue reading Waste-free election, panawagan ng Ban Toxics sa mga kakandidato sa BSKE

Trabaho Para sa Bayan Act, maiaakyat na sa tanggapan ng Pangulo

Maaari nang maiakyat sa Tanggapan ng Pangulo para malagdaan ang panukalang Trabaho Para sa Bayan (TPB) Plan. Ito’y matapos i-adopt ng Kamara ang bersyon ng Senado para sa panukala na isang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) Priority Measure. Ang TPB ang magiging employment generation and recovery master plan ng gobyerno sa susunod na 10 taon.… Continue reading Trabaho Para sa Bayan Act, maiaakyat na sa tanggapan ng Pangulo

DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱1.9-M ayuda sa mga apektado ng bagyong Goring

Tuloy-tuloy na ang relief efforts ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng habagat na pinaigting ng bagyong Goring. Ayon sa DSWD, aabot na sa ₱1.9-milyong halaga ng humanitarian assistance ang nailaan ng ahensya sa mga lalawigang naapektuhan ng mga pag-ulan at pagbaha. Kabilang rito ang mga apektado sa Calabarzon,… Continue reading DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱1.9-M ayuda sa mga apektado ng bagyong Goring

QCPD director, nagbitiw sa pwesto

Nagbitiw na sa pwesto si Quezon City Police District (QCPD) Director Police Brig. General Nicolas Torre III. Ayon kay Torre, nakausap na niya si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. at tinanggap naman nito ang kanyang pagbibitiw. Ito’y kaugnay ng nangyaring mistulang pagbibigay ng QCPD ng “special treatment” sa dating pulis na si Wilfredo… Continue reading QCPD director, nagbitiw sa pwesto