PNR South Long-Haul project, itutuloy pa rin

Siniguro ni Appropriations Committee Senior Vice Chair Stella Quimbo na magpapatuloy pa rin ang PNR South Long-Haul project. Sa pagsalang ng plenary deliberation ng 2024 General Appropriations Bill, nausisa ni Camarines Sur Representative Gabriel Bordado kung ano na ang status ng railway project pa-Bicol. Aniya, 2018 pa lang kasi ay nagsasagawa na ng feasibility studies… Continue reading PNR South Long-Haul project, itutuloy pa rin

Caloocan LGU, may alok na libreng cervical cancer screening sa mga kababaihan ngayong buwan Setyembre

Magbibigay ng libreng cervical cancer screening at detection tests ang lahat ng city health centers ng Caloocan City Health Department sa buong buwan ng Setyembre. Ang alok na ito ng City government ay itinaon sa pagsisimula ng Cervical Cancer Awareness Month ngayong buwan. Hinikayat ni City Mayor Dale Gonzalo Malapitan ang mga kababaihan na samantalahin… Continue reading Caloocan LGU, may alok na libreng cervical cancer screening sa mga kababaihan ngayong buwan Setyembre

P20 na presyo ng kada kilo ng bigas, kaya kapag may subsidiya ng gobyerno – Masagana Rice Industry Development Program

Inihayag ng Masagana Rice Industry Development Program ng pamahalaaan na kayang ibaba sa P20 ang presyo ng bawat kilo ng bigas sa merkado. Sa isang press conference kaugnay ng ika-16 na National Rice Technology Forum nitong Martes sa Davao del Sur, pinaliwanag ni Focal Person on Productivity Enhancement Dr. Frisco Malabanan na maabot ito kapag… Continue reading P20 na presyo ng kada kilo ng bigas, kaya kapag may subsidiya ng gobyerno – Masagana Rice Industry Development Program

PNP Generals, nanumpa sa Malacañang ngayong hapon (September 19); PBBM, hinamon ang mga heneral na magsilbing simula ng pagbabago

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga bagong panumpang heneral ng Philippine National Police (PNP) na maging inspirasyon sa kanilang hanay, magsimula at magsulong ng pagbabagong minimithi ng pamahalaan para sa Pilipinas. “I expect you to always lead by example and ensure that every officer and every personnel under your command adheres to… Continue reading PNP Generals, nanumpa sa Malacañang ngayong hapon (September 19); PBBM, hinamon ang mga heneral na magsilbing simula ng pagbabago

Senador Tolentino, handang tumulong sa mga maghahain ng reklamo laban sa paninira ng Chinese vessels sa mga bahura sa WPS

Bukas si Senador Francis Tolentino na maging co-petitioner sakaling may magsulong ng reklamo sa international court kaugnay ng ginawang pagsira ng mga Chinese militia vessel sa mga bahura sa Rozul Reef at Escoda Shoal sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Tolentino handa siyang tumulong basta’t hindi ito in conflict sa mga ginagawa niya sa… Continue reading Senador Tolentino, handang tumulong sa mga maghahain ng reklamo laban sa paninira ng Chinese vessels sa mga bahura sa WPS

1 Sundalo patay at 1 pa ang sugatan, sa bakbakan ng militar at NPA Labunao, Iloilo

Patay ang isang sundalo at isa pa ang sugatan sa naganap na engkwentro sa pagitan ng 82nd Infantry Battalion Philippine Army at New People’s Army (NPA) sa Sitio Agdalusan, Brgy. Jayobo, Lambunao, Iloilo. Ayon kay 301st Brigade Commander Michael Samson, nakatanggap ng impormasyon ang militar na may presensya ng rebelde sa lugar. Ito ay dahil… Continue reading 1 Sundalo patay at 1 pa ang sugatan, sa bakbakan ng militar at NPA Labunao, Iloilo

Philippine Red Cross, naghatid ng serbisyong medikal sa mga dumalo sa Peñafrancia Festival sa Naga City

Nagbigay ng serbisyong medikal ang Philippine Red Cross Emergency Medical Services Unit sa mga dumalo sa Peñafrancia Festival sa Naga City. Mahigit 1,000 pasyente ang nabigyan ng tulong ng PRC Emergency Medical Services Unit sa naturang pagdiriwang matapos na mahirapang huminga, mahilo, sumakit ang ulo, at ibang pang karamdaman. Ayon kay PRC Chairman at CEO… Continue reading Philippine Red Cross, naghatid ng serbisyong medikal sa mga dumalo sa Peñafrancia Festival sa Naga City

Metro Manila Council at matataas na opisyal ng PNP, nagpulong bilang paghahanda sa Barangay at SK Elections

Puspusan na ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan at ng Philippine National Police (PNP) para sa idadaos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Kaugnay nito ay nagpulong sina Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora, PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, NCRPO Chief Gen. Melencio Nartatez Jr., mga opisyal ng NCRPO,… Continue reading Metro Manila Council at matataas na opisyal ng PNP, nagpulong bilang paghahanda sa Barangay at SK Elections

30 ARBs sa Calasiao, Pangasinan, makikinabang sa ‘Farm Business School Project’ ng DAR

Umaabot sa 30 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa bayan ng Calasiao, Pangasinan ang posibleng makinabang sa programa ng Department of Agrarian Reform (DAR) na Farm Business School (FBS) Project. Layunin ng programa na makapag-alok ng training program sa mga magsasaka upang matulungan na sila ay maging matagumpay na mga entrepreneurs o business owners. Ginawa ang… Continue reading 30 ARBs sa Calasiao, Pangasinan, makikinabang sa ‘Farm Business School Project’ ng DAR

DMW, private at foreign recruitment agencies, nagpulong ukol sa full implementation ng OFW Pass

Nagpulong ang Department of Migrant Workers (DMW) kasama ang private recruitment agencies at foreign recruitment agencies. Pinangunahan ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac ang pulong, kasama ang iba pang kawani ng ahensya at mga kinatawan ng recruitment agencies. Kabilang sa mga natalakay sa pulong ang update sa pilot testing ng OFW Pass at ang napipintong… Continue reading DMW, private at foreign recruitment agencies, nagpulong ukol sa full implementation ng OFW Pass