Lungsod ng Las Piñas, naglabas na ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas hinggil sa ikakasang transport strike bukas

Naglabas na ng suspensyon ang Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas sa lahat ng Antas ng Klase mapa pribado o pampublikong paaralan hinggil sa ikakasang transport strike bukas. Ayon sa lokal na pamahalaan na magpapatupad muna bukas ng synchronous online learning para sa ilang mga aktibidad pam paaralan ng mga estudyante. Kaugnay nito, maghahatid naman… Continue reading Lungsod ng Las Piñas, naglabas na ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas hinggil sa ikakasang transport strike bukas

Kamara, nanindigan na wala nang pork barrel

Nanindigan ang miyembro ng Kamara de Representantes na walang pork barrel ang Kapulungan. Tugon ito ng political party leaders ng Kamara sa pahayag ni dating Pang. Rodrigo Duterte na pinakatiwaling institusyon ang Mababang Kapulungan dahil sa pork barrel. Kaya marapat lamang na silipin ng Commission on Audit (COA) ang paggasta nito ng pondo. Sa joint… Continue reading Kamara, nanindigan na wala nang pork barrel

DOT, kinilala ang ESL bilang mahalagang bahagi ng industriya ng turismo sa Pilipinas

Naging makabuluhan ang isinagawang pulong ni Department of Tourism (DOT) Sec. Christina Garcia Frasco sa mga dayuhang stakeholder ng turismo sa Cebu City kung saan kanilang natalakay ang mga hamon at oportunidad ng English as a Second Language (ESL) sa Pilipinas. Ang nasabing pulong ay bahagi ng listening tours ng kalihim, na layuning makakuha ng… Continue reading DOT, kinilala ang ESL bilang mahalagang bahagi ng industriya ng turismo sa Pilipinas

Paglilinis sa public cemeteries sa Caloocan City, sinimulan na para sa paghahanda ng Undas 2023

Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang paghahanda para sa Undas ngayong taon. Ayon sa LGU, lahat ng public cemeteries ay sumailalim na sa cleaning operations ng City Environmental Management Department (CEMD) at Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD). Sa ngayon, nasa mahigit 70 porsyento ng lahat ng public cemeteries ang tapos nang… Continue reading Paglilinis sa public cemeteries sa Caloocan City, sinimulan na para sa paghahanda ng Undas 2023

Latin Patriach ng Jerusalem umapela ng panalangin para sa kapayapaan sa Holy Land; Simbahang Katoliko, nananawagan ng panalangin

Sa gitna ng krisis na kinahaharap ng Israel dahil conflict na nararanasan sa Israel, nananawagan ang Latin Patriarch ng Jerusalem, si His Eminence Pierbattista Cardinal Pizzaballa, ng panalangin at sakripisyo para sa kapayapaan at pagkakasundo para sa Holy Land. Kaya naman sa isang liham, inanyayahan ni Fr. Carmelo Arada Jr., Vice Chancellor ng Archdiocese of… Continue reading Latin Patriach ng Jerusalem umapela ng panalangin para sa kapayapaan sa Holy Land; Simbahang Katoliko, nananawagan ng panalangin

Gaza isinailalim na sa Alert Level 4 o Mandatory Repatriation ayon sa DFA

Isinailalim na ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang Gaza sa Alert Level 4 o Mandatory Repatriation dahil sa kasalukuyang kaguluhan doon. Ibig sabihin nito, kailangan nang umalis ng Gaza ang lahat ng mga Pilipino na nandoon. Sa ngayon, nakapag-account na ang Philippine Government ng 131 na Pilipino sa Gaza, at hindi bababa sa… Continue reading Gaza isinailalim na sa Alert Level 4 o Mandatory Repatriation ayon sa DFA

Peoples Caravan ng NHA sa Zamboanga City, dinagsa ng tao

Humigit-kumulang 2,000 benepisyaryo ang lumahok sa People’s Caravan na inorganisa ng National Housing Authority (NHA) sa Zamboanga City. Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, inilapit ng ahensya ang iba’t ibang serbisyo ng gobyerno sa mga tao sa isang lugar bukod sa pagbibigay ng mga bahay. Kabilang sa kalahok ang Department of Agriculture, bitbit ang… Continue reading Peoples Caravan ng NHA sa Zamboanga City, dinagsa ng tao

Political leaders sa Kamara, umapela kay dating Pang. Duterte na huwag pagbantaan ang sinomang miyembro ng Kapulungan

Hiniling ng mga lider ng partido politikal sa Kamara kay dating Pang. Rodrigo Duterte na huwag naman pagbantaan ang miyembro ng Kapulungan. Sa isang joint statement, apela ng mga political leader sa dating pangulo at iba pang partido na iwasan ang pagbabanta o pagnanais ng masama sa sino mang House member o sa buong institusyon.… Continue reading Political leaders sa Kamara, umapela kay dating Pang. Duterte na huwag pagbantaan ang sinomang miyembro ng Kapulungan

Official website ng Kamara, na-hack

Kinumpirma ng Office of the House Secretary General na na-hack ang official website ng House of Representatives. Pasado alas-11:00 ng umaga nang ma-hack ang HREP website kung saan may mensaheng nakalagay na “Happy April Fullz, kahit October palang! Fix your website.” Ayon kay House Sec. Gen. Reginald Velasco, agad inaksyunan ng Kamara ang isyu at… Continue reading Official website ng Kamara, na-hack

Mga lokal na opisyal ng gobyerno sa Pangasinan, nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ng OFW na pinatay sa Saudi Arabia

Bumuhos ang pakikiramay sa mga naulila at naiwan ni Marjorette Garcia, ang OFW na karumal-dumal na pinatay ng kanyang kasamahan sa trabaho sa Saudi Arabia. Dumagsa ang mga opisyal ng gobyerno upang bigyang pugay ang sakripisyong ipinamalas ni Marjorette sa kanyang pamilya sa ginanap na Hero’s Welcome kahapon, ika-14 Oktubre 2023. Dumalo ang mga lokal… Continue reading Mga lokal na opisyal ng gobyerno sa Pangasinan, nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ng OFW na pinatay sa Saudi Arabia