Caloocan LGU, nagpaabot ng tulong sa pamilya ng batang nahulog sa imburnal

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng Caloocan City Local Government sa pamilya ng tatlong taong gulang na batang nasawi matapos aksidenteng mahulog sa imburnal nitong Sabado. Bumisita na ang mga kawani ng Caloocan City Social Welfare and Development Department (CSWDD) sa pamilya ng bata sa Brgy. 176 kung saan nagpaabot ito ng pakikiramay gayundin ng… Continue reading Caloocan LGU, nagpaabot ng tulong sa pamilya ng batang nahulog sa imburnal

DOST Sec. Solidum, ipinaliwanag ang GeoRiskPH

Ipinaliwanag ni DOST Sec. Renato Solidum ang GeoRiskPH na inisyatibo ng gobyerno. Aniya, isa itong information and communications technology platform na pamumunuhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sinabi ng kalihim na ang GeoRiskPH ay sentro ng mga impormasyon sa mga nasisira dahil sa kalamidad. Dito ay mapag-aaralan ang mga datos gamit ang… Continue reading DOST Sec. Solidum, ipinaliwanag ang GeoRiskPH

Biyahe ng mga sasakyan sa gitna ng isinagawang transport strike, normal sa pangkalahatan -DILG

Itinuring ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na normal ang sitwasyon sa Metro Manila sa gitna ng transport strike na isinagawa ng grupong MANIBELA. Batay sa assessment mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinabi ni Abalos na ang epekto ng transport strike ay hindi naman gaano nakaapekto sa commuters. Ito aniya, ay dahil sa… Continue reading Biyahe ng mga sasakyan sa gitna ng isinagawang transport strike, normal sa pangkalahatan -DILG

DTI at isang lending company, nagkasundo para sa pagsusulong ng zero interest rate sa MSMEs sa Halal industry sa bansa

Lumagda ng isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang kumpanyang DK P.O. Fulfillment Company, Inc. Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, layon ng naturang MOU na mapalakas pa ang Halal industry sa bansa sa pamamagitan ng isang lending company na DK P.O Fulfillment Company Inc., na maghahatid ng… Continue reading DTI at isang lending company, nagkasundo para sa pagsusulong ng zero interest rate sa MSMEs sa Halal industry sa bansa

Sen. Bato dela Rosa, kumbinsidong maituturing na kulto ang Socorro Bayanihan Services Inc.

Kumbinsido si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maituturing na kulto ang Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI). Sinabi ito ni Dela Rosa, matapos ang ocular inspection ng pinamumunuan niyang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa Sitio Kapihan, Socorro, Surigao del Norte kung saan naninirahan ang mga miyembro ng grupo. Ayon sa senador,… Continue reading Sen. Bato dela Rosa, kumbinsidong maituturing na kulto ang Socorro Bayanihan Services Inc.

Reclamation projects, kayang mabayaran ang utang ng pamahalaan, ayon sa House Tax Chief

Kung maisasakatuparan ang reclamation projects ng pamahalaan ay magagawa nitong mabayaran ang lahat ng utang ng Pilipinas. Ito ay ayon kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, matapos magkaroon ng pulong kasama ang Philippine Reclamation Authority (PRA). Sa presentasyon ng PRA ng benepisyo ng reclamation projects, sinabi ni Acting GM John Joshua Literal na… Continue reading Reclamation projects, kayang mabayaran ang utang ng pamahalaan, ayon sa House Tax Chief

Sen. Sherwin Gatchalian, hinikayat ang pamahalaan na pabilisin ang transmission facilities para sa offshore wind projects

Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang gobyerno na pabilisin ang pagbuo ng transmission facilities para sa offshore wind (OSW) projects. Ayon sa senador, ito ay para mapataas ang kontribusyon ng renewable energy (RE) sa kabuuang suplay ng enerhiya ng bansa, at iposisyon ang Pilipinas na maging kauna-unahang ekonomiya sa Southeast Asia na may pasilidad ng… Continue reading Sen. Sherwin Gatchalian, hinikayat ang pamahalaan na pabilisin ang transmission facilities para sa offshore wind projects

Mga multinational bank, kumpiyansa sa economic performance ng bansa – Department of Finance

Nagpahayag ng kumpiyansa ang ilang multinational bank sa economic outlook ng Pilipinas. Ito ay matapos ibahagi ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang matatag na macroeconomic fundamentals ng bansa, at ang ginagawa ngayon ng gobyerno upang mas gawing madali ang pagnenegosyo sa Pilipinas sa sidelines ng World Bank-IMF Annual Meeting. Sa naturang pagpupulong, muling kinumpirma ng… Continue reading Mga multinational bank, kumpiyansa sa economic performance ng bansa – Department of Finance

Higit P2.6 million halaga ng marijuana plantation, nadikskubre sa Benguet – PDEA

Sinira at sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang marijuana plantation sa Barangay Tacadang, Benguet. Ayon kay PDEA Director General Moro Vergilio Lazo, humigit-kumulang sa 13,200 puno ng fully grown marijuana plants ang nadiskubre sa lugar na nagkakahalaga ng P2.640 million. May nakuha din ang PDEA na 1,000 piraso ng marijuana seedlings na nagkakahalaga… Continue reading Higit P2.6 million halaga ng marijuana plantation, nadikskubre sa Benguet – PDEA

Tigil pasada ng mga transport group ngayong araw, payapa sa pangkalahatan – PNP

Kung ang Philippine National Police (PNP) ang tatanungin, payapa sa pangkalahatan ang ikinasang tigil-pasada ng ilang grupo ng pang transportasyon, ngayong araw. Ayon kay PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr., may sapat silang assets na nakaantabay sa mga lugar na apektado ng tigil-pasada. Bagaman may ilang ruta ang apektado, sinabi ni Acorda na naging… Continue reading Tigil pasada ng mga transport group ngayong araw, payapa sa pangkalahatan – PNP