Pagtatayo ng limang proyektong pabahay sa Laguna at Quezon, umarangkada na – NHA

Pinangunahan ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang groundbreaking ceremony para sa limang proyektong pabahay ng NHA at Department of Transportation (DOTr) sa mga probinsiya ng Laguna at Quezon. Ang mga proyektong ito ay para sa 3,651 informal settler families na maaapektuhan ng South Long Houl Project- Segment 3 ng Philippine National… Continue reading Pagtatayo ng limang proyektong pabahay sa Laguna at Quezon, umarangkada na – NHA

Presyo ng bigas sa Bontoc, Mountain Province, bahagyang bumaba

Ayon kay Ginang Dominga Nafortek, isang rice retailer sa bayan, ang kada 25 kilo na sako ng special rice ay binibili nila ngayon sa presyong P1,180 hanggang P1,280 mula sa dating presyo na P1, 300 pataas. Subalit, ayon sa kanya at sa iba pang nakapanayam ng Radyo Pilipinas, hindi pa bumabalik sa dati ang presyo… Continue reading Presyo ng bigas sa Bontoc, Mountain Province, bahagyang bumaba

Blended learning program sa first aid training at basic life support, inilunsad ng Philippine Red Cross

Naglunsad ang Philippine Red Cross (PRC) at Red Crescent Societies ng blended learning program kaugnay sa pagbibigay ng First Aid at Basic Life Support, sa PRC Logistics sa Mandaluyong City ngayong araw. Ito ay bahagi ng pinalawig na selebrasyon ng PRC sa World First Aid Day, na ipinagdiriwang tuwing ikalawang Sabado ng Setyembre ng Red… Continue reading Blended learning program sa first aid training at basic life support, inilunsad ng Philippine Red Cross

Mahigit P20M halaga ng shabu, nasabat sa Bacolod City

Mahigit 3 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P20.5 milyones ang nasabat ng City Drug Enforcement Unit sa ikinasang buy-bust operation sa Purok Neptune, Barangay Singcang Airport, Bacolod City. Arestado sa operasyon si Jummel Camento alyas Tata na isang high value target drug personality. Ayon kay Bacolod City Police Office Director P/Col. Noel AliƱo,… Continue reading Mahigit P20M halaga ng shabu, nasabat sa Bacolod City

ERC, ibinasura ang kahilingan ng NGCP na amyendahan ang 2022 Amended Rules for Setting Transmission Wheeling Rates

Ibinasura ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang petisyon na inihain ng National Grid Corporation of the Philippine (NGCP), kaugnay sa pag-amyenda ng 2022 Amended Rules for Setting Transmission Wheeling Rates (Amended RTWR). Sa isang kautusan na inilabas ng ERC, sinabi nito na hindi nito pinayagan ang kahilingan ng NGCP na ang Fourth Regulatory Period ay… Continue reading ERC, ibinasura ang kahilingan ng NGCP na amyendahan ang 2022 Amended Rules for Setting Transmission Wheeling Rates

Mabilis na pag-aksyon para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Gaza, ipinanawagan ni Senador Bong Go

Iginiit ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na ang deklarasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng alert level 4 sa Israel at Gaza, ay dapat na sabayan ng mabilis na pag-aksyon para matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan doon. Ito ay dahil pa rin sa giyera sa pagitan ng Israel at ng Palestinian militant… Continue reading Mabilis na pag-aksyon para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Gaza, ipinanawagan ni Senador Bong Go

10 peliluka sa Metro Manila Film Festival 2023, inilabas na ng MMDA

Inihayag na sa publiko ang 10 pelikula na pasok sa 49th Metro Manila Film Festival. Sa ginanap na pulong balitaan, pinangalanan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga mapapanood na MMFF movies simula sa December 25, 2023 hanggang sa January 7, 2024 sa mga sinehan sa buong bansa. Kabilang sa mga official entry, at… Continue reading 10 peliluka sa Metro Manila Film Festival 2023, inilabas na ng MMDA

Website ng Senado, tinangka ring i-hack

Kinumpirma ng liderato ng Senado na tinangkang i-hack ang website nito noong Linggo o kasabay ng araw na nabiktima ng cyberattack ang website ng Kamara. Sinabi ni Senate Secretary Renato Bantug Jr., nang nalaman nilang na-hack ang website ng Kamara ay agad nilang inalerto ang kanilang information technology (IT) team, at itinuloy-tuloy na ang monitoring.… Continue reading Website ng Senado, tinangka ring i-hack

PNR Laon Laan Station, muling binuksan ngayong araw

Inanunsyo ng Philippine National Railways (PNR) na muling binuksan ang Laon Laan Station ngayong araw. Ito ay matapos na isara at sumailalim sa pagkukumpuni at rehabilitasyon ang nasabing istasyon para sa kaligtasan ng mga pasahero. Ayon sa abiso, muling binuksan kaninang ala-1 ng hapon ang naturang istasyon. Samantala, plano naman ng PNR na isara ang… Continue reading PNR Laon Laan Station, muling binuksan ngayong araw

Application ng DOST, una sa buong mundo bilang automated planning

Isiniwalat ng Department of Science and Technology (DOST) na may ginawang application para sa pagkuha ng database matapos o sa kasagsagan ng kalamidad. Magsisilbi ito upang magkakapareho ang database ng kada lokal na pamahalaan sa bansa. Ayon kay DOST Sec. Renato Solidum Jr., ito ay isang paraan upang magkaroon ng consistency ng mga database ng… Continue reading Application ng DOST, una sa buong mundo bilang automated planning