Proteksyon ng West Philippine Sea, mahalaga para masiguro ang food security ng bansa

Binigyang diin ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang kahalagahan na protektahan ang West Philippine Sea (WPS) dahil direkta itong makakaapekto sa food security ng bansa. Aniya, hindi lang ang freedom of navigation ang dapat protektahan ngunit maging ang ecosystem ng buong WPS para maiwasang masira ang marine biosphere doon. Dagdag pa ng mambabatas, na… Continue reading Proteksyon ng West Philippine Sea, mahalaga para masiguro ang food security ng bansa

SSS, nakipagkasundo sa Quirino Memorial Medical Center bilang bagong KaSSSangga Collect Partner

Magiging partner na ng Social Security System (SSS) ang Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sa pagpapatupad ng KaSSSangga Collect Program (KCP). Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan na ng SSS at QMMC para sa programa. Sa pamamagitan nito, magiging self-employed members na ng SSS ang 200 job order at contract of service workers gayundin… Continue reading SSS, nakipagkasundo sa Quirino Memorial Medical Center bilang bagong KaSSSangga Collect Partner

Sen. Robin Padilla, iminungkahing bumili ang bansa ng Amphibious Aircraft para sa mga resupply mission sa WPS

Isinusulong ni Senador Robin Padilla na bumili ang Pilipinas ng multipurpose amphibious aircraft (MPAA) para sa Philippine Navy. Ito ayon kay Padilla ay para maiwasan nang maulit ang tensyon na dulot ngmga insidemte sa pagitan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Padilla, malaki ang maitutulong ng MPAA sa mga misyon… Continue reading Sen. Robin Padilla, iminungkahing bumili ang bansa ng Amphibious Aircraft para sa mga resupply mission sa WPS

Pag-apruba sa 2nd reading ng Senado sa pagratipika ng Philippines-Brunei Double Taxation Avoidance Agreement (DTAA), welcome sa DOF

Welcome sa Department of Finance (DOF) ang pag-apruba sa 2nd reading ng Senado sa pagratipika ng Proposed Senate Resolution No. 790 o ang Agreement between the Philippines and Brunei Darussalam on Double Taxation. Ang naturang resolution ay ini-sponsor ni Senator Imee Marcos na siyang chair ng Committee on Foreign Relations. Ayon sa DOF, ang pagratipika… Continue reading Pag-apruba sa 2nd reading ng Senado sa pagratipika ng Philippines-Brunei Double Taxation Avoidance Agreement (DTAA), welcome sa DOF

MMDA, walang babaguhin sa latag ng paghahanda hinggil sa naka-ambang tigil-pasada bukas

Muling tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na walang pasaherong maii-stranded sa kasagsagan ng panibagong tigil-pasada ng mga grupong PISTON at MANIBELA bukas at sa Biyernes. Ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, pinulong na ng tanggapan ng Executive Secretary ang Inter-Agency Council na siyang tututok sa epektong dulot nito sa mga pasahero.… Continue reading MMDA, walang babaguhin sa latag ng paghahanda hinggil sa naka-ambang tigil-pasada bukas

18 Pilipinong naipit sa gulo sa Lebanon, nakauwi na sa bansa ngayong araw

Nakabalik na sa Pilipinas ngayong araw ang nasa 18 Pilipino na naipit sa gulo sa pagitan ng Israeli Forces at ng Lebanese Militant Group na Hezbollah. Sakay ang mga naturang Pilipino ng Qatar Airways flight QR932 mula sa Doha na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kaninang alas-4:11 ng hapon. Sinalubong sila… Continue reading 18 Pilipinong naipit sa gulo sa Lebanon, nakauwi na sa bansa ngayong araw

DA, pinasimulan na ang P2.43-B Bulacan irrigation project

Sinimulan na ng Department of Agriculture ang Php2.43bilyong irrigation project sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan. Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang ground breaking ceremony sa Small Reservoir Irrigation Project (SRIP) sa Brgy. Bayabas sa nasabing bayan. Kasabay nito pinasinayaan din ng DA ang Php1.28 bilyong Balbalungao SRIP sa Lupao, Nueva Ecija, at… Continue reading DA, pinasimulan na ang P2.43-B Bulacan irrigation project

Pagpapatibay ng Senado sa ILO convetion, hakbang sa mas ligtas na workplace para sa OFWs — DMW

Ikinatuwa ng Department of Migrant Workers (DMW) ang ginawang pagpapatibay ng Senado sa International Labour Origanization (ILO) Convention 190. Ito’y may kaugnayan sa pagbibigay ng mas ligtas na workspace para sa Overseas Filipino Workers (OFWs). Ayon kay Migrant Workers Officer-In-Charge, Senior Undersecretary Hans Leo Cacdac, hudyat na ito na mailalayo na sa tiyak na peligro… Continue reading Pagpapatibay ng Senado sa ILO convetion, hakbang sa mas ligtas na workplace para sa OFWs — DMW

Lanao del Norte solon, pinaiimbestigahan sa Kamara ang naganap na pagsabog sa Mindanao State University sa Marawi

Naghain ng resolusyon si Lanao del Norte 1st district Rep. Khalid Dimaporo para paimbestigahan ang nangyaring pagsabog sa Dimaporo Stadium sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi. Sa kaniyang House Resolution 1508, inaatasan ang angkop na komite para magkasa ng investigation in aid of legislation kaugnay sa insidente ng pambobomba sa MSU. Ipinunto ni Dimaporo… Continue reading Lanao del Norte solon, pinaiimbestigahan sa Kamara ang naganap na pagsabog sa Mindanao State University sa Marawi

Iloilo City, nakapagtala ng pagtaas sa kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Iloilo ngayong holiday season, ayon sa City Health Office (CHO). Ayon kay Dr. Jan Reygine Ansino, Medical Officer ng Iloilo City Epidemiological Surveillance Unit (CESU), umabot na sa 63 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Iloilo City as of December 12. Base sa datos… Continue reading Iloilo City, nakapagtala ng pagtaas sa kaso ng COVID-19