PCIC, may nakahandang P1.8-B na insurance para sa mga magsasaka at mangingisdang maaapektuhan ng El Niño

Siniguro ng Department of Agriculture na mayroong mga nakalatag na tulong ang pamahalaan para sa mga magsasaka at mangingisdang maaapektuhan ng El Niño. Sa briefing na ipinatawag ng House Committee on Agriculture and Food sinabi ni Lorna Belinda Calda, OIC ng Field Programs Operational Planning Division ng DA na isa sa mga intervention ay ang… Continue reading PCIC, may nakahandang P1.8-B na insurance para sa mga magsasaka at mangingisdang maaapektuhan ng El Niño

Fiscal year 2023, matagumpay na natapos ng PRA

Napagtagumpayan ng Philippine Reclamation Authority ang fiscal year 2023. Ito ang ipinagmalaki ng ahensya matapos makapagtala ng P150 bilyon na unaudited asset nito. Ayon sa PRA, nakuha nila ang nasabing asset dahil sa pamumuno nina PRA Chairperson Alex Lopez, PRA General Manager at CEO Cesar Siador Jr. at ang buong board of directors nito. Paliwanag… Continue reading Fiscal year 2023, matagumpay na natapos ng PRA

Budget para sa Health Facilities Enhancement Program, tumaas ngayong taon ayon sa DBM

Alinsunod sa adhikain ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad ng reporma sa sektor ng kalusugan sa bansa, kinumpirma ni Department of Budget and Management Secretary Mina Pangandaman ang pagtaas ng pondong nakalaan para sa pagpapatupad ng Health Facilities Enhancement Program sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act na umabot na sa… Continue reading Budget para sa Health Facilities Enhancement Program, tumaas ngayong taon ayon sa DBM

Pagpapataw ng farm gate price sa mga highly perishable na gulay, itinutulak ng Benguet solon

Inihain ni Benguet Rep. Eric Yap ang House Bill 9889, o panukala na bigyang-kapangyarihan ang Department of Agriculture o DA na magpatakda ng “farm gate prices” para sa mga “highly perishable” na gulay. Tinukoy ni Yap na ngayong Enero ay napaulat na libo-libong repolyo ang ibinebenta sa mga kalsada ng Benguet sa halagang tatlong piso… Continue reading Pagpapataw ng farm gate price sa mga highly perishable na gulay, itinutulak ng Benguet solon

Reserve force ng Philippine Army, halos isang milyon na

Halos isang milyon na ang kabilang sa reserve force ng Philippine Army. Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, target ng Philippine Army na mas lalo pang palakasin ang pwersang ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga karagdagang regional at community defense centers. Sa kasalukuyan aniya ay may mga bagong inorganisang mga grupo at… Continue reading Reserve force ng Philippine Army, halos isang milyon na

Aplikasyon para sa special permit ng mga bibiyaheng bus sa Holy Week, binuksan na ng LTFRB

Tumatanggap na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permit applications para sa mga bus na bibiyahe sa darating na Semana Santa. Ito ay para masigurong may sapat na bilang ng bus sa mga lugar na bultu-bulto ang pasahero. Ayon sa LTFRB, tatagal ang filing ng special permits (SP) hanggang sa March… Continue reading Aplikasyon para sa special permit ng mga bibiyaheng bus sa Holy Week, binuksan na ng LTFRB

San Juan LGU, bukas sa diyalogo matapos mabunyag sa Senado ang umano’y ayuda scam

Nanindigan si San Juan City Mayor Francis Zamora na walang anomalya sa pamamahagi nila ng tulong sa mga mahihirap na residente ng lungsod. Ito ang sagot ng alkalde kasunod ng ginawang pagbubunyag ni Sen. JV Ejercito sa kaniyang privilege speech hinggil sa umano’y ayuda scam. Sa isang pahayag, sinabi ni Mayor Zamora na nakarating na… Continue reading San Juan LGU, bukas sa diyalogo matapos mabunyag sa Senado ang umano’y ayuda scam

Higit P360-M tulong, naipagkaloob ng pamahalaan sa mga magsasakang apektado ng El Niño

Ang pagbibigay ng ayuda sa mga apektado ng El Niño ay alinsunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang “Whole of Government Approach” upang maibsan ang epekto ng matinding tag-tuyot.

Seguridad sa pamilya ni Jemboy Baltazar, tiniyak ng Navotas police

Tiniyak ng Navotas City Police ang patuloy na paghahatid ng seguridad sa pamilya ng napaslang na binatang si Jemboy Baltazar. Ito’y matapos ang inilabas na hatol ng hukom sa limang pulis na sangkot sa pamamaril sa binata dahil sa ‘mistaken identity’. Ayon kay Navotas City Police Station Chief PCol Mario Cortes, batid nito ang pangamba… Continue reading Seguridad sa pamilya ni Jemboy Baltazar, tiniyak ng Navotas police

Matataas na kalibre ng armas nakumpiska ng militar sa serye ng engkwentro sa Negros Occidental

Sa serye ng engkwentro kontra sa New People’s Army sa Negros Occidental, nakumpiska ng 79th Infantry Battalion Philippine Army ang 16 na high-powered firearms mula sa mga rebeldeng komunista. Sa 16 na nakumpiska, 10 ang nakumpiska sa sunod-sunod na engkwentro sa bulubunduking lugar ng Toboso at Escalante City mula Pebrero 21 hanggang 22. Nagsagawa rin… Continue reading Matataas na kalibre ng armas nakumpiska ng militar sa serye ng engkwentro sa Negros Occidental