Dagdag na pondo para sa Lung Center of the Philippines ngayong taon, tiniyak ni Sen. Angara

Siniguro ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara na naglaan ang pamahalaan ng P130 million para sa Lung Center of the Philippines(LCP) sa ilalim ng 2024 national budget. Ginawa ng senador ang pahayag kasabay ng pagdiriwang ng 42nd anniversary ng Lung Center of the Philippines ngayong araw. Sinabi ng mambabatas na ang dagdag na… Continue reading Dagdag na pondo para sa Lung Center of the Philippines ngayong taon, tiniyak ni Sen. Angara

Kumpletong listahan ng mga rutang kakapusin ng jeepney sa Pebrero, pinasasapubliko ni Senadora Poe

Nanawagan si Senate Committee on Public Services Chairperson Sen. Grace Poe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kumpletong listahan ng mga ruta na inaasahang makukulangan ng jeepney simula sa Pebrero 1. Giniit ni Poe na sa halip na pagtuunan ng pansin ang crackdown ng mga unconsolidated na mga jeep, dapat ay iprayoridad… Continue reading Kumpletong listahan ng mga rutang kakapusin ng jeepney sa Pebrero, pinasasapubliko ni Senadora Poe

48 PDLs mula New Bilibid Prisons, nailipat na sa Abuyog Leyte Regional Prison

Nailipat na ang 48 Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Abuyog Leyte Regional Prison mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinpula City. Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Chief Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ang paglilipat ng mga PDL mula sa NBP patungo sa iba’t ibang penal farms sa bansa ay bahagi ng… Continue reading 48 PDLs mula New Bilibid Prisons, nailipat na sa Abuyog Leyte Regional Prison

PCSO, bukas na suriin ng Senado ang proseso ng mga lotto draw

Inihayag ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) na bukas ang kanilang pintuan sa mga miyembro ng Senate Committee on Games and Amusement upang obserbahan at bumuo ng rekomendasyon sa operasyon ng mga lotto draw. Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, kumpiyansa siya sa sistema ng mga lotto draw ng ahensya. Sa isang liham na… Continue reading PCSO, bukas na suriin ng Senado ang proseso ng mga lotto draw

Pamamahagi ng cash assistance sa mga sinalanta ng lindol sa Sarangani, tuloy-tuloy – DSWD

Tuloy pa rin ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan noon ng malakas na magnitude 6.8 na lindol sa Saranggani Province. Sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa SOCCSKSARGEN, partikular na makakatanggap ng tulong ang mga pamilyang nasiraan at nawalan ng bahay. Kabilang sa mga huling binigyan ng tulong… Continue reading Pamamahagi ng cash assistance sa mga sinalanta ng lindol sa Sarangani, tuloy-tuloy – DSWD

COMELEC, aminadong ‘di kakayanin magkaroon ng plebesito sa huling quarter ng 2024 kasabay ng paghahanda sa 2025 mid-term elections

Aminado ang Commission on Elections (COMELEC) na hindi na nila kakayaning pagsabayin ang paghahanda sa 2025 mid-term elections, at pagdaraos ng plebesito sa huling quarter ng 2024. Sa briefing ng House Committee on Suffrage and Electoral Reform para sa paghahanda sa 2025 mid-term elections, natanong ni Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel ang COMELEC kung may… Continue reading COMELEC, aminadong ‘di kakayanin magkaroon ng plebesito sa huling quarter ng 2024 kasabay ng paghahanda sa 2025 mid-term elections

Mga senador, pumirma sa isang manifesto na mariing tumututol sa People’s Initiative

Pinirmahan ng dalawampu’t apat na senador ang manifesto na nagpapahayag ng kanilang mariing pagkondena na isinusulong na Peoples Initiative na layong amyendahan ang Saligang Batas ng Pilipinas. Sa sesyon ngayong hapon, binasa ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang nilalaman ng naturang manifesto. Nakasaad dito ang pagrespeto at pagkilala ng mataas na kapulungan sa taumbayan… Continue reading Mga senador, pumirma sa isang manifesto na mariing tumututol sa People’s Initiative

Pag-amyenda sa political provisions ng batas, hindi pa napapanahon

Binigyang diin ng Pangulo na tanging ang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon ang dapat na tutukan sa ngayon. Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gitna pa rin ng paglikom ng pirma ng mga botante, para sa People’s Initiative o ang kampaniya na layong baguhin ang batas. Sa isang panayam, ipinaliwanag ng… Continue reading Pag-amyenda sa political provisions ng batas, hindi pa napapanahon

Pagkilala ng Pilipinas sa One China Policy, hindi nagbabago, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Ferdinand Marcos Jr., Philippines president, during a meeting with US President Joe Biden, not pictured, in the Oval Office of the White House in Washington, DC, US, on Monday, May 1, 2023. The visit comes months after the Philippines granted the US greater access to its military sites, paving the way for greater American presence in Asia Pacific amid heightened tensions with China over Taiwan and the disputed South China Sea. Photographer: Michael Reynolds/EPA/Bloomberg via Getty Images

Mahigpit pa ring sinusunod ng Pilipinas ang One China Policy at hindi isinusulong ng bansa ang independence ng Taiwan. Ito ang paglilinaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., makaraang kwestyunin ng China ang ginawang pagbati ng pangulo sa bagong presidente ng Taiwan. Sa isang panayam, sinabi ng pangulo na common courtesy lamang ang ginawa niyang… Continue reading Pagkilala ng Pilipinas sa One China Policy, hindi nagbabago, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Sen. JV Ejercito, pinapabilisan ang pagsasakatuparan ng infra projects ng gobyerno para makatulong sa problema sa traffic

Nanawagan si Senador JV Ejercito na paspasan na ang mga infrastructure project ng pamahalaan para maresolba ang problema sa mabigat na daloy ng trapiko sa Pilipinas. Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng pagkakapangalan sa Manila bilang may worst traffic sa metro area sa buong mundo. Ayon kay Ejercito, kung may problema sa… Continue reading Sen. JV Ejercito, pinapabilisan ang pagsasakatuparan ng infra projects ng gobyerno para makatulong sa problema sa traffic