Pormal na pinag-aaralan ng LGU-Camalig sa pamumuno ni Mayor Carlos Irwin Baldo Jr. ang opisyal na proposisyon ng Skepter Technologies Inc. sa Camalig Municipal Hall, hinggil sa integrasyon ng makabagong drone technology upang tulungang mapataas ang ani at kita ng mga lokal na magsasaka at mangingisda sa mga agricultural barangays.
Ayon sa ulat ng Camalig Public Information Office, layunin ng inisyatibong ito na i-automate at gawing mas precise ang labor-intensive na mga gawain tulad ng precision seeding, spraying, at fertilization sa iba’t ibang pananim at maging sa sektor ng aquaculture upang direktang mapababa ang manual labor at operational expenses ng mga farmers at fisherfolks.
Sa ngayon, ang technical modernization ay bahagi ng patuloy na mandato ng lokal na pamahalaan ng Camalig na magpatupad ng mga makabagong solusyon para sa food security at sustainable livelihood sa pamamagitan ng pag-optimize saresource management, pagbawas sa paggamit ng kemikal, at pag-alis ng product waste upang matiyak ang mas malusog na mga pananim at mas mataas na profit margins para sa mga local stakeholders. | ulat ni JM Olarte | RP Albay
📸 CAMALIG PIO