Kasalukuyan nang naka-heightened alert at standby status ang Disaster Response Group (DRG) Team ng Coast Guard Station (CGS) Central Tawi-Tawi para sa posibleng deployment. Ito ay kasunod ng umiiral na banta ng potensyal na tsunami wave sa karagatan ng lalawigan.
Sa huling ulat, deployed na ang ilang tauhan ng DRG sa mga baybayin at mabababang barangay upang magsagawa ng preemptive monitoring, malawakang impormasyon, at paunang pagtatasa sa sitwasyon. Nananatili namang naka-standby ang karagdagang mga koponan at rescue assets para sa mabilisang responde kung kinakailangan.Kaugnay nito, nagpaabot ng mahalagang paalala ang Coast Guard Station Central Tawi-Tawi para sa mga kababayang naninirahan sa mga baybayin na maging alerto ngunit iwasan ang mag-panic. Tutukan lamang ang mga opisyal na abiso mula sa PHIVOLCS, PAGASA, at PCG.
Kapag naglabas na ng “Evacuate Now” order, huwag nang mag-atubili at agad na lumikas patungo sa mas matataas na lugar. Siguraduhing laging handa at madaling mabitbit ang inyong emergency kit o “Go Bag” na naglalaman ng tubig, pagkain, flashlight, at mahahalagang dokumento.Binigyang-diin ng pamunuan na handang-handa ang Disaster Response Group ng CGS CTT na tumulong at magbantay anumang oras upang matiyak ang kaligtasan ng komunidad.
📷 𝐂𝐨𝐚𝐬𝐭 𝐆𝐮𝐚𝐫𝐝 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐫𝐚𝐥 𝐓𝐚𝐰𝐢-𝐓𝐚𝐰𝐢

