Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga naitatalang nasawi sa lalawigan ng Sarangani matapos ang magnitude 7.8 na lindol.
Batay sa pinakahuling validated report ng Sarangani Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) kahapon, Hunyo 12, 2026, alas-6:00 PM, umabot na sa 30 ang kumpirmadong namatay sa mga bayan ng Glan at Malapatan.
Sa Glan, 22 ang nasawi, kung saan karamihan ay natabunan ng mga debris mula sa naganap na landslide, habang walo naman ang naitala sa Malapatan dahil sa pagkalunod at pagkakatama ng malalaking gumugulong na bato.
Patuloy ang isinasagawang response, recovery, at rehabilitation efforts ng mga awtoridad sa mga apektadong komunidad. | ulat ni Macel Mamon Dasala