Ipinatupad ng Department of Trade and Industry (DTI) Sarangani ang 60-araw na price freeze sa mga pangunahing bilihin kasunod ng pagdeklara ng state of calamity dahil sa malakas na lindol na tumama sa lalawigan.
Epektibo ito mula Hunyo 10 hanggang Agosto 9, 2026, kung saan ipinagbabawal ang anumang pagtaas ng presyo ng mga sakop na basic necessities sa buong Sarangani.
Layunin ng hakbang na maprotektahan ang mga mamimili laban sa hindi makatarungang pagtaas ng presyo habang patuloy na bumabangon ang lalawigan mula sa pinsalang dulot ng lindol.
Pinaalalahanan din ng DTI ang mga negosyante na sumunod sa umiiral na price freeze upang matiyak ang sapat at abot-kayang suplay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga residente. | ulat ni Macel Mamon Dasala