Pumalo na sa 61 ang bilang ng naitalang nasawi bunsod ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong Hunyo 8 ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Batay sa ulat ng OCD, nasa 33 katao pa ang nawawala habang sumampa na sa 1,221 ang bilang ng nasugatan kabilang ang maraming estudyanteng nakaranasa ng trauma at nagpagamot sa mga ospital.
Ayon sa OCD, karamihan sa mga nasawi ay biktima ng landslide at pagbagsak ng mga gusali at debris, particular sa General Santos City, Jose Abad Santos sa Davao Occidental at Sarangani Island.
Kasabay nito, nagpapatuloy ang paghahatid ng pagkain, malinis na tubig, tents, at iba pang relief supplies gamit ang eroplano, barko, at helicopter ng pamahalaan.
Samantala, nananatiling sarado sa commercial flights ang General Santos City Airport, ngunit bukas ito para sa humanitarian missions.