Kinumpirma ng National Irrigation Administration Region 12 na agad na silang kumilos at naisagawa ang Rapid Damage Assessment sa mga Irrigation dam sa SOCCKSARGEN region.
Sa panayam ng programang Go Agri Plus kay NIA Region 12 Chief, Engr. Diosdado Rosales na agad nai-deploy ang teams ng NIA na siyang sumuri sa mga sakop nilang dams.
Mas maganda kasi ayon sa NIA na masuri ang mga dam upang matukoy kung may natamo itong pinsala upang agad na maremedyuhan.
Kung mapapabayaan kasi ito ay malaking kawalan ito sa mga istruktura na pinaglalaanan ng pondo ng pamahalaan upang maging maayos ang sistema ng irigasyon sa bansa.