Maituturing na insulto sa Pilipinas at pagpapalala pa sa panggigipit ng China sa West Philippine Sea ang ipinataw na sanctions laban kay Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr.
Ayon kay Senador Kiko Pangilinan, ang hakbang na ito ng China ay pag-atake sa sovereign decision ng Pilipinas dahil ang mga pahayag ni Teodoro ay sumasalamin sa opisyal na polisiya ng pamahalaan
Aniya, ang pagpaparusa sa kalihim at sa kanyang pamilya ay paglapastangan din sa Pangulo, sa estado, at sa Konstitusyon.
Samantala, sinabi ng China na ipinataw ang sanctions dahil sa umano’y paulit-ulit na iresponsableng pahayag ni Teodoro na naka-aapekto sa interes ng Beijing at sa relasyon ng dalawang bansa.Iginiit naman ni Senador Pangilinan na ang pagpaparusa sa isang miyembro ng Gabinete dahil sa pagtatanggol sa 2016 arbitral ruling at sa mga karapatang kinikilala ng international law ay lalo lamang nagpapababa sa kredibilidad ng China sa international community.