Photo courtesy of Toledo City PIO
Mahigpit na mino-monitor ng Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang kalidad ng hangin sa Cebu matapos umabot sa ilang bahagi ng lalawigan ang ashfall mula sa pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Ayon kay PDRRMO Chief Retired Colonel Dennis Francis Pastor, naapektuhan ang Toledo City, Aloguinsan, Pinamungahan, Cebu City, at iba pang lugar dahil sa hanging nagdala ng abo.
Nagpadala na ang pamahalaang panlalawigan ng assessment teams, food supplies, at 500 N95 face masks, habang nakahanda pang ipamahagi ang 6,000 karagdagang face masks sa mga pinakaapektadong lugar.
Inatasan din umano sila ni Governor Pamela Baricuatro na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya upang matiyak ang maagap na pagtugon.