Umabot sa ₱7.59 billion ang ni-remit ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa National Treasury.
Ito na ang pinakamataas na remittance sa lahat ng Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC) sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr), at halos kalahati ito ng buong halaga ng na-remit ng DOTr sa Treasury na nasa ₱15.29 billion.
Ayon naman kay MIAA General Manager Eric Jose Ines, ang malaking remittance ay nagpapakita ng pagtupad nila sa kanilang mandato sa ilalim ng NAIA Public-Private Partnership o PPP.
Dati nang kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang malaking remittance ng lahat ng GOCCs sa bansa na umabot sa ₱147.15 billion.
Ayon sa Pangulo, mahalaga ang suporta ng GOCCs sa gobyerno para sa financial management ng bansa.