Photo courtesy of Commission on Higher Education (CHED) Facebook
Binuksan na ng Commission on Higher Education (CHED) ang aplikasyon para sa Scholarship Program for Coconut Farmers and Their Families (COSCHO), para sa Academic Year 2026–2027.
Maaaring mag-apply ang mga Pilipinong rehistradong magsasaka ng niyog sa National Coconut Farmers Registry System (NCFRS) at mga miyembro ng kanilang pamilya.
Kasama rin sa maaaring mag-apply ang mga graduating o nagtapos ng Senior High School, ALS graduates, at mga college student na may General Weighted Average na hindi bababa sa 80 porsiyento.
Kinakailangan ding hindi hihigit sa ₱300,000 ang pinagsamang taunang kita ng mga magulang o taga pangalaga.
Maaaring mag-apply sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code sa opisyal na poster o sa website na ched.gov.ph/stufaps.
Hanggang August 31, 2026 ang pagtanggap ng aplikasyon para sa naturang scholarship program.