Biyaheng Singapore bukas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa 3-day working visit kasama si First Lady Liza Marcos.
July 14 hanggang 16 ang working visit ng Pangulo ayon kay Palace Press Officer, Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na kung saan ay bahagi ng biyahe ang pagsusulong ng mas matatag na bilateral relations ng Pilipinas at ng Singapore, na susunod na ASEAN Chair.
Kasama sa itinerary ng Pangulo ang courtesy call kay Singapore Prime Minister Lawrence Wong, kung saan mapag-uusapan ang kooperasyon sa larangan ng trade and investment, environment and health, at regional and global development.
May partisipasyon din ang Pangulo sa round table discussion kasama ang mga business leaders.
Ang meeting ng Pangulo sa lider ng mga negosyante sa Singapore ay magaganap kasunod ng pagkilala sa Pilipinas bilang Upper Middle income country.